SA SEVENTEENTH birthday ni Mattie, binigyan ko uli siya ng orchids. She loved it. Kagaya ng plano, nagpunta kami sa isang beach resort. Pagdating na pagdating doon ay para kaming mga bata na kaagad na tumakbo sa dagat. Hinayaan lang kami ng mga magulang namin. “I’m seventeen!” masayang bulalas ni Mattie habang nasa tubig kami. “Umabot ako ng seventeen years old! Sana ay hindi ito ang huli kong birthday.” Ganoon palagi si Mattie tuwing kaarawan niya. Labis-labis ang kanyang ligaya at pasasalamat dahil binigyan siya ng isang taon na mabuhay. Maging ako man ay malaki ang pasasalamat sa Panginoon. Naiinis ako tuwing lumalabas sa bibig ni Mattie ang tungkol sa kamatayan, ngunit ang hindi nila alam, sa kaibuturan ko ay natatakot ako. Masaya ako tuwing birthday niya dahil napapatunayan niyon n

