Chapter 5

2157 Words
Shira’s POV    “What the heck are you doing in our house?” gulat na tanong ko at agad na tinulak si South palayo sa akin. He chuckled a bit.    “Oh… you already met my grandson, Shira? This is South your fiance,” nakangiti niyang saad habang pinapakilala si South na nakangisi lang habang nakatingin sa akin. I want to curse ngunit pinili kong huwag na lang.    “What about Art po?” tanong ko at nilingon si Art na nasa gilid. Natawa naman ito habang tinitignan ako.    “Art already have girlfriend, stop with your fantasies,” masungit na saad ng epal na si South. Tinatanong ko ba siya? Pagkakaalam ko’y wala naman akong sinabing South?    Kusa na lang akong napairap sa kanya ngunit masama rin naman ang tingin nito.    Nagtungo naman na kami sa hapag. Agad akong nilingon ni Mama at sinamaan ng tingin nang makita ang itsura ko. Napanguso naman ako. Wala naman kasing sinabi sa akin na nandito ang nirereto nila.     Tahimik lang naman ako habang nag-uusap sina Mama at Senyora Trinidad. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang si South Arceo ang fiance ko. Nanlaki namam ang mga mata ko nang may mapagtanto.    “Senyora! He already have a fiance!” hindi ko mapigilang sambitin nang maalala na noong unang tapak pa lang niya sa school ay bali-balita na nafiance niya ang anak ni Mayor dito sa lugar. Alam kong playboy na siya noon pa dahil madalas ko itong nakikitang may babae kahit na may fiance na siya. Humupa lang ang usap-usapan na ‘yon nitong taon. Saka pagkakaalam ko’y may girlfriend ito! ‘Yong kahalikan niya roon sa may likod ng school.    Pinandilatan naman ako ng mga mata ni Mama at Papa habang si Senyora naman ay bahagyang natawa.    “Hindi natuloy ang engagement na ‘yon, Hija. Si Mayor lang ang may gusto,” natatawang saad niya kaya napatikhim ako at napatango.    Akala ko ba’y sasabay ka lang sa hagos ng buhay, Dolo? Hindi rin naman ibig sabihin na fiance mo siya’y siya na ang makakatuluyan mo, hindi ba?    “Oh... alright po. It’s all fine then,” nakangiti kong saad. Nginitian din naman ako pabalik ni Senyora Trinidad.    “You should come in our Isla sa sabado. Baka lang gusto mo,” sabi niya sa akin.    “Sure. Why not, Senyora? Gorabels lang me kahit saan basta po payag sina Mama.” Malapad ang ngiti ko dahil win win na rin sa akin ito kung sakali.     Hindi pa ako nakakapunta sa La Trinidad dahil noong nag-imbita si Senyora’y hindi na ako sumama. Iniingatan kasi nina Mama image nila pagdating sa matanda. Halos lahat kasi ng properties dito sa Isla Soledad ay kina Senyora. Although may kaya rin naman kami. Hindi nga lang ganoon kataas sa mayroon ang matanda.    “Ayos lang naman sa amin ‘yon, Senyora,” nakangiting saad ni Mama.     “You should know each other, South and Shira. Kayo ang magsasama ng matagal,” sabi ni Senyora. Ngumisi naman si Mama. Parang gustong-gusto na talaga akong ipamigay ng ina ko. Ako na nga lang ang nag-iisang anak ng mga ito.    “By the way, Art? Totoong may girlfriend ka na?” tanong ko kay Art. Pupuwede ko itong ireto kay Ley. Sana maaga itong umuwi!    “Huh? Wala pa naman,” natatawang saad niya. Sasamaan ko sana ng tingin si South dahil sinungaling ito ngunit matalim na ang tingin sa akin ngayon. Tumaas naman ang isang kilay niya nang mapatingin ako sa kanya. Nagmake face lang ako sa kanya bago ko siya iripan.     “Why are you even interested with my cousin’s love life, Kiddo?” mahinang tanong ni South, sapat na para marinig namin ni Art. Sina Senyora at Mama ay nag-uusap na. Wala na sa amin ang atensiyon ng mga ito.    “Pakialam mo naman? Kanino mo ako gustong maging interesado sa ‘yo?” tanong ko na pinagtaasaan siya ng kilay. Napatawa naman nang mahina sa amin si Art habang si South ay hindi makapaniwalang tinignan ako. Hindi siya nagsalita tila pinipigilan ang inis sa akin. Ibinaling na lang niya ang mata sa pagkain tila ba may ginawang hindi maganda ‘yon sa kanya. Tsk.    “So ano? Ready to mingle ka ba?” pabulong na tanong ko kay Art. Napatikhim naman si Senyora dahil sa paglapit ko sa apo niya. Hindi ko naman maiwasang mapanguso. Mukhang pinapanood pala kami nito kahit na abala sa pakikipagkwentuhan kina Mama.    “May irereto ako sa ‘yo,” pabulong na saad ko habang ang mga mata’y nasa pinggan na.    “Talaga? Chix ba ‘yan?” natatawang tanong ni Art. Sasagot na sana ako nang makita kong tumayo na si South na nasa tapat.    “I’m already done po. If you may excuse me, Ma’am, Sir, papahangin lang po sa labas,” sabi nito. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay nang mapatingin ako sa kaniya.     “Yeah, sure, Hijo,” nakangiting saad ni Papa.    “Samahan mo, Dolo. Nang malibang naman ang fiancé mo,” sabi ni Mama. Agad naman akong napangiwi.    “Keriboom boom na niya ‘yan, Ma, nandoon lang naman po ang guard—“ Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang maramdaman ko na ang paa mula sa may lamesa.    “Awwem...” reklamo ko at napangiwi. Pinandilatan pa ako ni Mama kaya napanguso akong tumayo. Natawa naman si Art na nasa gilid ko lang.    “Yes, Ma, gogora na po,” sabi ko naman at sumunod kay South na nakalabas na. Kusa na lang akong napairap habang nilalapitan ito. Hinanap ko ito sa garden ngunit wala siya roon. Nakita ko lang itong nakaupo sa labas. Napairap na lang akong lumapit sa kanya. Nang mapansin ako’y pasimple na lang na tinignan at mukhang hindi interesadong ibinaling sa harap ang kaniyang mga mata.     “My mom wants to come with you. Huwag kang assuming,” natatawa kong saad at naupo sa tabi niya. Napakibit naman siya ng balikat at hinayaan ako. Ang mukha nito’y mukha pa ring masungit hanggang ngayon.    “Break up with your boyfriend,” seryosong saad niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo dahil do’n. Wala naman talaga akong boyfriend ngunit hindi naman ako papayag na diktahan ako nito.    “Why would I? Hindi rin naman tayo sa huli,” natatawa kong saad. Nang lingunin ko siya’y halos mapaatras ako sa takot dahil sa itsura niya. Well, nakita ko na itong mainis pero iba ‘yong ngayon.     “Then break the engagement up bago pa magsimula ang lahat,” masungit na saad niya at nag-iwas ng tingin. Napatawa naman ako roon, as if I’ll do it.     “Don’t get me wrong, Daddy. Fafa ka naman, hindi ka naman shongit or anything,” natatawa kong saad para pakalmahin ang sarili at hinawakan pa ito.    “It’s just that I’m too young, mga bata pa tayo. Sabay lang tayo sa agos ng buhay. Hindi ibig sabihin na tayo ang magkasama ngayon, tayo na sa huli. Masiyadong magulo ang earth, Fafa,” sambit ko sa kanya. Nang tignan ko siya’y nakangisi ito ngunit nandoon pa rin ang matalim na mga mata niya.     “How can you be sure about that?” nakangising tanong nito. Napatikhim naman ako at nginisian din siya.    “Walang permanente sa mundo. Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, siguradong magbabago rin ‘yan sa mga susunod na taon,” natatawa kong saad.    “Try me, Dolores. Break up with your boyfriend,” sambit niya at ngumisi pa. Agad naman akong napasimangot at napangiwi sa pagbanggit nito sa aking pangalan.    “Ewwers ka! Susuntukin ko ‘yang bunganga mo!” inis kong sambit kaya napatawa siya ng mahina.    “Cute naman, ah? Dolores,” mapang-asar niyang saad kusa na lang akong napairap.    “Bobo ka. Layuan mo nga ako!” inis kong sambit kahit ako naman ‘tong kumapit sa kanya. Napatawa siya sa akin dahil do’n at dahan-dahan pang lumapit ulit. Naramdaman ko naman ang kaba habang papalapit siya. Napanguso ako nang makitang inalis niya sa buhok ang pencil na hindi ko namalayang nandoon pa rin pala. He chuckled when he see my face turned red because of him.    “Hala, pucha. Hindi ko naman alam na may harutan ng ganap dito.” Pareho naman kaming napalingon kay Ley. Nanlaki naman ang mga mata niya habang nakatingin kay South.    “Ay akala ko si Tino,” natatawang sambit niya sa akin ngunit agad akong napairap, paniguradong nang-aasar lang ito.    “Tino? I thought your boyfriend name’s Dani?” tanong ni South dito sa tabi ko. Halos masamid naman si Ley. Napatawa pa siya na napailing.    “Daming boylalu ‘yan. Baka gusto mong magjoin?” natatawang saad ni Ley kaya agad ko siyang hinagisan ng batong maliit. Natatawa naman siyang napailag.    “Isa kang hangal, boba ka!” sambit ko na tinawanan niya lang.     “Siya sige na, pasok na ako sa loob. Ipapahinga ko muna ang ganda ko,” sabi niya kaya agad akong napangiwi at napairap.    “Teka! May irereto pa ako sa ’yo!” sabi ko at tatayo na sana kaya lang ay agad akong nahawakan ni South.    “We’ll going to talk, Kiddo,” sabi nito. Malapad naman na napangisi si Ailey doon.    “Sige na. Iwanan ko muna kayo riyan,” natatawang saad nito sa akin. Napabuntonghininga na lang akong tumango.    “Break up with your boy toys now, Kiddo,” seryoso niyang sambit.    “Ulupong ka naman,” sabi ko at napailing. Pinagkunutan niya naman ako ng nok dahil sa pinagsasabi.    “Hindi pa naman tayo ikakasal saka mo na ako itali kung ganoon,” natatawa kong saad at napailing pa sa kanya.    “Sa ngayon, hindi pa ako ready’ng masakal. Fiance pa lang kita, South.” Medyo kinabahan pa ako dahil seryoso ang mukha nito. Wala naman talaga akong boyfriend, ayaw ko lang naisipin nitong magpapatali ako sa kanya dahil lang pinagkasundo kami ng Lola at Mama ko.     “Good night, Fafa, see you tomorrow,” sambit ko at nginitian siya.    Nagtapos ang usapan namin ng ganoon. Ni hindi na niya ako kinibo pa. Umakyat na rin naman ako pagkatapos no’n. Matagal lang akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kisame.    Napatingin ako sa kumakatok sa pinto. Nakita ko si Ley na may dalang gatas, mukhang pinapadala ni Tita.    “Hey,” bati ko at nginitian siya.     “Sana ikaw na lang ang uminom niyan! May yogu naman ako rito,” natatawa kong saad sa kanya.    “Boba, ako naman ang pagagalitan ni Mama kung sakali,” sabi niya naman at inabot ang gatas sa akin.    “Ni hindi ko napakilala sa ’yo si Art. Sayang!” natatawa kong saad na pinapasok siya sa loob.    “Nameet mo na ang fiance mo. So ano namang masasabi mong si South ‘yon na crush mo?” nakangisi niyang tanong. Agad naman akong napanguso at napakibit ng balikat.     Gustong-gusto ko si South dahil sa lahat ata ng lalaking naroon sa school, siya lang itong nabubukod tanging sinusupladuhan ako. Nagagwapuhan din ako rito at medyo kuryoso sa pakikitungo niya sa akin.     Hindi ko alam kung dahil ba ayaw niya lang sa akin o ano. Hndi naman ako pangit. Maganda naman ang katawan ko kahit hindi coke. Hindi ko alam kung bakit tuwing nginingitian ko ito’y masungit ako laging binabalingan ng tingin. Kung minsan pa nga’y tila wala lang siyang napansin samantalang kapag ibang lalaki’y parang mga asong ulol na talagang isusunod pa ang tingin sa akin.    Hindi ko nga lang alam kung kakayanin ko bang huwag mahulog dito. I don’t know now.     “Don’t worry about anything. Baliw, sabi mo nga makisabay lang sa hagos ng buhay,” natatawang saad niya at pinitik pa ang noo ko.    “Bigla ka bang natakot na may fiance ka na? Parang no’ng nakaraan lang ay tila wala kang paki, ah,” sambit niya pa.    “Well, hindi naman. Wala lang ‘to,” natatawa kong sambit. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin ngayon.     Hindi naman ako takot na makisama sa ibang lalaki pero mas lalo ko lang kasing naramdaman ang epekto sa akin ni South. Tuwing katabi ito’y para na akong nawawala sa sarili. Nakakatakot. Baka biglang lumalim ang nararamdaman ko.     “Hay nako, hindi uso sa isang Dolo ang takot!” sambit niya na tinapik pa ako sa braso bago iwanan. Hindi ko naman maiwasang mapanguso roon.    Napabuntonghininga ako. Wala naman talaga akong pakialam noong una kung sino bang magiging fiance ko but now that I know na it’s him? Baka bigla hindi ko na pakawalan katulad no’ng unang plano. Baka mamaya kapag gusto na nitong kumawala’y ako naman ang magkulong sa kanya.    Wow, Dolo, you’re just 17. Anong kinakatakot mo ngayon?      Napasulyap naman ako nang makarecieve ng text sa cellphone.    Unknown:    Try me. I’ll change your perception, Kiddo.    Napasinghap ako ng maisip na si South ito. Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.    Ako:    Ano ‘yan? 30 days free trial?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD