Shira’s POV
“Owemji, don’t worry I won’t tell anyone sa nakita,” natataranta kong saad nang nakasimangot akong hilain ni South.
“Promise! I won’t tell your jugjugan 2020 with biting some skin pa,” sabi ko sa kaniya.
“Tangina…” Dinig kong bulong niya at kita ko pa ang pagpikit niya nang mariin hanggang sa tuluyan niya na akong bitiwan dito sa walang gaanong tao.
“I’m really sorry! I didn’t mean to watch your jugjugan to the maximum level!” natataranta kong saad. Mas lalo naman siyang napapikit at hinilot pa ang kaniyang sentido at tila sobrang nai-stress sa akin. Napanguso naman ako at bahagyang kinabahan.
“I promise! I won’t tell anyone what I saw. I’ll stay blind kunwari,” I said.
“You’ll enjoy it more in a room? What the f**k? Have you tried doing that?” tanong niya na para bang walang narinig sa mga pinagsasabi ko.
“OMG! I won’t ever do that with you, 'no! Kagagaling mo lang sa—“ Agad nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha.
“Don’t touch me! I don’t even know where you touch her, kaderder ka. Wash-wash ka muna bago touch me,” sambit ko nang subukan niya akong hawakan.
Nataranta na rin ako dahil sobrang lapit na niya sa akin. OMG! Bata pa ako. Hindi ko pa kering magdala ng bata sa tiyan ko, ni hindi ko ‘yon lubos na maisip!
“Ewwers ka, ha! You should check din if you’re having s*x. Baka you’ll get a disease, ikaw rin. Ikaw ang olats bandang huli,” natatawa kong saad. Napasinghap naman siya sa mga pinagsasabi ko at lumayo sa akin.
“Why ba? Kinabahan ka ba bigla?” tanong ko pa ngunit sinamaan niya ako ng tingin.
“Go back to your room now before I do something to you,” sambit niya.
Agad nanlaki ang mga mata ko doon. “Why? You’ll punch me? OMG! You’re beklabush ba?” natatawang pang-aasar ko pa. Kitang-kita ko naman ang pagkapikon mula sa mukha nito. “You should also try to have protection before doing anything, ha. You want ba to be batang-ama?” sambit ko pa kaya mas lalo itong nainis at tinulak ako.
“You should f*****g close your mouth now before my mouth shut it,” seryosong sambit niya.
“Ewwers! You just f*****g kiss your girlfriend. Don’t f*****g dare!” saad ko, at sa takot ay agad siyang tinulak.
“I know I’m not chaka, you like me siguro,” natatawa kong saad nang makaalis sa kaniya. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay at napatawa sa sinabi ko.
“I like you?” hindi makapaniwalang saad niya at natawa pa nang malakas para bang nagjo-joke ako.
“You don’t even have big boobs and patangkad ka muna, Kiddo. Besides, why would I like a kiddo like you?” sabi niya na talagang chineck pa ang katawan ko.
Para naman akong nanggalaiti sa sobrang inis dahil sa sinabi nito. “Really?! They said that my bubelya is just sakto lang, 'no!” galit kong sambit ngunit kumunot ang noo niya.
“What’s bubelya?” tanong niya.
“My boobsie! Duh!” galit ko pa ring saad. Mukhang nagalit din naman siya nang mapagtanto ang sinabi.
“Who said that?” tanong niya.
“Why would I tell you? Tabi nga! Chaka mo! Shongit! Kiddo mo mukha mo. Sabagay, you look old, Daddy,” sambit ko at tinulak pa siya dahil inis na inis na ako sa sinabi niya. Agad din siyang napangiwi sa sinabi ko at mukhang iritado rin.
“And why would I need to have big boobsie just for you? Pretty naman ako, bobo!” sigaw ko pa. Aliw na aliw naman siyang makita akong inis na inis sa kaniya.
Nang pabalik na ako sa classroom ay agad akong nagtago nang papalabas na ang guro namin. Mukhang tapos na ang klase at hindi na ako nakabalik.
Napakabobo kasi ng Arceo na ‘yon!
Salubong ang kilay habang naglalakad palabas. Alam ko namang nagkatinginan ang dalawa dahil do’n. Agad silang lumapit sa akin.
“What’s the tea, Bebs?” tanong ni Ley sa akin.
“Do my boobs really looks small?” Iritado at napalakas ang pagkakatanong ko kaya narinig ng mga lalaki sa likuran namin.
“Of course not, Shi, you have a nice boobsie,” sambit ng mga ito. Iritado ko silang hinarap at inis na pinagbabato ng kung ano. Natahimik naman sila dahil do’n.
“Manahimik kayo, mga tanga! Susupalpalin ko ‘yang mga bunganga n'yo, mga bobo!” iritadong saad sa kanila ni Ley. Lalo naman silang natakot dahil nananapak ang isang ‘to.
“Why? What happened, Dolo?” tanong ni Rest.
“That jerk! He said I don’t have bubelya raw and I'm pandak daw!” inis na inis kong saad, halos manggalaiti na.
“Sinetch itey?” tanong ni Ley.
“Bubelya? What’s that?” tanong ni Rest, hindi ko alam kung matatawa ba ako rito o ano.
Hindi ko naman kinuwento sa kanila kung ano'ng tunay na nangyari. Kahit paano’y nangako rin naman akong hindi ko sasabihin kahit kanino ang nakita. Nakakainis pa rin siya.
Hanggang sa pag-uwi ay iritadong-iritado pa rin ako. Ni halos hindi nga ako makausap ni Rest at Ley habang papauwi na.
“Take a rest na, Sismars! Don’t be stressed with that guy. Naku,” natatawang saad ni Rest sa akin.
“Should I take you then?” natatawa kong tanong sa kaniya. Agad naman niya akong nginiwian.
“Stop being cringe, ha?!” Tumawa lang kami ni Ley at tinulak siya palabas. Ayaw na ayaw ang linyang ‘yon dahil linyahan ng crush noon.
Maski nang makarating sa bahay, ni hindi ko na napansin na may bisita pala si Mama.
“Shi, bumati ka naman sa mga bisita,” bulong nito sa akin.
“Magandang buhay po, Ma’am, Sir,” bati ko at tipid na ngumiti sa mga ito. Natawa naman ang ginang sa naging turan ko. Nginitian ko lang siya at nagpaalam na na tutungo sa kwarto. Lagi naman kasing may bisita si Mama rito sa bahay. Ano pa ba'ng bago roon.?
Kinagabihan ay bumaba na ako sa kwarto para mag-dinner. Wala si Ley. Paniguradong nasa part-time job niya ‘yon. Nagtungo na ako sa hapag dahil kanina pa rin naman ako pinapatawag.
“Good evening po...” nakangiti kong bati sa isang matandang nasa hapag. Kailan ba mawawalan ng bisita si Mama?
“Good evening din, hija,” sabi niya at nginitian ako nang tipid. Elagante ang matanda. Punong-puno rin ito ng mga ginto sa kaniyang katawan. Naupo na lang ako sa gilid. Binati ko rin si Papa na nakataas ang kilay sa akin.
“What is it, Pa?” tanong ko sa kaniya.
“That’s your fiance’s grandma,” sabi niya sa akin, as if responsibilidad kong aliwin.
“He's not my fiance, Pa,” nakangisi kong saad. Sabi ng mga ito’y irereto lang nila ‘yon! Ang sabi, hindi pa sigurado. Tsk. Fine, sasakyan ko na lang. Mukhang wala pa naman ang what they called fiance ko.
“May boyfriend ka na ba, hija?” tanong sa akin ni Senyora Trinidad. Ngumiti naman ako nang pagkatamis-tamis dito. Mukhang atat na atat ireto ako sa apo niya.
“Wala—“ Sasagot na sana si Mama nang magsalita ako.
“Marami po...” sambit ko at natawa nang mahina nang makita ang mukha ni Papa at Mama na namumutla. Palihim naman akong kinurot ni Mama dahil do’n ngunit natawa lang ako. Tumaas naman ang kilay ni Senyora Trinidad. Bet na bet ko talagang asarin ang mama at papa ko dahil ang priceless ng mga reaksiyon.
“Marami pong nagtangkang manligaw, but I don’t like them. Ang shoshongit po, e,” sabi ko at ngumiti pa sa matanda.
“What’s shongit?” tanong niya. Kunot ang noo at mukhang hindi alam ang mga pinagsasabi ko. Si Mama naman ay kinukurot na talaga ako.
“Chaka po! Ngetpa ganern!” natatawa kong saad.
“Dolo...” banta ni Mommy.
“What’s that?” Hindi pa rin nage-gets ng matanda kung ano ba ang mga katagang binibitawan ko.
“Pangit po. Ugly,” sabi ko pa. Nakatingin lang ito sa akin nang matagal bago siya natawa nang mahina.
“I think I really like you. You should date my grandson para tumino naman nang kaunti,” sabi ng matanda. Palihim naman akong napangiwi. Para tumino? Baka naman may pagkasiraulo ang fiance ko, ha?
“Hay nako, Senyora, baka mas lalo pa hong lumala ang apo n'yo,” sabi ni Papa kaya napailing ako. Natawa lang si Senyora Trinidad. Akala yata’y nakikipagbiruan ang Daddy.
Nagpatuloy ang usapan nila patungkol sa business at sa kung ano pa. Nakikinig lang naman ako roon. Mabait si Senyora. Ang pagkakaalam ko’y kaibigan siya ni Lola no’ng kabataan pa nito. But sad to say, dedu na ang lola ko kaya wala na ito sa Earth.
“Let’s set a date kung kailan mo imi-meet ang fiance mo,” sabi ng matanda. Napangisi naman ako roon. Baka pagkakita pa lang nito sa akin ay gusto na agad akong pakasalan.
“Sure, Senyora! Gorabels lang ako anytime,” nakangisi kong saad. Nandito na naman ang nagtatakang mukha nila Mama, Papa at Senyora.
“What’s gorabels?” tanong nito.
Araw-araw ko bang kailangan mag-translate ng salita kung sakaling pakakasalan ko nga talaga ang anak nito?
Sinabi ko lang naman ang meaning niyon. Tila aliw na aliw naman ang matanda sa akin habang sina Mama at Papa ay parang gusto na lang na magpalamon sa lupa dahil sa hiya.
Kaya minsan ay hindi nila ako gustong isama sa mga party ng mga kilalang pamilya. Kung ano-ano raw kasing salita ang mga pinagsasabi ko.
What should I do? Change myself so everyone will like me? As if I’ll do that! Kahit na manigas sila’y hindi ko papalitan ang pagkatao ko para lang magustuhan ng mga ito.
Ni hindi nga ako nagsalita at halos mapanis ang laway ko no’ng nagtungo kami sa party ng kaibigan ni Mama. Ayaw ko lang ipahiya siya kaya pinagbigyan ko. As if I want to be in that party din, 'no? Mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto at matulog sabay tsibog.
Nang makaalis si Senyora Trinidad lulan ng SUV niya’y agad akong sinermonan ni Mama.
“Dolo! Kung ano-anong mga pinagsasabi mo! Nakakahiya kay Senyora!” sabi ni Mama na napahawak pa sa kaniyang sentido.
Sinermonan lang ako nito nang sinermonan. Minsan natatawa na lang ako dahil do’n. Mabuti nga’t hindi naman nila dinadamay si Ailey kapag pinapagalitan ako. Minsan na rin kasi nilang narinig na nagsalita si Ailey ng mga balbal na salita, at ang alam nila’y sa akin niya ‘yon natutunan. Hindi nila alam ay si Ailey ang nagseseminar sa akin.
Natatawa na lang ako sa naiisip at nagtungo na sa kwarto nang matapos si Mama at Papa na sermonan ako.
I take a half bath pagkatapos ay ginawa ko na ang ilang ritual ko bago nahiga sa kama. Nang makapwesto na’y naalala ko pa rin ang sinasabi ng kupal na South Arceo na ‘yon. Ang tangang ‘yon! Napasimangot na lang ako.
Kinuha ko ang phone ko para malibang, but I ended up stalking South Arceo. Mukhang marami itong kaibigan, ni hindi pamilyar ang ibang taong nasa litrato. Ang alam ko rin kasi’y nag-transfer si South no’ng 2nd year college na siya rito sa school, sa hindi ko malamang dahilan.
Ang unfair ng mundo, 'no? Hindi man lang naranasan ng lalaking ito ang pumangit, bata pa lang ay may itsura na ito. Medyo nataranta ako nang makita kong napindot ko ang like mula sa litrato nito.
“What the heck?!” inis kong sambit. Hindi ko pa man din friend ito! Shemay, gulay talaga, oh!
Agad akong nataranta nang makita ko si South na nag-message request sa akin.
South Arceo: Enjoy stalking me, Kiddo.
Halos mag-alab ang inis na nararamdaman! 4 years lang, akala mo’y sobrang tanda na niya!
Shira Fajardo: Not really, Daddy.
Natawa naman ako sa sarili kong reply. Ang lakas ng loob niyang tawagin akong Kiddo. Bobo talaga ‘to! Natawa naman ako nang hindi niya ako reply-an. Isa ring pikon.
Shira Fajardo: Why, Daddy? Mad ka na ba? I should change it from my heart then. Mwaps!
Natawa na lang ako nang mahina nang makita kong offline na siya. Sus, pikon!