Khylle’s Pov: Ilang beses pa akong napasulyap kay Detective Joseff ngunit nanatiling tahimik lang ang lalaki. Alam kong nararamdaman din n’ya ang ilang beses kong paninitig sa kanya pero patay-malisya lang ang lalaki. Ganoon n’ya kagustong huwag nang sundan ang pinag-uusapan namin kanina. Nasa mukha n’ya ang kaseryosohan at nasa daan lang ang mga mata n’ya, kung aalisin man n’ya roon ang paningin ay iyon ay para silipin ang side mirror. Napalabi na lang ako at mas umayos ng upo. Ganito na s’ya mula nang umalis kami sa KST at hanggang ngayong tuluyan na kaming nakalabas sa lungsod ng Ildefonso ay wala pa ring pinagbago ang kilos n’ya. May dalawang oras na rin yata kaming bumabyahe at iisang beses pa lang kami humihinto para gumamit ng comfort room sa stop-over na nadaanan namin kanina. Ma

