Shira’s POV “I’m on my way to the company, Tito. I think I’ll be starting na,” sambit ko sa kanya. “Bakit hindi na lang kasi sa kumpanya nina South?” tanong niya pa ulit. Naningkit ang mga mata ko rito. “Alam mo, Tito, napaghahalataan na kita!” hindi ko maiwasang punahin. Pakiramdam ko’y kilala niya naman talaga si South at alam naman talagang ex ko ‘yon. Alam kong hindi sila nagkita noon but I know Mama, panigurado namang nagkukwento rin siya kay Tito. “What? Nagsu-suggest lang naman, ah,” natatawa niyang saad sa akin. Napairap na lang ako. Ang papasukan ko kasi ay ang kalabang kumpanya nina South. Ang dami kasing business ng pamilya ni South at isa lang ‘yon sa kanila. “Call you later, Tito!” sabi ko at nagpaalam na. Ginamit ko lang ang isa sa mga kotse ni Lolo. Hinayaan niya n

