Episode 8

2119 Words
CHAPTER 8 Flor Isang araw na ang lumipas simula nang dumalaw kami sa kasal. Tahimik ang buong bahay nang umuwi kami ni Norwin kagabi, parang walang anumang nangyari. Ibinigay ko na rin kay Elena ang mga bata ngayong umaga dahil may pasok pa sila. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mananatiling ganito, na parang nakabitin sa ere ang bawat hakbang ko. Maaga akong pumasok sa hospital ngayon. At hindi magtagal si Norwin na ang mamahala nito, dahil sa kaniya na ipapamahaka ng mga Beltran ang hospital pati ang laboratory. Sa naiisip ko na di Norwin na ang magpapatakbo ng hospital, parang lalo lang akong naiipit. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang oportunidad o ikagalit ang bawat minuto na parang may utang ako sa kanya. “Good morning, Ma’am Flor!” bati ng isa sa mga staff pagdating ko. Ngumiti ako kahit pilit. “Good morning.” Tinapos ko agad ang mga kailangan kong asikasuhin. Mas mabuting abalahin ko ang sarili ko sa trabaho kaysa isipin ang mga bagay na wala akong kontrol—tulad ng relasyon naming dalawa ni Norwin. O mas tamang sabihing kasunduang kasal na halos walang emosyon. Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang paligid, tulad ng inaasahan ko. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa kwarto, napahinto ako sa paglalakad. Mula sa bahagyang bukas na pinto ng guest room na si Norwin norwin ang natutulog doon, narinig ko ang boses niya. Hindi ko sinasadyang mapatigil. Hindi ko rin alam kung bakit ko piniling makinig—siguro dahil bihira ko siyang marinig na ganoon kakaiba ang tono. “Yeah… I miss you too,” malamig pero may lambing. “I love you.” Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ang salitang iyon—‘I love you’—ay parang sibat na sumaksak sa puso ko. Bakit ako nasasaktan? Wala naman akong karapatang masaktan. Hindi naman kami totoong mag-asawa. Bago pa ako makalayo, bumukas ang pinto. Nakatayo doon si Norwin, malamig ang tingin at halatang iritado. “Kanina ka pa ba nakikinig?” malamig niyang tanong, ang bawat salita ay parang yelo. “Ha? Hindi… hindi ako nakikinig,” mabilis kong tanggi, kahit alam kong halata sa mukha ko ang kabaligtaran. “Don’t lie to me, Flor.” Lumapit siya nang dahan-dahan, at bawat hakbang ay may bigat. “Narinig mo siguro lahat, ‘di ba?” Hindi ako nakasagot. Napalunok lang ako at napayuko. “Tsk.” Napailing siya, saka tumalikod. “Wala kang karapatan na makinig sa mga hindi mo dapat pinakikinggan. Baka nakakalimutan mong kasunduan lang ‘to.” Parang isang sampal ang bawat salitang binitawan niya. Gusto kong sagutin, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero paano? Totoo naman ang sinabi niya. “Hindi ko sinasadya…” bulong ko. “Next time, siguraduhin mong hindi mo ‘sinadya.’” Lumapit siya muli at diretso akong tinitigan. “At kung ayaw mong masaktan, huwag kang makialam. At huwag ka rin ma-in love sa akin dahil masasaktan ka lang.” Walang emosyon ang mukha niya. Parang wala lang talaga ako sa kanya—isang kasunduan lang, isang obligasyon. Lalo kong naramdaman kung gaano ako kaliit sa mundo niya. Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. Parang sampal iyon sa akin. "Ako? Ma-in love sa'yo? Huwag kang mag-alala dahil hindi ikaw ang tipo kong lalaki!" sagot ko at pilit pinapatatag ang boses ko. Napangisi siya na parang nainsulto. “Siguraduhin mo lang Flor. Magbihis ka na,” malamig niyang sabi pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan. “May pupuntahan pa tayo. Nasa ospital si Papa mo, ‘di ba? May kailangan tayong asikasuhin.” Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang malamig niyang tono o ang bigat ng dibdib ko. Pero tahimik lang akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Ayaw kong patagalin pa ang tensyon sa pagitan namin. Pagkatapos kong magbihis lumabas na kami. Sa loob ng kotse, hindi kami halos nag-usap. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, habang siya seryosong nagmamaneho ng sasakyan, at tanging tunog ng makina lang ang maririnig. Kung dati, may halong kaba tuwing magkasama kami, ngayon ay puro lamig ang namamagitan sa amin. Pagdating namin sa Las Palmas Hospital, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang ibang tao ang kasama ko nang makita niya ang ama kong nasa kwarto. Lumapit siya kay Papa na may ngiti at may lambing sa boses. “Magandang hapon po, Tito,” bati niya habang hinahawakan ang kamay ng ama ko. “Kamusta po kayo?” “Mas mabuti na, iho,” tugon ni Papa habang nakangiti. “Salamat sa pagbisita mo. Laking pasasalamat ko sa anak ko at hindi mo pinababayaan.” Ngumiti si Norwin. “Walang anuman po. Responsibilidad ko rin po ‘yan lalo na at malapit na ang kasal namin.” Responsibilidad. Parang muli akong tinusok ng salitang iyon. Iyon lang ba talaga ako sa kanya? Isang responsibilidad? “Anak,” tawag ni Papa sa akin. “Hali ka rito.” Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama niya. “Kumusta ang pakiramdam mo, Pa?” “Mas magaan na, anak. Masaya ako at nakita ko kayong dalawa. Alam mo bang ito lang ang hinihiling ko—na makita kong may kasama ka bago ako tuluyang makaalis.” “Pa…” Napangiti ako, kahit ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Gagaling ka pa hindi ba?" Parang gusto ko sabihin kay Papa na kaya nga ako pumayag magpakasal sa lalaking ito para madugtungan lang ang buhay niya. At ipinangako sa akin nila Doctor Beltran at Doctora Beltran na sila ang bahala sa mga gamot ni Papa at sa mga gastusin nito sa hospital, basta pakasalan ko lang ang anak nila. “Hindi, anak. Totoo ‘yan.” Mahina niyang hinaplos ang kamay ko. “Alam kong hindi naging madali ang lahat para sa’yo. Pero ngayon, kahit papaano, mapapanatag na ako. May kasama ka, may tutulong sa’yo.” Napatingin ako kay Norwin na nakatayo lang sa gilid, nakangiti. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o parte lang ng palabas namin sa harap ni Papa. “Salamat, anak,” dagdag ni Papa. “At salamat din sa’yo, Norwin. Sana’y maging mabuting asawa ka sa anak ko.” “Gagawin ko po ang lahat,” sagot niya, buo at seryoso. At doon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. May parte ng puso kong umaasang totoo ang mga salitang iyon, pero mas malaki ang bahagi na alam kong isa lang iyong kasinungalingan. Ilang oras kami nanatili ni Norwin sa silid ni Papa. Pinag-usapan ang tungkol sa kasal na darating. Pagkatapos ng halos dalawang oras ng pag-uusap namin ni Papa, ayaw ko pa sanang umalis. Ramdam ko ang saya sa mga mata niya habang kinakausap ako—ibang saya, ‘yung halatang galing sa puso. “Anak,” mahinang sabi ni Papa habang nakahawak pa rin sa kamay ko, “huwag mong kakalimutan ang sinabi ko ha? Huwag mong isasarado ang puso mo kahit gaano kasakit noon. Karapatan mong maging masaya. At patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. Sana mapatawad din ako ng Mama mo. Malaki ang naging kasalanan ko sa inyong mag-ina. Pinabayaan ko kayo at ipinagpalit sa walang kwentang babae ” Napalunok ako at bahagyang ngumiti. “Opo, Pa. Huwag niyo na po isipin iyon. Ang mahalaga nagising po kayo. At alam ko mapapatawad dinnkayo ni Mama.” “Salamatm Anak. Babawinako kapag binigyan pa ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay .” Huminga siya nang malalim at muling tumingin kay Norwin. “At ikaw, iho, salamat talaga. Hindi ko man alam ang lahat ng detalye, pero kitang-kita ko kung paano mo pinoprotektahan ang anak ko. Sana… sana totoo ang nararamdaman mo.” Napatingin ako kay Norwin. Nakangiti siya, pero may kung anong misteryo sa likod ng mga mata niya. “Totoo po,” sagot niya, sabay tingin sa akin. “Gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan.” Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga salitang iyon—kung dapat ba akong matuwa o matakot. Dahil kung totoo man iyon, bakit kailangan kong marinig siyang nagsasabi ng I love you sa iba kanina? Pero ano ba ang pakialam ko? Hindi dapat ako mahulog sa kaniya. At kung girlfriend niya man ang kausap niya kanina, wala na akong pakialam doon. Kasunduan lang naman ang kasal na darating. Pagtapos ng pagdalaw, nagpaalam na kami kay Papa. Paglabas ng ospital, tahimik kaming naglakad papunta sa parking area. Ako na mismo ang nagbasag ng katahimikan. “Salamat ha… sa ginawa mo sa loob,” sabi ko habang nakatingin sa sahig. “Wala ‘yon,” malamig niyang sagot. “Ginawa ko lang ang dapat.” At doon ko muling naramdaman ang pader na matagal nang nakatayo sa pagitan namin. Kung kanina sa loob ng ospital ay tila may lambing at init, ngayon ay parang nagbago ulit ang ihip ng hangin. Magaling siya mag-camouflage sa harap ng mga magulang ko. 'Yong akala mo naman totoo ang mga sinasabi niya. “May pupuntahan pa ako pagkatapos nito,” dagdag pa niya habang binubuksan ang pinto ng kotse. “Kaya mag-taxi ka na lang pauwi.” Napalingon ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig ko. “Ha? Mag-taxi? Gabi na.” “Bakit? Marunong ka namang mag-commute, ‘di ba? Saka marami pang kotse ang dumadaan,” malamig niyang balik. “Hindi kita maihahatid dahil may aasikasuhin pa ako.” “Hindi mo ba talaga ako kayang ihatid? Saglit lang naman ‘yon.” Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, pero ramdam ko ang pag-init ng dibdib ko. “Tsk. Flor, hindi mo kailangang dramahan ang simpleng bagay.” Huminga siya nang malalim. “Hindi tayo magkasintahan. Hindi mo kailangan ng special treatment mula sa’kin.” Napakuyom ako ng kamao. “Alam ko. Hindi mo kailangang ipaalala palagi.” “Eh ‘di mabuti!” tiim bagang niyang sagot. Tahimik akong tumalikod at nagsimulang maglakad palayo, pero hinabol niya pa rin ako ng mga salita niya. “At isa pa, hindi ako uuwi ng Santa Cruz ngayong linggo. Dito muna ako sa Las Palmas. Uuwi na lang ako kapag malapit na ang kasal. Hindi ko gusto na may kasama ako sa bahay.” Parang may sumabog na galit sa dibdib ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Alam mo, mabuti pa. Hindi rin naman ako sanay na may kasama sa bahay. Hindi ko kailangang makisama sa taong ni hindi marunong rumespeto.” “Hindi ko kailangang respetuhin ang isang taong nakikinig sa pribadong usapan,” mabilis niyang sagot. “Wala kang karapatang magalit.” “Wala akong karapatang magalit?” Napatawa ako nang mapait. “Baka nakakalimutan mong ako ‘yung pakakasalan mo. Kahit kasunduan lang ‘to, karapatan ko pa ring masaktan!” “Tsk. Masaktan?” Tumawa siya nang malamig. “Flor, ikaw ang unang lumabag sa hangganan natin. Kung hindi ka nakinig kanina, hindi ka masasaktan.” “Eh ano kung nakinig ako? At least alam ko kung anong klaseng tao ang kaharap ko!” sagot ko, halos nanginginig sa galit. “Isa kang duwag, Norwin. Hindi mo nga kayang sabihin ang totoo.” Ilang segundo kaming nakatinginan—mata laban sa mata, galit laban sa galit. Ngunit sa likod ng galit na iyon, may kumikirot. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit na ito. “Alam mo,” mahina niyang sabi pagkatapos ng mahabang katahimikan, “baka mas mabuting huwag na lang tayong magpanggap sa isa’t isa. Gawin natin ‘to para sa mga pamilya natin, tapos. Walang halong damdamin.” “Wala namang damdamin mula sa simula, ‘di ba?” bulong ko. “Wala kang kailangang ipaalala.” At sa unang pagkakataon, nakita kong may bahagyang paggalaw sa malamig niyang mukha—parang may gusto siyang sabihin pero pinigilan niya. “Bahala ka,” tanging sagot niya, saka siya tumalikod papunta sa kotse. Naglakad ako papunta sa kalsada, nag-aabang ng taxi. Hindi ko alam kung galit ba ako o malungkot, pero naramdaman ko may kung anong parte sa puso ko ang unti-unting nabubuo—isang damdaming hindi ko dapat maramdaman para sa lalaking ito. Habang nakaupo ako sa taxi pauwi, paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang boses niya kanina pag-uwi ko. I love you. Sa ibang babae. Hindi para sa akin. At kahit gaano ko gustong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong pakialam—na kasunduan lang lahat ito—hindi ko magawa. Dahil sa likod ng galit, sa likod ng sakit, may kakaibang t***k sa puso ko tuwing naririnig ko ang pangalan niyang Norwin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD