Mother's Case

1588 Words
Biglang napabalikwas si Vherna sa walang humpay na tunog ng kanyang telepono. Kahit pa paboritong kanta niya iyon, sino ba naman ang 'di mag-aaburido kapag naggising ka ng alas tres ng madaling araw. Gusto niya nga itong ibato pero sayang naman si baby iphieee . Pinag- ipunan niya rin 'yon mula sa sahod niya bilang prosecutor. "Hello! WHO THE HELL IS THIS? SIGURADUHIN MONG URGENT 'TO KUNG HINDI IPAGAGALUGAD KO BUONG PILIPINAS MAPATOKHANG KA LANG. QUE AGA AGA EH!!!!!" halos pabulyaw niyang bungad ng 'di man lang tiningnan ang caller ID. "VHERNADETTE FALCON, this is your one hell of a kind mother." Madiing sambit ng nasa kabilang linya. Napatakip naman ng bibig si Vherna. Lagot na, si mother earth pala. "Ah---Hi Ma, Magandang Buhay! Napatawag po kayo? Ano pong maipaglilingkod ko sa aking one hell of a kind gorgeous mother earth?" Malumanay niyang tugon at pinipigilang mapatawa dahil sa inasal kanina. "Oh dear, now you're a smooth talker. Kanina lang gusto mo akong ipaOPLAN tokhang ah." Na-iimagine tuloy ni Vherna na nakapa-meywang ang ina habang nakataas sa-third floor ang isang kilay. "Sorry ma, ikaw naman kasi eh. Bakit po ba kayo napatawag ng ganitong oras? Sobrang miss ni'yo na po ba talaga ako?" pampalubag-loob sa ina. She secretly grinned. "Sino bang magulang ang hindi mamimiss ang unica hija niyang workaholic at tinalo pa ang presidente ng Pilipinas sa sobrang hectic ng schedule, aber?" May halong tampong sambit ng ina. "Hayaan mo ma, kapag naabot ko na ang age qualification ng pagiging president eh tatakbo ako. Support my campaign ah, " pambubuska niya. Pikunin kasi si Veronica kaya gustong-gusto niyang inaasar. 'Di rin naman kasi siya nito matitiis at magbabati rin sila. "Bahala ka nga. Anyway, I called because I'll remind you for exactly 100 times na umuwi ka rito next month dahil mukha lang ng papa mo ang nakikita ko rito. Nakakasawa," seryosong wika ng ina ngunit alam naman ni Vherna na nagbibiro lamang ito dahil sabi nga niyo "Your dad is my first and last love". Wow panteleserye lang ang peg. "Palitan ni'yo na po kasi ma para bagong mukha naman makita ni'yo. hahaha," panggagatong niya. "Ay lokong bata ka, gusto mo bang isumbong kita sa papa mo?" She rolled her eyes that as if her mother can see it. "Wow ah. Ikaw kaya nagsabi na sawa ka na tapos ako pa isusumbong mo? Hustisya nasaan ka?" Napatawa naman ang ina sa tinuran ng anak. "Nagbibiro lang ako. Masyado kang seryoso kaya walang nanliligaw eh." Nagising si Narciso dahil napalakas ang tawa ng asawa at dahil na rin sa salitang ligaw. Akala niya tuloy nananaginip ito. Walang nanliligaw? Hindi pa ba panliligaw ang tawag sa ginawa ni Mr. BB? Vherna though for awhile. " Ma, seriously? Your saying that at this hour? Everything is aboit my lovelife. I love my independence ma, tsaka food is life. And I'm happy this way, swear. " Tinaas pa ni Vherna ang kamay that as if she's taking an oath. But deep inside her, she knew that it's not true. Pagod na rin naman siyang maging single. She's waiting for the right man to ease her longing. At kumakapit siya sa pag-asang natagpuan niya nga ito. Hilarious, right? " Oh! Pasensiya na, ito naman gusto ko lang naman ng maraming apo eh.... Pero hindi kasi 'yon ang pakay ko kaya ako napatawag. Mayor is inviting you to be the guest speaker for the opening ceremony of the fiest here. And you can't say no because I already said yes," nakangiting sabi nito dahil alam niyang 'di ito matatanggihan ng anak. "Wait.... what? You affirmed it without my permission? Oh holly cow, since when did you become a dictator ma?" 'di makapaniwalang sambit ni Vherna at napasapo pa sa noo. "I need to, hija. Para makauwi ka rito," ayon, 'yon pala talaga ang rason. Wala na, 'di na talaga siya makakatanggi. "Ma naman eh... Alam mo namang sobrang bu----," hindi niya na nituloy ang sasabihin dahil sumingit na ang ina. "Don't use that as an excuse lady, that's overrated. Gamit na gamit mo na 'yan. Ito naman ilang oras lang naman ang biyahe from Baguio to Tarlac. Kaya nga rin ako nagsabi ng medyo malayo pa ang date para naman maayos mo ang sched mo. Grabe naman, do I need to make an appointment just to see my only daughter?" Wika ng ina na may halong pagtatampo. "Okay ma, don't worry. I'll free my sched for 3 days. 'Wag nang tatampo-tampo. Magkakawrinkles ka niyan," napa-oo na lamang siya dahil hindi naman talaga siya mananalo sa argument nilang mag-ina. As compared to her mother, she is just a rookie debater. Hindi na siya natulog pa ulit after their conversation. Iniisip niya kasi kung papaano niya aayusin ang sched niya kung may malaking kaso pa siyang hawak ngayon. That day, she's collecting statements and other info necessary for the case. She also went to the child expert's clinic together with the victim and her mother. At first, Vherna felt confusion because the child didn't asked for help or tried to escape the accused, given the fact that there's an on-going classes in the other room. But when her mother said that the teacher involved is the one who gave the scholarship for her daughter, then Vherna understands why. The child also narrated that the teacher threatened her not to do anything silly if she wanted her scholarship to continue. Hindi kasi kayang pag-aralin ni Aling Edna si Joy dahil tatlo sa mga anak niya ang kasalukuyang nag-aaral at sakitin din ang bunso nila. Iniwan din siya ng asawa niya kaya wala siyang katuwang sa pagpapaaral sa mga anak. She even accepted laundry from her neighbors just to suffice their needs. That moment, Vherna wanted to cry but she opted not to. Kailangan niyang ipakita sa bata na malakas siya at kaya niya itong ipagtanggol sa korte. After their session, Vherna went straight at the prosecutor's office to sort the info she gathered at para na rin paghandaan ang depensang gagawin ng defendant's counsel. The next day, Vherna prepared another session with her client to brief them regarding the facts of the case and the proceeding itself. Habang ikinukwento ng bata ang pangyayari, hindi napigilan ni Aling Edna ang maluha kaya pinasama na muna ni Vherna ang bata kay Mrs. Robles para makapag-usap sila ni Aling Edna. Tumabi si Vherna kay Aling Edna at inabutan ito ng tissue. "Ate Edna, hindi ko pa man po nararanasan ang pagiging ina eh alam ko pong sobrang sakit sa part ni'yo na makitang nasasaktan ang anak." Hinagod niya ang likod ni Edna dahil tuluyan na itong umiyak. "Sobrang sakit po. Hindi ko aakalaing ako pa ang nagdala sa anak ko sa kapahamakan. Kung hindi siguro ako dumating, tuluyan nang napagsamantalahan si Joy." Hagulgol niya. Wala namang ibang nagawa si Vherna kun'di ang yakapin ito. Naaalala niya kasi ang ina niya na sobrang miss na siya. Ngayon naiintindihan niya na kong bakit halos araw-araw siya kung kumustahin nito. Nag-aalala ito sa kanya. Siguro nga tama ang desisyon niyang bumisita sa hacienda para naman kahit papaano ay maibsan ang pag-aalala nila. "'Wag ni'yo pong sisihin ang sarili ni'yo Ate Edna. Hindi ni'yo po kasalanan. May mga tao lang po talagang hindi asal tao. 'Wag po kayong mag-alala, I'll do my best to put that animal in jail." Madiing wika niya at sinisigurado niyang magbabayad ang may sala. "Salamat po. Salamat at may tao pa palang p'wedeng sandalan ang tulad naming hikahos sa buhay. Hindi ko po alam ang gagawin ko kapag napahamak ang anak ko. Wala po akong natapos na kurso kaya 'di ko rin alam kung papaano at ano ang batas na poprotekta sa anak ko. Pros, ipinagkakatiwala ko po sa Diyos at sa iyo ang laban namin ng anak ko." Mangiyak-ngiyak na sambit nito habang hawak ang kamay ni Vherna. Tumango siya senyales sa pagtanggap sa tiwalang ibinigay nito. At sa pangalawang pagkakataon, niyakap niya ulit si Edna. 'Di na rin niya napigil ang tuluyang pagpatak ng sariling luha. Nangako si Vherna na gagawin ang lahat ng makakaya maipanalo lamang ang kaso. With all the physical evidences she have, everything will be fine. She'll protect that child no matter what will happen during the hearing. She'll make sure that justice we'll not remain as JUST-TIIS. She wanted to set as an example to the child that no matter what's your social status, justice will be served for you. Justice is not just for the chosen few, it's for everyone living in the society run by law, not by men. She went to her condo drained for everything that happened today. She immediately walked to her kitchen counter and get a glass of water, but something caught her eye. She smiled. She saw one strawberry at the top of her fruit basket. Ang kaisa-isang naisalba niya mula sa lalaking budul-budol. Dinampot niya iyon kinain. It has a sweet and sour taste, a perfect combination to refresh her mind. But as she closed her eyes, an image immediately flashed. His image. Bakit niya ba kasi ito laging naiisip? Dati naman kapag kumakain siya ng strawberry, wala namang ibang gumugulo sa utak niya. "It doesn't make sense," she blurted and shrugged her shoulder. "I must be crazy," Yes, that's the exact word to describe her right now... CRAZY! She added as she walked away from the kitchen. Paano kaya kami magkikita ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD