Khylle's Pov: Pakanta-kanta pa ako habang bino-blower ang basang buhok. Sinasabayan ko ang tunog na inilalabas ng blower, hindi nga lang maganda ang resulta ng collaboration mg boses ko at tunog ng blower dahil masakit iyon sa tainga. Mabuti na rin lang at ako lang naman ang nakakarinig ng mga iyon. Kakatapos ko lang magtuyo ng katawan at ngayon nga ay ang basang buhok naman ang pinagtutuunan ko ng pansin. Sa halip na magpahinga katulad ng sinabi ni Detectove Joseff ay mas pinili kong maligo. Nanlalagkit na ang katawan ko dahil na rin sa layo ng naging byahe namin. Isa pa ay lalabas kami sa bayan, ayokong mamasyal mamaya nang hindi maayos ang itsura. Baka mag-amoy pawis na ako at hindi pwede iyon. Hindi ko napigilang hindi ngumiti nang maisip ang mga pwede naming gawin mamaya. Hindi

