Joseff’s Pov: Abot-abot ang kaba ko habang pabalik sa Precinct 5. Sa sobrang bilis ng naging pagpapatakbo ko sa sasakyan ay naging sanhi iyon ng ilang kaguluhan sa kalsada mabuti na lang at kilala ako ng ilang officer na naka-duty doon. Hindi nila ako hinarang dahil na rin sa pagtunog ng sirenang nasa bubong ng kotse ko. Mabilis kong narrating ang Precinct 5 at hindi pa man ako nakakarating sa parking lot ay kaagad ko nang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng presinto. Mabilis akong lumabas mula sa kotse at dire-diretsong pumasok doon. Kung dati ay nginingitian ko pa ang bawat officer na bumabati sa akin, ngayon ay nilampasan ko lang sila at doble ang mga hakbang na tinungo ko ang hallway. Pabalagbag na binuksan ko ang pinto ng silid ng department namin. “Sir! “Joseff!” “Anong update

