"Pinapalaya na kita, Analyn." Yung inakala mong ipaglalaban ka niya hanggang dulo... Pero hindi pala. Kung kailan lumalambot na ako sa kaniya, saka naman niya naisipang sumuko. "Ipapahatid ko kayo sa chopper—" "Huwag na," mabilis kong putol sa kaniya habang nagsimula nang mag-init ang bawat sulok ng aking mga mata. "Nakakahiya naman sa 'yo." Natahimik siya, ramdam ko ang kaniyang mga titig, habang ako ay yukung-yuko na. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ayokong makita niya ang pagluha ko. Nasasaktan ako, kainis. "Hindi mo na nga ako mapakinabangan tapos may pa-chopper2 pa. Psh. Special ko naman!" sarkastiko kong sambit ko. "You are special, Analyn." "Ulol!" Hindi na siya nagsalita. Tahimik lang siyang pinanonood akong inaayos ang anak namin. "Bye, Analyn," biglang paalam niy

