Khylle's Pov: Kagat-kagat ang kukong nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan sa hallway na malapit sa operating room. Hindi pa rin nawawala ang pagkabog ng dibdib ko at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng panginginig dahil sa takot at pagkabigla. Niyuko ko ang mga kamay ko, may mantsa pa iyon ng natuyong dugo mula sa mga sugat ni Fabio at hindi ko magawang pumunta sa washroom para hugasan ang mga iyon. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko pa kayang tumayo. Hanggang ngayon nga ay nakaupo pa rin ako rito sa malamig na sahig habang nakasandal sa dingding ng emergency room. Nandito kami sa Labreska General Hospital, sa halip na bumalik na sa Ildefonso ay dito kami dumiretso ni Detective Joseff para ipagamot si Fabio. Hindi ako eksperto pagdating sa medical field pero ramd

