Khylle's Pov: "Silver and Ren, stay here. Kailangan n'yong masiguradong walang makakapasok na ibang tao rito. Sa oras na magkaroon ng himala at magising si Fabio, tawagan n'yo kami." Napatingin na lang ako kay Detective Joseff habang nagbibilin s'ya sa mga kasama n'ya. "Kami na ang bahala sa iba," dagdag pa n'ya at hinarap naman si Austine. "Handa na ba ang prosecution?" Masiglang itinaas ni Austine ang hawak na warrant. "Handang-handa na, sino ba sa kambal ang uunahin namin?" Nakaramdam ako ng paghanga sa prosecutor. Kararating lang n'ya ngunit handang-handa na s'yang gawin ang parte n'ya. Maging ang ilang officer mula sa Ildefonso na kasama n'ya ay nasa labas lang ng silid at naghihintay ng utos. "Ayos sa tip na natanggap ko, nasa magkahiwalay na lokasyon ang kambal na Caguete. Na

