Chapter 3

1121 Words
Shira’s POV “Hi, Dani!” nakangisi kong bati sa isang kakilalang lalaki mula sa college department. Malapad akong ngumiti rito. “Hey, Shi! Still pretty, huh?” sambit niya. “Omg! I miss you, Sismars! I thought you won’t be here na,” sambit ko at niyakap siya. Natatawa naman niya akong niyakap pabalik. “Fafa mo pa rin friend, ha!” natutuwa kong saad habang nakatitig sa kaniya. Napatawa naman siya sa tinuran ko at pabiro akong hinampas. “Gaga ka talaga. Hiindi tayo talo! Girlalu rin ako, Sismars,” nakangiti niyang saad at inakbayan pa ako. Dani is gay pero kung titignan mo ito’y para talaga itong lalaki dahil sa kakisigang taglay. “’Yon na si Rest oh!” sambit ko sa kanya at kumaway naman kami kay Rest na napapalapit. “Hey, Mamshie! Owemji! I miss you so much! You won’t come back to springhill ba?” tanong ni Rest sa kanya. Nakasunod naman si Ley na inirapan na agad si Dani. Hindi magkasundo ang dalawa kahit sila na nga lang dalawa ang madalas na magkasama. Si Dani kasi ang may-ari ng café na pinagpapasukan ni Ley kaya madalas talaga silang magkasama. “Nakita ko naman ang mukha mo, nakakabadtrip,” sabi ni Ley sa kanya kaya walang sabi-sabi siyang binato ng tissue ni Dani. “Sisisisantehin talaga kita, gaga,” sabi ni Dani na inirapan siya. “Hala, edi wala ka nang magandang waitress?” natatawang saad ni Ley sa kanya. “Sus, pakarat ka talagang hayop ka.” Sanay na sanay na kami sa dalawang ‘to. Kaibigan namin si Dani no’ng high school kami. Mas matanda ito ng ilang taon sa amin. Anak siya ng business partner ni Mama at ng Mommy ni Rest. Noong una’y akala namin ay hinaharot kami, ‘yon pala’y gustong malaman ang skin care at ang shampoo namin sa buhok. Ang buhok pala namin ang bet! “So what’s your chika?” nakangisi kong tanong sa kanya. “Ito na nga, Sis, may tumawag kasi sa aking agency, naghahanap ng model. Kayong tatlo ang naisip ko!” sabi niya. “Pass,” natatawang saad agad ni Ley at sumimsim pa sa inumin na inorder ko. Hinayaan ko lang siya. “I don’t like that, Girl, pass din me,” sabi naman ni Rest at nagkibit ng balikat. Rest really likes clothes. Fashionista talaga ang dating nito ngunit hindi niya gusto ang magmodelo, mas gusto niyang siya mismo ang gagawa ng mga kasuotan. Agad naman silang napatinging tatlo sa akin as if hindi na ako pupwedeng tumanggi. Napatawa naman ako ng mahina roon at tumango. “Sure, why not?” nakangisi kong tanong, rumaracket naman na talaga ako sa modeling. “Yown naman ang likes ko sa ’yo, Sissy!” natutuwang saad ni Dani sa akin na pinanggigilan pa ang pisngi ko. Agad ko naman siyang hinampas dahil do’n. “Sakit kaya ng kurot mo!” sabi ko na sinamaan siya ng tingin. “So kumusta naman ang pagiging leader ng cheering squad sa senior, Mars?” tanong niya sa kay Rest. Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa malapit na ang oras para sa klase. “Sis, baba mo muna kami rito. May bibilhin pang something si Ley here.” Tinuro ni Rest sa isang bookstore malapit sa school. “Ihatid mo na ‘yang si Dolo. Alam mo naman kung gaano katamad ‘yan,” sabi ni Ley at inirapan pa ako. Napanguso naman ako roon, ayaw ko lang maglakad dahil ang init init kaya ng sikat ng araw. Nang makarating kami sa tapat ng school. Malapad akong ngumiti kay Dani at nakipagbeso pa rito. “Ingat, Dani! See you tom! I’ll be visiting your café!” sambit ko at nag-flying kiss pa sa kanya ngunit agad niya ‘yong nginiwian na may kasama pang pag-irap. Napahagikhik na lang ako sa reaksiyon niya. Papasok na sana ako sa school nang makita sa gilid ko ang tropa nina South. Nakapamulsa lang si South sa isang tabi at hindi man lang ako binalingan ng tingin. Wow, demanding ka, Dolo, act normal, kunwari’y hindi mo rin siya kilala. “Kayo pa rin pala hanggang ngayon ni Dani, Dolo?” nakangiting tanong ni Neon, ang isa sa kaibigan ni South. “Uhh...” Halos matawa nga ako sa tanong ng mga ito. “Hindi kami.” “We? Kaya pala may pahalik pa,” sabi naman ng isa sa kanila. Halatang nang-aasar. “Ang tanda na no’n para sa ’yo, Shira,” sabi pa ni Renzo. “Oh... I don’t really mind someone’s age,” sabi ko at napatingin pa kay South na tumaas ang kilay sa akin. Agad akong napangisi roon. “So it’s fine with you kahit ilang taon?” seryosong tanong ni Neon. “Ibig mo bang sabihin ay ‘yong sobrang tanda na pwede ko ng maging Daddy? Nako, may irereto ka?” natatawa kong tanong pinagdiinan ang salitang ’daddy’ para lang asarin si South na salubong na ang kilay ngayon. “Hindi naman sobrang tanda pero may irereto ako tutal hindi naman kayo ni Dani, hindi ba?” sabi ni Neon at ngumisi pa sa akin. Napatawa naman ako ng mahina. “Reto ko sarili ko,” sabi niya at ngumisi pa. Nagsigawan naman ang mga kaibigan niya. Nginitian ko naman siya nang pagkatamis-tamis. “Hmm, hindi ka naman shongit. Hindi nga lang kita tipo,” sabi ko at nginitian siya. Kumaway pa para umalis. Inasar naman siya ng kanyang mga kaibigan. “I’ll make you mine, Shira! Tandaan mo ‘yan,” sabi niya sa akin. “Really? Hindi ka pa nagsisimula but you’re olats na,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti pa ako sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang lingunin si South ay kinindatan ko pa ito kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. May ilang kababaihan akong nadaanan na inirapan ako. Inirapan ko rin sila pabalik. Bakit? Sila lang ba ang may mata? “Landi talaga parehas ng mga kaibigan niyang mukhang binudburan ng asin sa kaharutan,” sabi ng isang babae. Nginitian ko naman siya nang malapad. Hindi naman ako susugod hangga’t hindi ko naririnig ang pangalan ko na binabanggit ng mga ito. Pero may mata naman ako kaya agad na ininsulto gamit lang ang mga 'yon. Tinignan ko pa sila mula ulo hanggang paa bago ngumisi at nagpatuloy sa paglalakad. “Feeling main character ang pucha!” “Shira will always be that pick me girl.” Nagtawanan pa ang mga ito kaya naman huminto ako para lingunin sila. Magsasalita na sana ako nang may magsalita sa likod ko. “Let me pick her then.” Kita ko pa ang ngisi mula sa mga labi ni South habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD