bc

UNDER THE ACACIA TREE (KASAY SERIES)

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
others
student
tragedy
bxg
highschool
small town
realistic earth
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang goal ni Anastasia, ang makabalik ulit ng Maynila. Ipinunta kasi siya ng kanyang mga magulang sa kinamumuhian niyang lugar, ang Kasay, at doon na ipagpapatuloy ang huling taon ng high school.

Dahil sa mga pangit na ala-alang naranasan roon, ay ipinangako niya na hinding-hindi na siya babalik pa sa lugar na iyon.

Paano kung sa pag-uwi niya ay hindi inaasahang mag-balik ang mga ala-alang kanya palang iniwan? Mga ala-alang ibinaon na sa limot? At ang taong kanyang iniwanan?

Would she keep those memories? Or continue those promises she made with him?

chap-preview
Free preview
UNDER THE ACACIA TREE
ANG PAG-IBIG ay walang oras o araw na dadating. Hindi mo alam kung kailan mo mararamdaman o paano mo malalaman. Basta bigla ka nalang mai-inlove ng hindi namamalayan. My life was plain and boring. Until I met him... "Tasia..." I heard a familiar voice behind me. I turn my back to face him. As I looked into his eyes everything flashed back to my mind. I remember the way his eyes welcomed mine and like his face asking me "how are you?" or saying "it's been a long time" Hindi ako nakapagsalita gusto kong titigan ang kanyang maamong mukha. Kinakabisadong muli ang itsura ng lalaking nagparamdam sa akin ng sakit at pagmamahal. Mabilis ang dagundong ng dibdib ko sa pagkikita namin ganoon pa rin kalakas ang impak niya sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay siya pa rin ang sinisigaw ng aking puso. I don't know how to say this, but, what I can see and feel now is he's so near yet so far... "KAHIT anong gawin mo Anastasia hinding-hindi na magbabago ang desisyon ko. Ipupunta kita sa Kasay at doon mo na tatapusin ang high school mo kahit umiyak ka pa ng dugo!" awtoridad ang boses ni dad habang nagduduro sakin. And It's so cruel to hear! "Pero dad hindi naman talaga ako nauna! Sila 'yon! They making fun of me!" depensa ko habang nagmamaktol sa harapan niya. Kauuwi lang namin galing school at pagkatapos ng exam namin ay pinapunta ang mga magulang ko sa principal's office para ireport ang nagawa ko doon. At ang kinalabasan ako ang naging masama! "I don't care whether it's your fault or them. I'm so done of your brat attitude! Kailangan mong maturuan ng leksyon. Hindi tayo babalik dito sa Manila hangga't hindi mo nababago ang pag-uugali mo." tumaas ang boses ni dad. Mas masakit pang pakinggan kaysa sa una niyang sinabi. My jaw dropped on what my dad said. No! This can't be! Ayoko sa boring at mahirap na probinsya! Definitely not at Kasay. Ako tuloy ang nagmukhang atrebida. Oo at lumaki nga akong spoiled sa kanila pero kung alam ko namang may mali ang tao sakin eh hindi pwedeng hindi ako papatol o ipagtanggol ang sarili ko noh. Kung kailangan kong mag-exhibitions para hindi lang ituloy ni dad ang pagpunta sa akin sa probinsya eh nagawa ko na. This is so frustrating! I went there before. Back when I was around five or six years old basta hindi pa ako nag-aaral non. Alalang-alala ko pa kung gaano kaboring ang pamumuhay nila doon na halos ikamatay ko na ang sobrang pagka-ilap na para bang nasa isa akong lugar ng kulungan. Dinala nila ako roon dahil walang mag-aalaga sa akin sa Manila. Kailangan kasi sina mama at dad sa resort namin sa Kasay dahil irerenovate iyon noon. Asap. Kaysa raw mag-hire sila ng babysitter ko, eh sinama nalang nila ako sa Kasay dahil sabi rin nila maraming bata ang makakalaro ko doon. But it gotten worse. Mas nagkaroon pa ako ng mga bagong kaaway. Mahigpit ang pagkaka-hawak ng magkabilaang kamay ko sa buhok ng nakaaway ko. Sabay ko silang kinaladkad papunta sa dumi ng baka. Sabay nasubsob ang mukha nila sa dumi at nangisi ako non ng makabawi ako sa ginawa nila sakin. Those brats deserve it! Sila ang nauna so they deserve my revenge. Anong akala nila hindi ko sila papatulan? Kahit apat pa sila at mag-isa lang ako eh kaya ko. Lintik lang ang walang ganti. I won't forget that. Iyon ang dahilan kung bakit ibinalik nila ulit ako sa Maynila. And this time, itatapon na naman nila ako sa miserableng lugar, ang Kasay. Now I'm turning sixteen, mag f-fourth year high school na'ko next school year at doon pa talaga ako mismo mag-ggraduate ng high school?! Can you believe that!? Tiningnan ko si dad sa miserableng mukha. "Please dad, kahit hanggang sa maka-graduate lang ako dito ng high school. Please?" I begged in mercy. I did a puppy eyes look. Maybe doing this will change his mind. "No." pinalidad na sagot ni dad. MABIGAT ang bawat padyak ng mga paa ko papunta sa malaking BMW namin. Nakabukas na ang pinto ng passenger's seat ng sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay bago pa mahawakan ng driber namin ang pinto para isara ay inunahan ko na siya saka padabog kong sinara. The heck I care kung makita man nila o hindi. I'm pissed from the bottom of hell! Ilang sandali lang ay bumukas ang kabilang pinto ng passenger's seat, doon umupo si mama sa tabi ko. Hindi ko siya binalingan at sa gilid ng mata ko ay nakatingin sakin ang malungkot nitong itsura. Bumaling nalang ako sa labas ng bintana para hindi na mapansin ang paninitig ni mama. Sumunod si dad na pumasok ng sasakyan at doon siya sa tabi ng driber namin umupo. Pagkapasok palang ni dad ay ang mga mata ko lang ang tumingin sa rearview mirror. Matalim ang tingin ko roon nang tumingin din si dad sa salamin ay nagtama ang tingin namin. Umirap ako at binalik ang tingin sa labas ng kotse. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Galit at sama ng loob ang nasa loob non. Hindi lang dahil sa Kasay ako maninirahan kundi dahil din sa hindi man lang ako pinakinggan nina mama at dad. Kung sabagay, kailan pa ako nanalo sa korte ng pagtatanggol sa sarili? Buong biyahe akong nakabusangot. Kahit siguro itupi ko hanggang sampu ang mukha ko ay walang magbabago. Buo na ang desisyon ni dad at si mama wala man lang sinabi o ginawa para pigilan siya. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang buong sistema ko. Ang bigat sa loob na biglaan ang lahat. Ganito na ba kapuno si daddy sa akin para hindi mag dalawang isip na ipunta ako sa Kasay? Urgh! Nakakainis talaga! Nakaidlip ako sa biyahe, binangon ko ang ulo kong nakahilig sa bintana at sinulyapan ang harap ng sasakyan. Hindi na ako pamilyar sa lugar, mukhang nasa probinsya na kami. Sa highway ay kumaliwa ang sasakyan ng may makitang puting waiting shed. Pakiramdam ko ay malapit na kami sa Kasay, kasi pamilyar sakin ang waiting shed na 'yon. Tumama ang hinala ko ng madaanan namin ang mahaba naming paliparan ng jet plane at chaperone. Kumaliwa ulit ang direksyon ng sasakyan at iyon na ang huling palooban ng Kasay. May pader na ang gilid ng kalsada na pader ng aming paliparan. Dati kasing barbed wire ang nakalagay. Ngayon pala ay pinapalit na ni papa at pinaderan nalang ang gilid. Nagtaas ako ng kilay nang makita kong may mga iba't-ibang art paint ang bawat pader. May sunset na pinta, fishes, trees at iba pa. Parang poster slogan ang itsura. It's kinda attractive to me. Ganoon din siguro mararamdaman ng mga turista na pupunta dito at mas lalo silang maa-attract kapag ito ang unang bubungad sakanila. Wala ng mga pinta ang nakita ko ng malagpasan na namin ang Acapulco beach. Tanging puting pader na ang sumunod. Which means we're near at our destination. Sumunod na nadaanan namin ay ang mga nakasabit na iba't-ibang mga halaman, na kawayan ang nag silbing paso nito. Iba iba ang disenyo nila sa pag gawa ng pasong kawayan para siguro mas mukhang ka aya-aya. Aah...Kasay... Ilang minuto ang lumipas ay nag slow down na ang aming sasakyan. Hintulot iyon na nasa mansyon na kami. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nakita ko ang mahaba at malaking gate sa himpapawid ng aming jet plane. Katapat ng gate non ay ang aming gate ng mansyon. Lumiko ang BMW namin sa isang malaking wooden gate ng mansyon. Pagbukas non ay nakita ko ang mga nakahilerang bodyguards na ang suot ay puting polo at ang mga maids na naka-uniporme rin ng pang nars na kulay cream. Tumingin ako sa harap ng sasakyan at nakita ko ang puno ng katulong na si manang Ising at ang puno ng bodyguards namin na si manong Puling, hinihintay ang aming pagdating para kami'y salubungin. Diretso ang tingin ni mamang Ising sa loob ng sasakyan na pakiramdam kong ako ang tinitignan niya. Malumanay ang ngiti nito. Maikli naman ang ngiti ko na may konting ngiwi. Namiss ko siya kahit papaano. Siya na ang tumayong ina ko noong nasa Maynila pa siya. Lalo na kapag wala si mama at si daddy para sa mga out of town businesses nila. Bumalik lang siya rito sa Kasay ng lumaki-laki na'ko. Nabaling ako sa kanina pang tumutunog na cellphone ni papa. 'Tsaka niya lang sinagot iyon ng makababa na sa sasakyan. Sumunod na bumaba si mama sa sasakyan. Abala sa mga gamit na nilalabas ng mga katulong at bodyguards sa kotse. Sinasabi kung saan dapat ilagay. Huli na akong lumabas ng kotse. Pagkababa ko palang ay may lalaking bumungad sa akin nakatayo sa harapan ko, pawis na pawis. May hawak siyang garden scissor at may nakapatong na puting pamunas sa balikat. His eyes welcomed mine like he was waiting for me for a very long time. Ticklish electricity swirled on my stomach. Even though I didn't know him there was a small flinch in my heart telling something to me. The way he looked at me like he was asking "how are you?" or saying "it's been a long time" look. And here's mine looking straight to his eyes like "do I know you?" or "did we ever met before?" in an uncomfortable look. Ilang segundo rin siguro ang lumipas sa titigan namin ng hardinero. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko nagkakaintindihan kaming dalawa. Ang mga mata niyang nangungusap na kahit sa isang simpleng sulyap lang eh hindi mo maiiwasang hindi ito titignan ng diretso. Unti unting umaawang ang bibig niya na may aambang sasabihin. Pero tinawag ako kaagad ni mama kaya mabilis niyang tinikom ang kanyang bibig at yumuko. Nilingon ko si mama na nakatayo sa unang baitang ng marmol na hagdan sa malawak naming veranda. "Handa na ang tanghalian, Tasia. Kumain na tayo." tawag ni mama na naghihintay pa rin sa akin. Tumango ako hindi nako lumingon sa hardinero at dumiretso na kay mama. Bago pa ako makapasok sa panel glass door namin ay nilingon ko ulit iyong lalaki. Mabagal siyang naglakad palabas ng gate habang nilalaro ang garden scissor. Pinilig ko nalang ang ulo ko at umiling. May parte sa akin na pilit na pinaparating pero hindi ko alam kung ano at bakit. TAHIMIK akong kumakain habang sina mama at papa ay nag-uusap patungkol sa bagay na wala akong pakealam. Hindi ko nga alam na nagawa ko pang humarap sa hapag gayoong didiretso na sana ako sa kwarto ko at magmukmok nalang buong magdamag. Kung hindi lang ako tinawag ni mama at na amor sa mukha niya, eh malamang sa malamang. "Tasia." pagsira ni dad ng meditation ko sa pagkain. Mga mata ko lang ang umangat para tignan siya. May halong inis, tampo, at iritasyon ang titig ko sakanya. Malalim na huminga si dad, nagpipigil sa kung anong sasabihin sakin ng hindi maganda. "Huwag mo akong tititigan ng ganyan." may pagbabanta ang boses niya habang seryoso akong tinitignan. Tumuwid ako ng upo at tumingin na din ng seryoso kay dad. "What is it dad?" tamad kong tanong. "Pupunta si Tita Solly at Uncle Philip mo dito. Sa susunod na linggo ang dating nila at kasama nila si Sofia." kinuha ni dad ang basong tubig at uminom, hindi niya tinatanggal ang tingin sakin habang iniinom 'yon. My eyebrows shot up. "And?" I sound sarcastic. Anong pinapalabas niya ngayon? "Habang wala kami dito, pwede kang pumunta sa kanila o di kaya'y maki-sleep over tutal meron naman ang pinsan mo." si mama na pilit pinapagaan ang aking loob, lumipat ang tingin ko sakanya nakataas pa rin ang aking kilay. "Kapag nandito na sila, pwede kayong pumunta sa resort natin mag unwind, o kaya pumunta sa mall, magshopping." my dad's alternative suggestions. Bumalik ang tingin ko kay dad na ganoon pa rin ang titig sa akin, seryoso. Naghihintay siya sa magiging sagot o reaksyon ko. Nakikita ko sa mga mata niya na kanina pa siya nagtitimpi sa inaasal ko ngayon. At kapag magkamali ako ng sasabihin o gagawin ay baka makalabit ko ang galit na kanina pa pinipigil at sumabog. Hindi ako nagsalita, hindi rin ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Bumagsak ang tingin ko sa aking carbonara na kaninang masarap kong kinakain, ngayon ay parang wala ng lasa sakin. Nilaro-laro ko nalang na minsan paisa-isa kong kinakain ang noodle strip non. Hindi nila mapapagaan ang loob ko sa pagdating ng pinsan ko sa pag-alis namin ng Maynila! Hinding-hindi! Urgh! Sana bumilis ang takbo ng oras at ng maka-graduate nako ng high school para makabalik na ko ng Manila! Pinilit kong inubos ang carbonara, mabilis kong kinuha ang table napkin na nakapa-ibabaw sa aking mga hita at pinunas iyon sa bibig ko saka tumayo. "I'm done." malamig kong sabi. Hindi ako tumingin kina mama at dad basta tumalikod na ako sa hapag saka dumiretso na sa kwarto ko para magpahinga. Buti nalang wala akong narinig na reklamo sa kanila. Well that's great, because I don't have time to argue with them. Not now. This day is so tiring! I want to sleep and never wake up! Mabigat ang bawat hakbang ko paakyat ng pakurba naming hagdan na gawa sa marmol. Hindi nila maririnig ang maktol ng mga paa ko dahil nasa gilid iyon sa main door ng mansyon at nasa loob ang aming dining area. Pagkataas ko ay hallway na iyon at may pitong kwarto; tatlo sa kanan, tatlo sa kaliwa at isa sa gitna. Tumuloy ako sa gitnang kwarto. Iyon ang dati kong naging kwarto noong bata pa ako kaya iyon pa rin ang gagamitin ko ngayon. Nang makalapit na ko sa aking pinto ay nakuha ko pang pagmasdan ito. May hanging door name na ang nakasulat ay "Anastasia's Room" na pacurly ang sulat non. May iilang flowers at butterflies na stickers din na nakadikit roon tsaka may isang sticker ng puno na halos sakupin na ng buo ang pinto ko. Nakadikit iyon sa left side ng pinto na parang enchanted door. Wala ako sa sariling nangiti, naalala kong ako ang nagdikit ng mga 'to noon. Napaka-girly ko noong bata ako eh gusto ko laging may design ang mga gamit ko o kahit na anong sa akin. I hate plain things or plain colors gusto ko lagi may designs para mas kabuhay-buhay. Binuksan ko ang pinto tumambad sa akin ang malaking royal chamber kong kama na kulay cream. Pinalitan na ng mga katulong ko ang bedsheet ng strawberry design na comforter at pillowcase kasi alalang-alala ko pa noon na heart shape ang mga punda at kumot ko bago umalis dito. Hindi ko na sinubukan pang ilibot ang tingin ko sa aking buong silid dahil nang makita ko ang kama ko ay pagod agad ang naramdaman ko at gusto ko ng ipahinga iyon. Lupaypay akong naglakad diretso sa kama at padapa akong bumagsak. Napapikit pa ako sa ginhawa at huminga ng malalim sa sarap ng pakiramdam. I sighed peacefully. This is what I need right now... Dinamdam ko ang paghiga ko sa ganoong komportableng posisyon hanggang sa hinayaan kong dalawin na ako ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook