CHAPTER 55 Flor Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang cellphone. Pagkatapos kong kausapin si Hector kagabi, hindi ako nakatulog nang maayos. Para akong binabalot ng kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag—hindi dahil may ginawa akong mali, kundi dahil alam kong nauubos na ang oras ko para itago ang sarili. Lumipas pa ang mga araw at ngayon, maaga pa lang pero ang tahimik ng paligid. Tahimik na parang bagyong naghahanda ng sumabog. Nasa labas sina Logan at Theo, tumatakbo-takbo sa pilapil, naghahabulan; si Tito Lito naman ay abala sa pagwalis. Ako naman… nagtatangkang huminga nang normal kahit ramdam kong hindi magiging ordinaryo ang araw na ‘to. “Mama Flor! May tatakyan sa daan!” sigaw ni Theo, nangingislap ang mata. Hindi ko pinansin noong una. M

