“CLOSE na close kayo ni Mattie, ano?” Nakangiting nilingon ko si Carmela. Inihatid ko siya sa bahay nila. Nakaparada lang kami sa harap ng gate at tila hindi pa niya nais bumaba. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinagkan. “Yeah. We practically grew up together.” “Ang adorable niya. Parang kapatid na siguro ang turing mo sa kanya?” Tumango ako para sa unang pangungusap. Nagturingan nga ba kaming magkapatid ni Mattie? Magkinakapatid kami. Best friends. Magkapitbahay. Pero hindi ko talaga inisip na parang kapatid ko na siya. She had always been... my Mattie. Noon siguro, noong bago pa dumating sa buhay namin si Andres, ay kasama ang pagiging big brother sa papel ko sa buhay ni Mattie. Pero nang dumating si Andres, hindi na ako iyon. Hindi na ako ang kanyang savior. Ako na lang si Jem, ang

