Khylle’s Pov: Wala sa sariling iginala ko ang paningin sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin lalo at hindi na naman pamilyar ang lugar na kinalalagyan ko. Napahawak ako sa ulo ko nang manakit iyon. Pilit na inalala ko ang mga nangyari at ganoon na lang ang kilabot na naramdaman ko nang maalala ang eksena sa bangin. Kung paano ipinaalam sa akin ni Brixx ang kagustuhan n’yang maghiganti. He asked me about the informant ngunit hindi n’ya sinabi kung ano ang dahilan n’ya. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin alam kung ano ang rason n’ya at kung bakit interesado s’ya sa taong iyon. Isa pa sa hindi ko mapaniwalaan ay iyong nagawa n’ya akong ikulong sa loob ng sasakyan n’ya. Nayakap ko ang sarili nang umalingawngaw sa isip ko ang tunog ng baril. At ang pagbulusok ng kotse s

