Shira’s POV “Drinks, Ma’am,” sambit sa akin ng isang flight attendant. “Hmm, yeah sure,” sabi ko kahit hindi naman ako inuuhaw, para may pagkaabalahan lang. Binigay niya naman sa akin ang inumin. Nilingon ko naman si South dahil mukhang naghihintay ang flight attendant sa kanya. Bahagya lang itong tumango. Ako na ang umabot at nag-abot kay South na siyang pinagsisihan ko. “Pucha...” Napapikit ako nang matapunan ang laptop niya. Tangina naman, Shira. Napaka-clumsy mo naman. f**k. “Oh s**t! I’m sorry!” sambit ko at naghanap lang ng tissue dito at pinampunas sa laptop niya kaso ay mukhang hindi na ito gumagana. Wala namang karea-reaksiyon si South sa pangyayari, madilim pa rin ang mukha dahil do’n. “Hala, I’m really sorry! May importanteng files ba riyan? Mapapaayos pa naman ‘yan,

