
Cherry “Chie-chie” Cervantes. Anak ng pinaka-sikat na Civil Engineer sa buong mundo. Hindi siya spoiled brat, ngunit isang salita lamang niya ay dapat nasusunod kaagad at hindi pwedeng tanggihan kung ano man ang gustong makuha.
Dahil daddy’s girl, ay gusto din niyang sundan ang yapak ng ama. Kaya ng maka-graduate sa kursong Sibil Inhinyero ay sumasama na ito sa mga proyekto ng kanyang ama.
Isang araw, sa huling proyekt bago magretiro ang ama ay may makakapareha siyang lalaki na hindi niya makasundo sa lahat ng bagay at gusto. Kaya ito ang pinaka-kinaiinasan niyang tao.
Sa sobrang pagka-irita, gumawa siya ng paraan para mapasunod ito sa mga kamay niya. Kaya sinubukan niya itong akitin. Dahil ang tingin niya sa mga lalaki ay mga taong madaling mauto sa isang haplos lang ng babae.
Ngunit sa haplos na inaakalang mahyhypnotismo, tila ba bumaliktad ang mundo.
At iyon ang pinaka-pinagsisisihang nagawa sa buong buhay ni Cherry.
