Extrovert person ?
Easy to talk ??
An explorer type when my curiosity cells activate ?
Slowly but surely attitude ??♀️
Wattpad : @marygallardo3
Facebook : Nathy’s Watty
Stary Writing : mary gallardo
Nang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya.
Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay may di inaasahang pangyayari ang hindi niya makakalimutan.
Ang ipakakasal siya sa taong hindi niya kilala at sinasabing pinaka-kinakatakutan sa lahat...
Isa lang ang goal ni Anastasia, ang makabalik ulit ng Maynila. Ipinunta kasi siya ng kanyang mga magulang sa kinamumuhian niyang lugar, ang Kasay, at doon na ipagpapatuloy ang huling taon ng high school.
Dahil sa mga pangit na ala-alang naranasan roon, ay ipinangako niya na hinding-hindi na siya babalik pa sa lugar na iyon.
Paano kung sa pag-uwi niya ay hindi inaasahang mag-balik ang mga ala-alang kanya palang iniwan? Mga ala-alang ibinaon na sa limot? At ang taong kanyang iniwanan?
Would she keep those memories? Or continue those promises she made with him?
Lumaking walang magulang si Trishna, kaya ang tiyahin na lamang nito ang bumubuhay sakanya. Ngunit hindi rin naging maganda ang karanasan nito sa kamay ng kanyang tiyahin at sa malupit nitong asawa na hindi rin trinatrato ng maayos.
Kaya ng tumigil siya sa pag-aaral ng second year college ay naghanap na ito ng mapapasukang trabaho upang maka-alis na sa puder ng kanyang tiyahin.
Sa inosente niyang mundo, ay doon makikilala ang lalaking magpapabago sa pag-ikot non. Ang taong magpapamulat sakanya sa mga bagay na hindi pa nakikita at magpaparanas ng mga bagay hindi pa nararanasan.
Ang taong siyang magpapa-uhaw sakanya hanggang siya ay malunod at tuluyang mahulog sa patibong ng pag-ibig.
Namulat si Angel ng walang kinikilalang ama at lumaki sa pagmamaltrato ng ina.
Isang gabi ng kanyang ika-18 na kaarawan ay binigyan siya ng ina nito ng isang regalo. Regalong ibenta siya sa isang bar at doo’y nakilala niya ang lalaking magpapabago ng buong katauhan niya.
Ngunit ang lalaking kanyang nakilala’y walang sinasanto at malamang mamamatay tao…
Mababaliktad pa ba niya ang katauhan ng lalaking ito? Na mula sa masama hanggang sa mabuting pagkatao?
Cherry “Chie-chie” Cervantes. Anak ng pinaka-sikat na Civil Engineer sa buong mundo. Hindi siya spoiled brat, ngunit isang salita lamang niya ay dapat nasusunod kaagad at hindi pwedeng tanggihan kung ano man ang gustong makuha.
Dahil daddy’s girl, ay gusto din niyang sundan ang yapak ng ama. Kaya ng maka-graduate sa kursong Sibil Inhinyero ay sumasama na ito sa mga proyekto ng kanyang ama.
Isang araw, sa huling proyekt bago magretiro ang ama ay may makakapareha siyang lalaki na hindi niya makasundo sa lahat ng bagay at gusto. Kaya ito ang pinaka-kinaiinasan niyang tao.
Sa sobrang pagka-irita, gumawa siya ng paraan para mapasunod ito sa mga kamay niya. Kaya sinubukan niya itong akitin. Dahil ang tingin niya sa mga lalaki ay mga taong madaling mauto sa isang haplos lang ng babae.
Ngunit sa haplos na inaakalang mahyhypnotismo, tila ba bumaliktad ang mundo.
At iyon ang pinaka-pinagsisisihang nagawa sa buong buhay ni Cherry.
Lumaki si Peach Coraline ng hindi kumpleto ang pamilya. Mula pagkabata hanggang sa pagdalaga ay nasa puder siya ng kanyang ama. At silang dalawa nalang ang tanging pwedeng magtulungan sa lahat.
Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay doon niya naisip na walang tunay na Pag-ibig. Dahil ang pagmamahal na hinahanap ay nagsisimula sa pamilya, pero iyon ang pinag-kait sakanya ng kapalaran.
Isang araw, pagkatapos ng exams ay naisipan niyang magbakasyon sa Kasay. Ngunit hindi niya alam na may 'Pag-ibig' pa lang sasalubong sakanya na matagal ng naghihintay.
Hindi masamang magkaroon ng pag-hanga sa isang tao, lalo na kung ito ang isang nagpapabigay sayo ng pagganyak o inspirasyon.
Kadalasan sa hinahangaan natin ay iyon-iyong mga taong hindi natin nalalapitan o nakakausap manlang. Iyong nariyan na sa ating harapan ngunit kay hirap hawakan. Iyong magkalapit na kayo pero parang ang layong-layo mo sakanya.
Ngunit sa sobrang pag-hanga, ay aabot sa puntong hindi mo lubos iisipin na makakagawa ka ng bagay na hindi mo inaasahan. Isang bagay na alam mong iyon lang ang paraan makalapit at makahawak lang sakanya.
"If that's the only way I could go near him and touch him, I would do it. I want him. I want only him. And I'll do everything to have him... Even the darkest and most dangerous way."
-DADILYN FYNE ARAGON
Bata pa lang si Brittle noong patayin ang mga magulang niya sa kamay ng di kilalang mga armadong kalalakihan. Pagkatapos ng kalunos-lunos na pangyayaring 'yon, ay kinupkop siya ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ina at isinali sa Spy Organization na dating pinagta-trabahuan ng mga magulang niya.
Nangako si Brittle na hahanapin niya ang mga taong pumatay sa pamilya niya, at hindi siya titigil hangga't hindi nakakamit ang hustisya.
Paano kung sa paghahanap ay may isang taong makakasira sakanya? Sasagasa sa lahat ng kanyang plano?
Ipagpapatuloy pa ba niya ang patibong ng kapalaran para lang sa hustisyang kanyang inaasam?
Date: 05-04-2022