Khylle’s Pov: Nakaramdam ako ng pamimigat ng katawan. Nakapikit man ay may pakiramdam akong hindi maganda ang posisyon ng katawn ko dahil nananakit ang likod ko. Naramdaman ko rin ang pangangalay ng mga binti ko. Pupungas-pungas akong nagmulat ng mga mata. Kaagad akong nakaramdam ng lamig. Disoriented kong tiningnan ang paligid. May kadiliman na sa labas at kahit nandito ako sa loob ng sasakyan ay nararamdaman ko pa rin ang malakas na pag-ihip ng hangin sa labas. Inayos ko ang mangas ng suot na damit. Masakit pa ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ko rito sa loob ng sasakyang ito samantalang dapat ay na sa restaurant na ako kasama si Brixx. “Nasaan ako?” mahinang tanong ko sa sarili. Wala talaga akong kaide-ideya kung nasaang lugar ako lalo na at madilim ang pali

