Joseff’s Pov: “Detective, hindi tumatanggap ng bisita ang ama mo. Wala rin s’ya sa loob ng opisina n’ya." Tiningnan ko ang police officer na humarang sa akin. S’ya ang laging inuutusan ng aking ama para sundan ako. Hindi nga lang nila alam na aware ako sa pagpapasunod n’ya sa akin mula nang ilipat n’ya ako sa Cold Cases Department. “Officer Soco,” banggit ko sa pangalan n’ya. “Alam ba ng ama ko na mali ang mga inire-report mo sa kanya tungkol sa mga ginagawa ko?” Kitang-kita ko kung paanong bumakas ang gulat sa mukha n’ya ngunit kaagad din iyong nawala. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Detective Cortez pero mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Precinct 5,” tugon n’ya. Ngumisi ako. “Gusto mo bang bilangin ko kung ilang beses na kitang natakasan? Ilang beses ka bang naligaw sa pagsunod

