(11)Mika

1102 Words
Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Si Kyoa naman ay parang hindi mapakali na kinukurot kurot pa ako sa braso. "Shhh." "Sinabi ko kila tita na huwag ipaalam na uuwe ako dahil gusto kitang i-surprise!" Napalingon siya sa amin ni Kyoa. "Hi!" Hindi nito tinatanggal ang kamay sa leeg ni Nicholas. "H-hello po" Bumitaw ito sa pagkakakapit kay Nicholas at dumiretso kay Kyoa sabay yakap. "Hi. I've been dying to see you. Finally nakalabas ka din sa gubat" Matabil din ang dila nang isang to. "Ah eh" "I'm Mika Fuente. Fiance of your KUYA." Mas nainsulto ako sa pagkakasabi at pagkakalagay niya ng diin sa salitang KUYA. "Ahmmm" "Saan ang kwarto ko? KUYA?" Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mika habang hawak niya pa ang kamay ni Kyoa. "Milan is tired. You should leave for now Mika." I can't help but smirk. Milan 1, Mika 0. "Oh. Sorry, akala ko ikaw si Milan." Hahawakan niya sana ako pero naglakad na ako papunta sa may hagdan. Sumunod naman sa akin si Kyoa. "Leave your things here Kyoa, ako na ang mag aakyat niyan. Please do tend Milan's needs first. Susunod ako sa taas" "Oh. Akala ko sasamahan mo kami ni Kyoa? Baka ibang kwarto ang mapuntahan namin. Nakakahiya naman kung ma invade namin ang kwarto mo." Saglit na tumagal ang titig niya sa akin. Naninimbang. Kitang kita ko ang paglunok niya at pag galaw ng kanyang adams apple sa ginawa niya. Yumuko ito pero kita ko ang bahagyang pag angat ng kanyang labi. "The door is open Mika. My sister badly needs me right now. I can't afford to upset her." Pagkasabi niya non ay bakas sa mukha ni Mika ang pagka irita. Wala siyang nagawa kundi dumiretso sa pintuan at umalis. "Dito ang kwarto mo. Dito naman ang sa akin. Sa bandang dulo naman ang sa iyo Kyoa." "Ilalapag ko lang ang gamit ko Milan." "Kung kailangan mo si Kyoa, may intercom sa loob ng kwarto." "May cellphone naman na siya na hawak niya minuminuto. Mas convinient sa communication. Bakit? Wala ka bang internet dito?" Napahalakhak siya ng kaunti. "Ano ka ba Milan. Hindi naman pwede na mayat maya ay nag ce-cellphone ako." May point naman siya doon. Hindi ko kasi iniisip na maid si Kyoa. "Sige at tutuloy na muna ako sa kwarto." "Ok. See you. Bukas ang pintuan ko Kyoa. Pasok ka lang kapag may kailangan ka" Umalis na siya pagkasabi ko non. Nahuli ko naman nakatitig si Nicholas sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. "Bakit?" "Lock the door when you go inside your room" "Talaga naman isasara ko ang pintuan pagkapasok ko pero hindi ko pipindutin ang lock. Ang hassle naman na may kakatok tapos pagbubuksan ko pa. Pwede ko namang sabihin na PASOK" Mukhang kaunti nalang ay sasakalin na niya ako sa mga titig na ipunupukaw niya sa akin. Ano bang mali doon? Hindi ba safe dito sa condo niya at nakakapasok ang magnanakaw? "Siguro naman tight ang security dito bakit may nakakapasok bang kawatan para kailangan ko pang isara ang pinto-" "That's not what i meant Milan!" "Bakit ka nagagalit?" Kaunti nalang mapipigtas na ang pisi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang siya ng malakas. "You're tired. You should rest" Saka siya pumasok sa kwarto niya. Narinig ko pa ang pag lock nito. ________________________________________________________ Mika Fuente. Search ko agad iyan sa f*******:. Puro tagged photos. Sa IG meron. Ang ganda ng mga post aetshetic. Sumisigaw ng nepo baby char. Sa mga post palang malalaman mo agad na napaka luxurious ng buhay. Hindi naman ito gugustuhin ni Claudia kung hindi mayaman ang pamilya. At tama nga ako. Anak siya ng isa sa pinakamayamang entrepreneur. Clinick ko yung picture niya kasama ang pamilya niya. Sa litrato makikitang nakaupo silang dalawa ng mama niya sa sofa, sa likod naman ay nakatayo ang dalawang lalaki na hula ko ay papa niya at kapatid niya. May kapatid pala siyang lalaki. Oh, magkasing edad lang sila ni Nicholas. "I wonder kung ano ang ugali nito. Magaspang din kaya katulad ng kapatid niyang babae?" Mas matangkad siya sa papa nila sa picture. Hugis oval shaped ang kanyang mukha. Maikli at maitim, na medyo magulo o tousled ang ayos ang kanyang buhok. Maputi ang kanyang balat at on flick ang kanyang kilay. Almond shape ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at buo at mapula ang kanyang labi. Hindi tulad ni Nicholas na may maikli at maayos ang pagkakaayos ng buhok. Oval shaped din ang mukha. Makapal at tuwid ang kilay. Maputi din naman ang balat. Maliit at hugis almond din ang mata at nakakadagdag akit ang kanyang salamin. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang labi. "Sa iyo lahat iyan Mika?" Tsk. "Pwede sa akin naman yung isa? Hehe" Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan. "Pasok!" Kumatok uli ito at hindi binuksan. "Pasok. Bukas iyan" Tinatamad akong bumangon sa kama at pagbuksan pa kung sino man iyan. "Kyoa pasok ka. Open naman iyan." Bumukas ang pinto at niluwa nito si Nicholas. Nakasuot ito ng silk na pambahay na kulay itim. Naka unbutton ang unang dalawang butones ng kanyang pang itaas kaya naman naka expose ang kanyang dibdib. Umayos ako ng upo sa aking higaan. "B-Bakit?" Saglit na dumaan ang pagkairita sa kanyang mga mata. Bakit? Suot ko ang pajama ko. Maayos naman ang damit ko ah. "I told you to lock the door" I can't help but rolled my eyes. "Okay next time. Bakit? May kailangan ka?" He cleared his throat before he speak. "I'll be gone early tomorrow. I have a meeting at 8" "O-okay. Pwede mo naman i-text sa akin kung nakaalis ka na o nasa trabaho ka na" "I-I'll tell Kyoa to cook for your breakfast for I don't have time to prepare it-" "Oh. It's ok. You don't have to. Nandiyan naman si Kyoa. Tsaka hindi naman ako nag bi-bfreakfast talaga" Nagsalubong ang kilay niya. "What? You should eat breakfast Milan!" Gagalit na siya niyan. "Late din naman ako magigisng bukas baka brunch nalang" Saglit siyang nagtipa sa cellphone niya. "Hindi na kailangan promise. Kakain naman ako." Napalingon na siya sa akin this time. Sino ba tinetext nito? "Kung wala ka nang ibang sasabihin matutulog na ako" "About Mika-" "Sorry, I'll talk to her some time. Papalitan ko din ang password ng pinto bukas. I'll send it to you tomorrow. Goodnight." Pagkasabi niya non ay umalis na din siya. Nakatitig pa din ako sa pintuan kung saan siya lumabas. Ano daw? Bakit kailangan pa? Hindi naman kami magtatagal dito. Tsaka wala naman ako dapat pake kung labas pasok si Mika sa condo na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD