Shira’s POV “Ma’am, pasensiya na po pero sira po kasi ang mga kotse nang Lolo niyo. Ang iba naman po ay ginamit,” sabi ni Manong nang patungo na sana ako sa garahe para kuhanin ang kotse ni Lolo. Tinignan ko naman ito ng hindi naniniwala. Sus, sa dami ng kotse ni Lolo’y imposibleng walang maipapahiram sa akin. Naiiling na lang akong umalis do’n. Ang dami talagang pakana ng lolo. Paniguradong gusto niya lang akong sumabay kay South. Speaking of South, nakita kong nakadantay na ito sa may kotse niya. “Good morning,” sabi niya habang nakangisi. Napairap na lang ako sa kanya at sumakay sa kotse nito. Naalala ko tuloy ang huling pag-uusap namin no’n. Mabuti na lang ay napigilan ko ang sariling magsalita ng kung ano-ano at laking pasasalamat ko na rin na kinausap ako ni Mr. Lopez. “Did y

