Chapter 81- An Unexpected Gift

2167 Words

Khylle's Pov: "Malapit na tayo." Sumulyap ako kay Detective Joseff nang marinig iyon. Nanatili naman s'yang nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho. Isa pa sa hindi mawala sa isip ko ay ang pabor na hiningi n'ya kagabi. Katatapos lang naming makipag-usap sa ilang pamilya ng mga naging biktima sa nangyaring sunog noon sa Lilies' Textile. Ang ilan ay buong pusong pinaunlakan ang pakikipag-usap namin habang ang ilan naman ay mas piniling manahimik. Ang katwiran nila ay mas gusto nilang mabuhay nang payapa at para mangyari iyon ay kinailangan nilang kalimutan ang lahat ng nangyari at tuluyang ibaon sa nakaraan. May ilan ding hindi namin nakausap dahil wala na sila rito sa Labreska. Ang iba ay nasa ibang bansa na samantalang ang iba ay nakipagsapalaran sa iba't-ibang bayan at lungsod. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD