Tardiness Cas

1860 Words
Maagang napamulat si Vherna dahil nag-alarm ang kanyang phone. Reminder: "D'day : Justice for Joy" Today is the first day of Joy's trial and Vherna was very positive about the case. She instilled in her mind that today is OPLAN BRING BACK JOY'S REAL JOY. She then started it with her daily routine, yoga, master the necessary provisions for the trial, and pray. She didn't eat her breakfast because she has plan for this morning. Nang handa na siya, she picked her bag and briefcase then went outside. Sakto namang naroon na rin ang kanyang driver. "Good morning Tay Berto! Tara na po." Sumakay na si Vherna sa passengers seat ng van at sumunod na rin si Mang Berto. "Ang aga natin nak....sa korte na tayo didiretso?" Pangalawang ama kung ituring ni Vherna si Mang Berto dahil simula nung magkolehiyo siya ito na ang driver niya. Matagal ng patay ang asawa nito at may isa silang anak na ngayon ay nagtatrabaho sa lupain nila sa Tarlac. Nakapagtapos ito ng kursong agriculture. "Ah, Tay Berts daan muna tayo sa bahay ng client ko." Sabay abot ang isang papel na naglalaman ng address nina Aling Edna. Nagtaka kasi si Mang Berto dahil alas sais pa lang ng umaga ay aalis na sila. "Okay anak. Godbless sa trial mo ngayon ah, kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa. " Napangiti na lamang si V. 'Di kalaunan ay tumigil sila sa masikip na eskinita malapit sa halos patuyo nang ilog. Bumaba na siya ng van at sinimulang baybayin ang daan. Kahit lumaki siya sa karangyaan ay nasanay na siyang pumunta sa mga gan'tong lugar, hindi na bago sa kanyang paningin ang sandamakmak na basura na nakatambak sa kanal na kulay itim na ang tubig, pati na rin ang nakasusulasok na amoy ng 'di natakpang embornal, at maging ang mga bahay na yari lamang sa tagpi-tagping yero at natatabingan ng mga tarpaulin na ginamit ng mga politiko noong nakaraang eleksyon. Simula kasi nang maging prosecutor siya ay kung saan-saan na siya sumusuot para lang mag-embistiga. Lagi nga siyang pinangangaralan ng chief prosecutor nila dahil hindi naman daw siya NBI agent para gawin ang mapanganib na bagay na iyon. Pero talagang matigas ang bungo niya kaya napagod na rin siguro ang mga nakatatanda sa pagsaway sa kanya. "It must be there house," she whispered while standing in front of a small unfinished house. She knocked at the wooden door. "Good Morning Ate Edna." Bati niya nang pagbuksan siya ni Aling Edna ng tarangkahan. Halatang nagulat ang ginang sa pagsulpot niya. Napansin din ni Vherna na effortless lang ang pagbaklas sa pintuang iyon kapag may nagtangkang magnakaw dahil wala naman itong doorknob at konting angat mo lang ay bubukas na ito. Yari lamang sa manipis na plywood ang materyales na ginamit. "Naku! Prosecutor...a-ano't naparito po kayo? Ay magandang umaga rin po pala. Pasensiya na po kayo sa barong-barong namin. Tuloy po kayo... Mga anak bangon muna kayo riyan at may bisita tayo." Wika ni Edna habang ginigising ang limang bata na magkakatabing natutulog sa sahig at sinapinan lamang ng banig na bori at lumang kutson. Pupungas-pungas silang bumangon at natulala nang makita si Vherna. "Magandang umaga sa inyo.. Pasensiya na at naistorbo ko ang tulog ni'yo." Nahihiyang bati niya sa mga bata. Bumati rin sila pabalik at ngumiti ng bahagya. Nahihiya rin siguro sila. Naupo sila sa isang sulok habang ang ina naman at ang nakatatandang kapatid, na tantiya ni Vherna ay 13 yrs. old, ay nagliligpit ng higaan. "Ma'am, upo po muna kayo rito." aya ng batang babae at naglatag pa ng sapin sa uupuan niya. Napangiti na lamang siya at umupo na rin. "'wag ng ma'am, Ate na lang itawag ni'yo sa akin. " Tumango lang ang mga bata. "Hello Joy, kumusta naman ang gising mo?" Tanong niya at kinabig ito paupo sa tabi niya. "O--kay lang naman po Ma--, ay ate pala." Utal na wika ni Joy at napatakip pa ng bibig. "Mabuti naman kung gano'n." Nakangiting sambit ni Vherna habang sinusuklay ang buhok ni Joy. Nagmamadaling lumapit si Edna sa isa pang anak. "Joan, punta ka muna sa tindahan ni Aling Sela nak. Bumili ka ng pang-agahan natin. " Utos ni Edna sa nakatatandang anak. "Ate Edna, sabay-sabay na po tayong mag-agahan sa labas para po hindi na kayo magahol sa oras sa pagluluto." Mungkahi niya. Bahagyang napangiti sa galak ang mga bata pero napalis din iyon dahil nahihiya sila sa bisita. Pati tuloy ang ina ay nakaramdam ng hiya. "Naku Prosecution, nakakahiya po eh. " sagot nito at umiiling-iling pa. "Okay lang 'yan Ate Eds, libre ko po ngayon kasi naistorbo ko rin po ang tulog ng mga bulilit." Muling nagliwanag ang mukha ng mga bata sa sinabi ni V. 'di na rin makatanggi ang ina kaya isa-isa niya silang pinapunta sa likod bahay upang maligo. Sinadya ni Vherna na van ang gamitin ngayong araw para na rin magkasya sila. Naupo siya sa harapan at pum'westo na rin ang mag-iina sa likuran. Makikita mong masaya ang mga bata at palinga-linga sa loob ng sasakyan. "Ate Verna, ang bango po at ang ganda ng sasakyan ni'yo." Komento ng nag-iisang lalaking anak ni Edna. "Kayo kasi ang nagpabango rito. Bagong ligo kayo eh. " Tugon niya sabay tingin sa likod habang nakangiti. "Ate naglagay po akong Beyby cluwn ni te Joan kaya ambango po." seryosong wika ng bunso na ikinatawa naman ng lahat. Utal pa kasi ito. "Talaga ba? Nagpaalam ka naman ba kay Ate Joan mo?" Biro niya. "Ah---eh---nagayon pa lang po.. Te Joan, humingi po akong onti lang na cluwn." At tuluyan na nga silang nagtawanan. Tumigil sila sa tapat ng restaurant sa may outlook drive. Pag-aari ito ng tita ni Vherna na kapatid ng mama niya. "Good morning Prosecutor V." Bati ng mga naroong staffs. Sila pa lamang ang customers dahil sobrang aga pa. Isa itong Japinoy high-end resto kaya napawow ang mga bata. Umupo sila sa tapat ng pahabang mesa na nasa gitna. At dahil Japanese themed ito kaya sa sahig sila naupo. Ready na rin ang mga pagkain sa hapag. Bago sila kumain ay nagdasal muna sa pangunguna niya. Nang matapos silang kumain ay agad silang nagtungo sa korte. Magkasunod na dumating ang representative ng DSWD at ang Child Expert kaya napagpasyahan na nilang pumasok. Pero binilin muna ni Vherna ang apat na bata kina Mang Berto at sa sekretarya niya upang ipasyal. Bawal kasi ang mga bata sa loob maliban ns lang kung kakailanganin. The courtroom as a sacred place for her. It's a symbol of equality in the eyes of law. Even if she's familiar with the place, parang laging first time niya kapag pumapasok siya rito. She adored everything about it - The people, the bench, the bar, and Eve inside it. Isa-isang nagdatingan ang mga empleyado ng korte, at maging ang mga kabilang sa defendant's side. 'Di nagtagal pumasok na si Judge Aristotle Salgado na siyang in-charge sa kaso. Pero lumipas na ang limang minuto ay wala pa rin ang counsel ng defendant. She calmly seated on her designated table. Sa isip ni Vherna, "Pa-importante naman ang abogado nila. 'Di man lang pumasok sa takdang oras. Tinalo pa ang judge." Lumipas pa ang limang minuto pero wala pa rin. Naiinis na siya dahil isa pa naman sa pinakaayaw niya ay ang taong 'di pinapahalagahan ang oras, taong pa-importante at mahilig sa grand entrance. Ang aga-aga, pinag-iinit ang ulo niya kaya 'di na niya napigilan at tumayo na upang tanungin ang kabilang panig kung darating pa ba ang abugado nila. But she's taken abacked when the court's double door opened and the person who entered was the one she least expected to see. She arched her brows in disbelief while eyeing him. He's walking like an actor in a red carpet premier. What is he doing here? "Sorry Judge, I'm late. Traffic in our country is unbearable these days." Wika ng baritonong boses at 'di man lang ito sumulyap sa kanya para humingi ng paumanhin dahil naghintay din naman siya. Sa halip ay diretso itong umupo sa defendant's bench. Hindi niya ba ako nakita? She let out a deep breathe of frustration. She wanted to go near him and clarify things but she stop herself right away. She's not Ms. Strawberry, she's Prosecutor Falcon. She throw him a questioning gaze at 'di niya inasahang napatingin ito sa gawi niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Inaasahan niya na maguhulat din ito, but she's wrong. Wala sa mga mata niya ang pagkagulat. His eyes were dark and proud. It's as if he's born to be a predator. Sh was momentarily static habang nakikipagsukatan siya ng tingin sa kalaban. Ibang iba ito sa lalaking nakasama niya noong isang gabi. Walanv bahid ng pagiging palabiro at gentleness ang mga mata niya. Ang nakikita lang doon ay ang eagerness para ipanalo ang kaso. Maya-maya pa'y napangisi ang abogado. Nanlumo naman si Vherna sa nasaksihan. What's his deal? she asked herself. He paced towards her direction. Kinabahan na naman siya pero there's no room for fear in this court. She reminded herself. "Oh hi there Ms. Guidance Coun----, oh I bet you're the prosecutor in-charge?" Napatingin sa kanila ang mga naroon kasama na ang judge. Iskandaloso talaga at tinawag na naman akong guidance conselor. Why? 'di ba okay na sila? She made up her mind. Babawian niya ito. "Hello Atty. VIP! Next time, you should get up early to avoid the so-called UNBEARABLE TRAFFIC. Time management is a must Atty., it's clearly written in the Lawywer's Code of Ethics and Responsibility particularly Cannon 11, Rule 11.02, "A lawyer shall PUNCTUALLY appear at court hearings." Remember?" Litanya niya dahil 'di na siya nakapagpigil habang nakataas ang isa niyang kilay. Ang kaninang pa-cool na awra ng abogado ay napalitan ng pagiging seryoso. "Woops, did she crushed his ego? Good job Vherna, Atty. VIP is now mad at you, but he looks cute when he's mad tho." Bigla nalang niyang kinurot ang sariling kamay dahil mukhang sinasaniban na naman siya ng espiritu ng kalantudan. Naguguluhan man siya sa ikinikilos ng lalaki, mas pinairal niya pa rin ang pagiging propesyonal sa larangan ng batas. Sasagot pa sana si Atty. VIP pero sumenyas na ang clerk na mag-uumpisa na kaya tumahimik na lamang ito at tumayo na silang lahat para sa formal court proceeding. He immediately returned to his seat. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ni Vherna kaya 'di na niya tuloy narinig ang opening spiel ng Judge. Bakit parang iba siya? Joke lang ba lahat ang nagyari sa kanila the other night or she just assumed that there's something between them. Pero kahit na, dapat hindi niya ako pinakitaan ng 'di maganda kanina. Is he just doing his job as a counsel? To lure me or to distract me? Before she knew it, the hearing started and she's spacing out. Damn it! She mentally cussed whike eyeing his nemesis. Parang wala naman itong pakialam, tutok ito sa hearing. Siya lang pala ang affected masyado. Siya lang pala ang umasa. PAASA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD