(09) Maximo

1009 Words
"Sa pagkakaalala ko sobrang spoiled ni Milan sa papa niya bago pa man dumating sina Claudia" "Pero bakit hindi din nagawang dalawin ni papa niya si Milan?" Ano ka ba Ash. Hindi ka pa ba maalam sa ganyan? Ano pa bat nagsusulat ka ng mga nobela? "Si Claudia ba?" "Ayokong magbintang pero kung nagawa nyang pagbintangan ng ganoon si Milan noon" Bata pa sila noong mangyari iyon. Ayon sa kwento ni Kyoa, ipinatawag ni Claudia si Milan, tapos inutusan siya na kumuha ng tubig pero pagkabalik niya nasa dulo na ng hagdan si Claudia at duguan hawak ang anak nito. Bintang nito na itinulak ni Milan ang kapatid niya. "Ang sabi niya galit si Milan dahil may kahati na siya sa papa niya at kay Nicholas." Dahil doon ang masayang pakikitungo ni Maximo kay Milan ay nag-iba na. Nawalan siya ng anak. Kaya naman pumayag ito na dalhin siya sa temple. "Tell me Milan. How are you inside the temple" "Hindi po ba nirereport sa inyo?" Kumunot ang noo niya. "Kung ano po ang sinasabi sa inyo yun po iyon." "Sinasaktan ka ba doon?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ba niya alam o may alam siya pero mas pinili niyang magbulag bulagan? "Hindi po ba at kayo ang nagdala sa akin doon?" Bakit po umabot sa ilang taon at hindi nakabalik si Milan dito? "This is why the nuns there never recommend you to graduate. Hindi ka pa din nagbabago. You're still a l-" "Liar?" "I'm very disappointed. Bakit niyo ako pinalabas doon kung ganoon?" He look furious sa sinabi ko. Nagulat ako ng hampasin niya ang mesa. "You really disappoint me" Nanginginig ako sa galit. Matagal bago ako sumagot. "Me too- papa" Saka ako umalis sa silid na iyon. Diretso ako sa labas hanggang sa makalabas ako ng mansiyon. Patuloy lang ako sa paglakad ng mabilis. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may lawa di kalayuan sa mansiyon. Sa gitna ng malinis at tahimik na lawa ay isang gazebo. Ang mga puno at halaman sa paligid ay nagdaragdag sa ganda ng lugar. Nakaka akit ang kapayapaan ng lugar. Sa hindi maipaliwanag ay yung kanina lang na galit na aking nararamdaman ay napalitan ng lungkot. Unti unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Milan. Hindi ko kayang magpanggap na ok lang. Ganito sila sa iyo. Hindi ko lubos maisip paano nila nagawa ito sa iyo. Bigyan mo ako ng lakas para magawa ko ang misyon ko. Ipinapangako ko, bibigyan ko ng hustisya ang lahat ng ginawa nila sa iyo. "Ash, hindi ko maiwasan na isipin kung kamusta na kaya si papa? Iniisip din ba niya ako?" "Ash, miss na miss ko na si papa. Kapag nagkita kami yayakapin ko siya ng mahigpit." "Ash, magagalit ako, isusumbat ko lahat. bakit niya ako pinabayaan dito" "Ash, hihingi ako ng sorry para tanggapin niya ako uli" "Ash, ihingi mo ako ng tawad. Pakisabi mahal na mahal ko siya. Sila ng mama ko." Napatingin ako sa ganda ng gazebo. Siguro minsan, naging masaya ka dito sa lugar na ito Milan. "Ikaw na ang bahala sa kanya Kyoa. Ilibing mo siya sa tabi ng mama niya." _______________________________________________________________ Pagkabalik ko sa mansiyon ay sinalubong ako kaagad ni Nicholas. "Saan ka galing? Nag-alala sa iyo si papa." "Aakyat na muna ako sa kwarto. Tawagin niyo nalang ako kung may sasabihin kayong mahalaga." "Milan." "Sorry papa." Iyon lang ang kaya kong sabihin ngayon. Milan. Nagawa ko na ang isag utos mo. Naihingi na kita ng sorry. Sinundan ako ni Nicholas sa taas. Bago pa ako makapasok sa kwarto ay hinigit na niya ang braso ko. "What happened? Tell me. May sinabi ba siyang hindi maganda? Pinagali-" "Nico-" Kumot ang noo niya. Binawi ko ang kamay ko. "It's ok. I'm ok. Save your worries" "I told you. Sa bahay-" "Dito lang ako. Isa pa, hindi naman ganun kabigat ang pag-uusap namin. Maganda na nagkausap kami. At least nalaman ko kung ano ako dito sa bahay na ito." "A disappointment" pagkasabi ko bago ko tuluyan isinara ang pintuan. _______________________________________________________________________ "Milan anak, your mom organized a welcome party for you" Oh right. "Oo nga iha. It's time para ipakilala ka sa mga ka partner ng papa mo" Tama nga ang hinala ko. This is not just a welcome party for me. It's a business. Ipinakilala ako bilang anak ni papa sa harap ng mga business tycoons. A very well scripted introduction. Pero mukhang may hindi natutuwa sa gilid. "Iha this is Albert Vergara. This is my daughter Milan. She just graduated from....." Pakilala dito, pakilala diyan. So ito ang buhay ng mga mayayaman. Parties here and there for the sake of business. "Everyone, thank you for coming to my daughter's party arranged by her mother." Ngumiti ako sa lahat. "And i would like to take this opportunity to happily announce the engagement of my son- Nicholas" Oh s**t. I looked at him with eyes widen. Nagtama ang aming tingin. I was shocked like siguro hindi ito ang ine-expect kong mangyari. Kasi for sure itong party na ito ay para mahanapan ako ng mapapangasawa. Iyon ang alam kong balak ni Claudia. Na ginawa niya ito para mahanapan ako ng kung sino mang mayaman at nang mapalayas ako dito sa mansyon. This plot is way too much for me. I mean Nicholas is just a piece of a puzzle na kailan ko para malaman ko ang totoo. Sure i will use him sana kasi anak siya ni Claudia. But this?! Unti unti siyang naglakad saka niya ako nilagpasan. "Mika is still abroad but her parents is here. Thank you for attending Mr. and Mrs. Fuente" I looked at the couple where Claudia pointed. Pumalakpak na din ako para naman hindi halata ang pagka dismaya ko. Nicholas is still looking at me intensely. I smiled at him at ipinakita kong pumapalakpak pa ako. Good for you Nicholas. I watched Claudia's reaction. Mukha namang satisfied siya sa mga nangyayari. Looking at them i can't help but pity Milan. I even imagined her in that spot with her mother. Happily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD