Khylle's Pov: Nanatiling nakatingin ako sa wala pa ring malay na si Fabio. Kaming dalawa lang ang narito sa silid at nakaposas din ang isa n'yang kamay sa kamang hinihigaan n'ya pero hindi ko pa rin s'ya hinihiwalayan ng tingin. Alam ko namang hindi n'ya magagawang tumakas sa estado ng katawan n'ya. Bukod sa hindi pa s'ya nagkakamalay matapos ang operasyon n'ya ay madami rin s'yang sugat sa katawa. Base na rin sa eksplanasyon ni Doctor Areglado, mahihirapan si Fabio na makatayo at makalakad dahil sa tinamo nitong injury sa mga muscle sa parehong paa. Ibig sabihin lang na wala akong dapat ipag-alala sa oras na magising ang lalaki. Hindi ko nga lang magawang tanggalin ang takot sa dibdib ko dahil na rin sa kaming dalawa lang ang narito. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Detective Jose

