"Congratulations Nicholas!"
I can't help but roll my eyes. Kaninong party ba ito?
Lumabas ako ng mansiyon at dumiretso sa gazebo. Medyo nawiwili na ako sa lugar na ito. Dito na ata ang favorite place ko wehre I can have peace. Kapag payapa ang utak ko at kalmado ako, makakapag-isip ako ng mabuti sa susunod kong mga plano. Kailangan ko ng ebidensiya na magpapatunay na walang kinalaman si Milan sa pagkamatay ng kapatid niya. Nasaksihan ni Kyoa ang nangyari pero walang maniniwala sa kanya dahil bata pa siya noon.
Sumubo ako ng cake.
Sa yaman nila wala bang cctv man lang banda doon? Pero kung hahanapin ko iyon. Sobrang tagal na non. May maukukuha pa ba akong copy? Wala kayang ibang tao noong mga oras na iyon?
Sa kwento pa ni Kyoa, maganda ang relasyon ni Milan at ng papa niya kahit noong namatay ang mama nito. Nag iba lang noong namatay ang kapatid niya. So ibig sabihin, maganda pa din ang relasyon nilang dalawa kahit pa meron noon si Claudia.
"Kapag kaharap si tito Maximo ang bait bait ni ma'am Claudia kay Milan. Pinagsisilbihan niya ito na para bang anak."
Eh si Nicholas?
"Noong unang dating ni ma'am Claudia, kasama niya si Nicholas. Matanda lang ito ng ilang taon kay Milan. Masungit syempre hindi ok sa kanya na nag-awasa uli ang nanay niya. Hindi niya pinapansin si Milan. Pero kalaunan naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Parang hindi makadapo kahit lamok kay Milan sa sobrang protective ni Nicholas."
"Ganoon din naman si Milan. Halos hindi makaimik noong dumating sa bahay yung mag-ina. Nakatago lang iyon sa likod ng papa niya"
Sumubo uli ako ng cake.
"Pero simula noong nabuntis si ma'am Claudia, medyo natataasan na niya ng boses si Milan kapag nagkakamali ito. Ang sabi ni anti Perla ganoon daw talaga kapag buntis. Masungit at madaling ma highblood"
Sumimsim ako sa dala kong wine.
"What are you doing here?"
Napaubo ako at tumalsik ang kaunting wine sa mukha ko. Pakshet naman.
Naramdaman ko nalang ang mainit na palad niya sa likod ko. Hinawi ko ito at medyo lumayo ng distansya.
"O-okay lang ako. Nagulat lang."
"Why are you here?" Tinanggal niya ang coat niya saka ibinalot sa akin.
"Malamig dito. Are you bored inside?"
"H-hindi okay lang. C-congrats nga pala k-kuya"
Nakasalubong na ngayon ang kilay niya.
"Kuya?"
"Susunduin pala natin si Kyoa bukas. Pero ok pa ba sa iyo?"
"At bakit hindi?"
"Malay ko?"
Wala bang magseselos? Baka mamaya niyan may dudukot na sa akin ha.
"What's wrong? Tell me."
"Huh?"
"Bakit naisip mo kung ok lang na samahan kita bukas?"
Bakit nga ba kasi ganun ang naitanong ko?
"Hindi ka ba busy niyan?"
"Saan?"
"Alam mo na- tsaka hindi naman importante-"
"There's nothing important than your plans. Wala akong gagawin. I have already cleared my schedule for you"
Napalunok ako. Nakakahiya naman Nicholas.
"Kaya ko naman"
"I said I'll be with you tomorrow. Tapos ang usapan."
0.0
"Come, malamig dito. Baka magkasakit ka"
__________________________________________________________
"Kyoa!"
Niyakap ko ito ng mahigpit. I don't know pero kahit na ilang araw lang ang pinagsamahan namin nila ni Milan, grabe yung attachment ko sa kanilang dalawa. Para ko na silang kapatid.
"A-Milan"
"Gaga sasablay ka pa." Bulong ko sa kanya
"Sorry"
"Saka na tayo magkamustahan kapag tayong dalawa nalang"
Siya namang pagsulpot ni ni Nicholas.
"H-hello po uli s-sir."
Ngumiti ito.
"Don't call me that Kyoa. Kuya for you"
Namula naman ang pisngi nito.
"You used to call me that remember?"
"Oo nga Kyoa. Dati naman natin siyang tinatawag na kuya"
Sabay hagikgik ko. Inaasahan ko na tatawa din silang dalawa pero ano nga ba kasing nakakatawa doon.
"Ah eh"
"Hindi mo siya tinatawag na kuya Milan" Bulong nito sa akin.
Napalingon ako bigla kay Nicholas.
"Ahahahaha- ha-ha-ha. ehem."
"Let's go?"
_________________________________________________________
Binilhan muna namin ng cellphone si Kyoa bago kami nagpunta ng mall at bumili ng kung anu ano pa. Nakabuntot lang naman si Nicholas. Pero hindi talaga bagay sa kanya na nagpupunta siya ng mall kaya pinagtitinginan tuloy kami.
Magkahawak kamay kami ni Kyoa habang naglalakad. At nakabusangot naman ang mukha ni Nicholas.
"Kuya pwede naman na maiwan mo na kami ni Kyoa dito sa mall."
"At bakit naman? I told you I don't mind"
"Kasi baka hindi ka sanay na naghihintay ng matagal"
"I don't mind waiting for you"
Milan ganito ba ka sweet talaga si Nicholas?
"Ehem. Okay lang Milan. Pagod na din naman ako. Pwede na tayong umuwi muna. Balik nalang tayo bukas"
Sabagay. Mas mabuti nang sa bahay na kami mag-usap ni Kyoa. Pero baka uminit ang mata sa kanya ni Claudia. Lalo pa at close sila ni Milan. Isa pa. Witness si Kyoa sa nangyari noon. Kaya baka kung anong gawin sa kanya ni Claudia.
"Bukas ko nalang din ipapakuha ang gamit ko sa bahay. Kay kuya muna tayo tutuloy kasi mas malapit"
"What did you just say? Can you please drop that"
"What?"
"That kuya thing"
At bakit?
"Ano ka ba naman kuya. Magiging direspectful naman ako kung tatawagin kita sa first name mo. Ano ako girlfriend? First name basis?"
"Mas lalong hindi"
Oh.
"Let's go home. I know you both are tired."
Saka siya nauna na sa sasakyan at nasa likod naman kami ni Kyoa.
"Anong? At bakit sa bahay niya tayo tutuloy Ash?" mahinang sabi nito sa akin.
"At bakit hindi? Nasa bahay si Claudia. Saka ka na magpakita doon"
____________________________________________________________
Malapit lang ang mall sa condo ni Nicholas kaya naman hindi gaanong matagal ang byahe.
Dinala kami sa pinakamataas na palapag ng buidling. Sa isang penthouse pala nakatira si Nicholas. Ang loob nito ay napakagnada na may high-end na finishes, malawak ang espasyo.
"Surprise!"
Biglang may confetti at sa harap namin ay isang babae na may katamtaman ang taas. Maputi at medyo curl ang ibabang parte ng buhol. Nakasuot ng pulang dress na nagpahubog ng kanyang sesking katawan. Dali dali itong tumakbo at ipinulupot ang kamay sa leeg ni Nicholas.
"Welcome home love. You missed me?'
Sabay halik nito sa labi. Smack lang yon pero masakit sa mata. Napuwing ata ako bigla.