Khylle's Pov: "Sigurado ka ba talaga sa gagawin natin, Sir?" Napakunot ang noo ko sa narinig. Boses iyon ni Silver at hindi na ako magtataka kung lahat sila ay nasa labas na ng silid ko para magtalo. Matapos na magkasundo kami ni Detective Joseff sa gagawin kong undercover bilang isang estudyanteng magiging pasyente ni Doctor Ibañez ay kaagad kaming kumilos para isaayos ang mga dapat ayusin. Mula sa unipormeng isususot ko, mga pekeng papeles na naglalaman ng school records ko hanggang sa pagpapa-schedule ko ng appointment sa kilalang doktor. Dalawang araw din ang ginugol namin para mai-set nang maayos ang trap namin kay Doctor Ibañez. Tama naman si Detective Joseff, imposibleng makakuha kami ng ebidensyang magsasangkot sa doktor sa pagkamatay ni Roxanne, ngunit maaari naman kaming mak

