Nalilito ako sa pagpili ng mga bulaklak na gagamiting pang-dekorasyon sa papaparating na kasal namin ni Adrian. Kanina pa ako pakli nang pakli ng pahina rito sa flower brochure. Inaantok na ako, panay na nga ang hikab ko. Wala pa kasi akong sapat na pahinga sa byahe mula Bicol hanggang dito sa Isla. Dito kasi kami magpapakasal. Isang beach wedding at naka-mermaid costume ang lahat. Wala lang. Gusto kong pag-tripan ang mga bridesmaid ko—ang mga kaibigan kong island girls. "Bakit kasi sa akin mo pa inaasa ang pagpili, eh hindi naman ako mahilig sa bulaklak," bubulung-bulong ko. Nagugulumihan na ako kasi ang dami pang gagawin, samantalang siya ay parang pusa lang na naglalambing sa tabi ko, panay ang halik sa balikat ko. Hindi ko na nga lang pinapansin. "I love you so much, my bride-to

