Khylle’s Pov: “Khylle, okay ka lang?” Mula sa pakakatulala sa harap ng computer ay nilingon ko si Detective Joseff. Napakurap pa ako nang makita ang nag-aalala n’yang mukha. “Okay lang ako,” tanging sabi ko at muling hinarap ang computer. Hindi na nagsalita si Detective Joseff. Bumalik na s’ya sa lamesa n’ya at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa kung ano. Muling tumutok ang mga mata ko sa computer. Nakabukas iyon ngunit walang kahit anong nasa screen. Ilang oras na mula nang buksan ko iyon para gumawa ng report ngunit hanggang ngayon ay blangko pa rin iyon at hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Apat na araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa restaurant at hanggang ngayon ay wala pa ring pag-usad ang kasong iyon. Hindi ko nga sigurado kung uusad pa iyon dahil sa kahit

