13

2977 Words

“KAPAG nagtagpo uli ang mga landas namin, sa palagay ko ay destiny na `to. Siya ang lalaking para sa akin.” Tinambakan ko ng gravy ang kanin sa plato ni Mattie, na pangalawa na niyang order. “Tumigil ka na, Mattie.” Kanina pa niya ikinukuwento sa akin ang kanyang crush, ang cute niyang seatmate. Ang lalaki na raw yata ang nakatadhana para sa kanya. Naiirita na naman ako sa kanya. Pinipigilan ko lang dahil tama siya sa kanyang sinabi kanina. Daig ko pa ang babaeng may dalaw kung magsungit. Mukhang nainis na rin si Mattie. “Bakit ba ayaw mo akong pakinggan, ha?” May hinampo na sa tinig niya. “Kasi nonsense naman `yang mga sinasabi mo.” “Paano siya naging nonsense? Ilang taon na ako, Jem?” “Sixteen.” Tumango si Mattie. “Tama, sixteen na ako. So may karapatan na akong magka-crush. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD