Khylle's Pov: Hindi kami masyadong nagtagal sa simbahan. Inabot lang yata kami ng sampung minuto sa loob bago nagdesisyong lumabas na. Lihim na nagpasalamat din ako kay Detective Joseff dahil matagal na rin nang huli akong pumasok sa loob ng simbahan. Masyado akong naging abala sa trabaho ko at tuwing may libre akong araw ay mas pinipili kong manatili sa loob ng bahay o kaya ay nasa field para naman maging back-up sa mga kasama. Hindi na ako nakakabisita sa Kanya pero sigurado naman akong naiintindihan N'ya ako. Ilang beses nang nalagay sa alanganin ang buhay ko at isa na iyon sa maraming dahilan para maging thankful ako sa araw-araw. Ni kahit minsan ay hindi rin n'ya ako binigo at sana ay ganoon din sa mga susunod na araw. "Gusto mo bang kumain muna o mamaya na lang?" Nilingon ako ni

