Khylle’s Pov: Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bagong silid na pinagdalhan sa amin ni Detective Joseff. Narito pa rin naman kami sa ospital kung saan namin dinala at ipinagamot si Fabio, nasa ibang silid na nga lang kami. Mas malaki at halos doble ang laki sa pribadong silid na inokupa ni Fabio kanina. Halos dalawang silid ang bumubuo sa bagong silid na kinaroroonan naming ngayon, isang malaking salaming dingding lang ang nagsisilbing dibisyon na sa oras na ibaba ang blinds sa magkabila ng salamin ay saka lang matatakpan ang kabilang bahagi ng silid. May pinto rin na nagsisilbing daanan para makapunta sa kabilang bahagi at para na rin sa privacy. Ang kanang bahagi ay ang bagong silid na inookupa na ni Fabio at ang kaliwang bahagi naman ay ang magsisilbing opisina ng buong dep

