Episode 56

2109 Words

CHAPTER 56 Flor Lumipas ang ilang buwan na parang hinihila ang mga araw. Parang kahapon lang na napi-freeze ako sa harap ni Hector habang inaaliw nina Theo at Logan ang sarili nilang mundo. Ngayon, heto na ako—hirap huminga, namimintig ang tiyan, at parang may ku ma bog na kaba sa dibdib ko na hindi ko alam kung dahil sa kabuwanan ko o dahil may masamang kutob ako. “Flor, umupo ka na muna. Ang bigat-bigat ng lakad mo,” sabi ni Tito Lito habang inaayos ang upuan sa balkonahe. Ngumiti ako kahit halos hindi ko na maihakbang ang paa. “Konti na lang, Tito. Malapit na ‘to.” “Aba, sana hindi pa ngayon,” natatawa niyang sagot pero halatang nag-aalala. “Si Thelma ang nagsabi na mga next week pa dapat. Huwag mo akong tatakutin.” Noong isang linggo galing dito si Thelma. Ako man ay umaasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD