KINABUKASAN, iniwan ni Mattie ang piggy bank niya kay Mommy. Hindi ko naintindihan noong una hanggang sa maalala ko na naubos ko nga pala ang allowance ko. Hindi ko ginalaw ang piggy bank ni Mattie. May sarili akong piggy bank na nakalaan sana para sa Christmas. Sinubukan kong kausapin si Mattie, ngunit ayaw niyang makipag-usap. Kahit na ang mga magulang at kuya niya ay hindi niya gaanong iniimik. Bahagya nang nag-alala si Andres. Hindi karaniwan kay Mattie na hindi nagkukuwento sa kanyang mga magulang. Hindi karaniwan na tahimik lang siya. Maging si Carmela ay hindi ako kinakausap. Iniiwasan niya ako sa eskuwelahan. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hinayaan ko muna siya pansamantala. Isang gabi ng Sabado ay niyaya ako ni Andres na mag-inuman sa bahay nila. Nagkulong kami sa sili

