Khylle’s Pov: Ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa balat ko maging ang namimigat na talukap ng mga mata ko. Nagtataasan din ang mga balahibo ko dahil sa lamig na nararamdaman. Namaluktot ako at hinila ang kumot na nakatakip sa akin at nagtalukbong pero tila hindi sapat ang kapal niyon para pawiin ang panlalamig na nararamdaman ko. Kumot? Teka… Paanong nakakumot ako samantalang kanina lang ay nakaharap ako sa tambak na reports na may kinalaman sa slush funds na sangkot ang proyektong kasalukyang isinasagawa ng Caguete Real Estate? Ang alam ko ay pareho kaming abala ni Ren dahil kaming dalawa lang ang naiwan dito. Ni hindi nga makapangulit ang lalaki dahil kahit s’ya ay nanakit na ang mga mata sa kakatitig sa computer at kakabasa ng mga reports na nasa papel. Dahil sa isiping iyon

