CHAPTER 30 Flor Tanging tiktak lang ng orasan sa sala ang maririnig habang nakahiga ako sa malamig na sofa. Ang liwanag ng lampshade sa gilid, mahinang sumisinag sa kisame. Ramdam ko ang lamig sa paligid — at sa puso ko. Hindi ako umakyat sa kuwarto. Hindi ko kayang humarap kay Norwin. Wala akong lakas na makasama siya sa iisang kama, hindi matapos ang mga salitang binitawan niya kanina. “Natural lang ibigay mo ang katawan mo sa akin dahil malaking pera na rin ang naipundar namin sa pamilya mo.” Parang paulit-ulit ‘yong linya sa isip ko, parang karayom na hindi tumitigil sa pagbaon. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakabalot sa manipis na kumot. Ilang beses ko sinubukang ipikit ang mga mata ko, pero bawat dampi ng hangin sa balat ko, parang paalala ng pagkalamig ng puso niya. Hind

