Shira’s POV
Inis naman na nagsi-alis ang mga babae sa gawi ko habang si South ay tinignan lang ako sandali bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso para pigilan ang ngiti mula sa aking mga labi.
Nagtungo na rin ako sa room. Agad akong nasermonan ng guro dahil late na naman daw ako. Kapag si Ailey na ang pumasok diyan, siguradong parang wala itong nakita. Matalino si Ailey at mabuting estudyante kaya napagbibigyan ngunit kapag kami ang late ni Rest siguradong dadakdakan kami nito.
“Hindi pa po oras ng klase, Ma’am. We’re not consider late yet,” sabi ko sa kanya kaya agad akong napangisi nang hindi ito magsalita.
Nangalumbaba sa upuan ko, uminom na lang ako ng yogu dahil hindi pa naman talaga time.
Nakinig lang ako sa buong klase habang wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Hiwa-hiwalay talaga kami ng strand nina Rest at Ley. Si Ley, gustong maging accountant habang si Rest naman ay fashion designer na talaga. Hindi ko sigurado kung ano talaga ang gusto ko. Wala pa talaga akong natitipuhan kaya nang sabihin ni Mama na kunin ko ang strand na GAS pumayag na rin ako.
Maraming nagsasabi sa akin na ganda lang ang meron ako, wala namang utak at pangarap. Tinatawanan ko lang ang mga ‘yon. Hindi porket hindi ko pa nahahanap ang gusto kong gawin ay wala na akong mararating, I’m in the process of finding what I really like. Eka nga nila a small process is still a process kaya kahit gaano pa katagal basta makarating ako, ayos lang sa akin. But for now, I just want to enjoy my life. Kumbaga sabay lang muna sa agos ng buhay hangga’t hindi ko pa nahahanap ‘yong bagay na gusto ko.
“Hey, I’ll go now. Ingat kayo sa pag-uwi!” nakangiting saad sa amin ni Rest nang matapos ang klase at narito na kami sa labas ng eskwela. Nakahanda na para uwi.
Pakaway-kaway pa siya nang umalis. May family dinner sila kaya maaga talaga ‘tong uuwi ngayon. Sinundo rin kasi siya ng Daddy niya.
“Ako rin, Dolo, una na ako. Kailangan na ako sa racket,” sambit niya.
“Huh? Hindi ka muna uuwi?” nagtataka kong tanong.
“Iba pa ‘to,” natatawa niyang saad. Napatango na lang ako at hinayaan sila.
“Oh, small boobs!” natatawang saad niya nang makita si South sa kabilang bahagi ng gate. Napailing na lang ako at hindi ‘yon pinansin. Nakipagkwentuhan pa sandali si Ailey kay South. South is really friendly pero never ko naman itong nakausap maliban na lang noong kausap ko ang mga kaibigan niya. Ang sabi nila’y masiyahin ito at hindi isnabero pero ibang-iba naman kung makitungo sa akin. Para ngang nakakatakot itong kausapin dahil sa masungit niyang awra araw-araw.
“Shira! Sabay ka na sa amin tutal ay magkapareho lang naman tayo ng village!” sabi ni Jace.
“Hey, hindi na, parating na rin si Manong. I already texted him,” sabi ko na nakangiti rito. Pinakita pa ang cellphone ko.
“Oh... okay! Ingat sa pag-uwi, Shi!” sambit niya na nginitian ako. Nginitian ko lang siya ng malapad at tinanguan. Nagtipa lang naman ako sa aking numero habang hinihintay si Manong.
“Do your boyfriend know that you’ll flirting with other guy here?” Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita si South na nasa likod ka na pala.
“What the f**k? Bakit ka ba nanggugulat?” iritado kong sambit at bahagya siyang tinulak. Nakataas naman ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"Bunganga mo," aniya kaua nginiwian ko siya. Sa huli'y pinili na lang din huwag nang makipagtalo pa ngunit syempre kailangan ding maasar ko ito.
“You’re going home na, Daddy?” nakangisi kong tanong sa kanya.
“Stop it, Kiddo. It’s not funny,” sabi niya na sinamaan pa ako ng tingin. Bahagya naman akong napahalakhak sa kanya at hinawakan ko pa ang baba nito.
“You look handsome today, Daddy,” natatawa kong pang-aasar. Agad niya namang hinawi ang kamay ko at sinamaan ng tingin.
“Stop flirting with me or better break up with your boy fuckin’ friend,” masungit niyang saad bago lumayo sa akin. Napangisi naman ako roon at napakibit ng balikat.
Napanguso naman ako nang makita ko ang ilang babaeng lumapit sa kanya. Tipid niyang nginitian. Mayamaya lang ay kakwentuhan na rin niya ang mga 'yon. Napangisi na lang ako. Parang kahapon lang ay mayroon pa siyang tourism student na kaharutan, ha?
Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa niya at inabala ang sarili sa phone. Dumating na rin naman ang sundo ko. Bahagya ko siyang nilingon at agad ngumisi nang makitang napatingin siya sa akin.
“Bye, Daddy,” nakangisi kong saad. Agad umalma ang mga babaeng kausap niya at sinamaan ako ng tingin. Kita ko naman ang matalim na mga mata ni South sa akin ngunit tinawanan ko na lang ‘yon.
Nang makarating sa bahay ay nanatili lang akong nakakulong sa kwarto habang inaayos ang kwarto ko. This past few months ay nahihiligan ko ang pagdidisenyo ng kwarto at nahihiligan ko rin ang pagdo-drawing. Nilagay ko naman ang lapis sa buhok ko nang may kumatok mula sa pintuan.
“Good evening, Ma’am. Hinahanap na po kayo sa baba,” sabi nito.
“Sige, ‘Te. Gogora na ako mayamaya,” sabi ko at nginitian siya.
“Magbihis daw po kayo sabi ng Mama niyo,” saad pa niya.
“Bakit pa, Sissy? Hindi na ‘yon kailangan, sige na’t susunod na ako,” natatawa kong saad at tinaboy na siya.
I was just wearing a linen white short and black sando showing little glimpse of my boobs. Sanay na sanay naman na sila sa akin na palakad-lakad akong ganoon ang suot, mas presko kasi.
Lumabas na rin naman ako nang tawagin pa ulit ako ni ng kasama namin dito sa bahay. Nagtungo na lang ako roon at babatiin na sana sina Mommy nang may makita akong isang lalaki.
Malaki ang pangagatawan nito at base sa kanyang itsura mukhang nalalapit lang naman ang edad namin sa isa’t isa. Sa itsura pa lang nito’y alam ko na agad na siya ang fiance ko. Gwapo naman kaya ayos lang din.
“Hey! Are you my fiance?” Malapad ang ngiti at malambing ang tono nang tanungin ko ito. Medyo nagulat naman siya nang magsalita ako.
“Oh! Are you Shira?” nakangiti niyang tanong. Mukhang mabait naman pala ang magiging asawa ko kung sakali. Malapad ko lang siyang nginitian.
“Yeah, Shira,” sabi ko at ngumiti. Naglahad naman siya ng kamay sa akin.
“Art,” nakangisi niyang saad.
“Oh, gasmati, ha? Keribels ka naman pala,” sabi ko at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya tila hindi naintindihan ang sinabi ko ngunit napatawa rin kalaunan.
“Nah, I’m your fiance here, Kiddo.” Halos mataranta ako nang may umakbay sa akin at kilalang kilala ko ang tinig na ‘yon.