SINAMAHAN ko si Mattie sa university na pinapasukan ko para sa kanyang college entrance exam. Gustong sumama ng mommy at daddy niya ngunit ayaw pumayag ni Mattie. Iginiit niya na kaya na niya. Gusto ring igiit nina Ninong William at Ninang Martinna ang gusto pero kinausap sila nina Daddy at Mommy. Sinabi nila na hindi na komportable si Mattie na makasama ang mga magulang sa lahat ng panahon. Mattie was starting to feel the need to be independent. Nahihiya na marahil si Mattie sa mga kaedad na hindi na sinasamahan palagi ng mga magulang. Ganoon daw talaga ang mga teenager. Feeling daw namin, kayang-kaya na namin ang buhay at tila hindi na kailangan ang mga magulang. When you grow a little older, you realize you’d always need your parents. Darating ang araw na magkakaedad ka at matatagpuan m

