CHAPTER 2

2733 Words
APHRODITE "You sure you don't need my help? Tayo lang naman nandito, e. And we'll be locking the door naman to make sure no one will know and tell Mr. Principal." Napahinto ako sa pagma-mop at nilingon si Athena. "You know you can't do that." I said stating a fact. She rolled her eyes on me and crossed her arms. "Quit being so obedient, Aphrodite. It won't hurt you naman if I'll help you. I just want lang naman na madali ka na rito. Look at you! You look so haggard na. Ew." Maarteng sabi ni Athena 'Di ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya. 'Di ko alam kung concerned ba 'to sa akin, or kung nanglalait lang ang babaeta. "Athena, I'm fine, truly. I swear! Go, iwan mo na ako rito. I'm sure you wouldn't want to be late on your family dinner, don't you?" Pangungumbinsi ko rito. Sumimangot lang siya at umiwas ng tingin sa akin. I rolled my eyes. "Oh, c'mon. Don't pull on me that spoiled brat attitude of yours. I'll text you when I'm done. Okay?" Ani ko. Inirapan niya naman ako at sumimangot. "Okay, fine, Ms. Obedient. It's not like I'm expecting naman na papayag ka with that attitude of yours." "Basta I offered you my help! So don't come to me na nagrereklamo na masakit katawan mo, masasabunutan talaga kita." Malditang sabi ni Athena. Napahalakhak nalang ako ng malakas at tumango tango. "Sure, sure, if you say so." Natatawang sabi ko sakanya. "Duh. Sige na. Aalis na ako. Text me kapag tapos ka na rito, gets mo?" Paalam nito at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik at tinapik tapik sa likuran. "Oo na nga. Para ka namang si mama e." Ako. Walang imik lang ako nitong sinamaan niya naman ako tingin at kumaway. Umakto pa itong nagte-text para ipaalala sa akin na i-text siya, pagkatapos ay lumabas na nang tuluyan. Natatawang napailing nalang ako nang mawala na Athena sa paningin ko. If 'di ko lang kilala si Athena aakalain ko talagang maldita yun. Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy na ang paglilinis nang matapos na. PAGKATAPOS kong malinis ang girls cr ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng nang cr. Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng skirt ko at tin-ext si Athena na tapos na akong maglinis. Papaalis na sana ako ng bigla kong maalala si Hechanova. Nilingon ko ang boys cr. Tapos na kaya yun? Gosh! I don't care anymore. I just want to go home and rest! Naglakad na ako paalis pero napahinto rin at nilingon ulit ang boys cr. Napabuntong hininga ako. Whatever! I'll just check him quickly then aalis na ako. Dahan dahan kong binuksan ang boys cr at sumilip sa loob. Napakunot ang noo ko ng makitang may sabon pa sa sahig pero 'di ko makita so Hechanova. Asan na yun? Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin ko sa loob. "Ay, shiomai ka!" Gulat na sigaw ko. "What the—?! Anong ginagawa mo diyan?!" Ang loko nasa likod lang pala ng pinto, nakaupo sa maliit na upuan at naglalaro sa cellphone! "Shhhh! Ang ingay mo naman. Can't you see? Naglalaro ako rito!" Anito nang 'di nag-aangat ng tingin sa akin. Nakatutok lang sa cellphone nito. "Baliw ka ba?! Anong ginagawa mo diyan? Malapit mag 5 pm pero hindi ka parin natatapos dito. Wala ka bang balak umuwi?" Kunot noong tanong ko sakanya. Inis na nagtaas naman siya ng tingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Look! Ang ingay mo, natalo na ako." Inis na sabi nito sa akin. "What now? Kasalanan ko pa ngayon? Edi bahala ka sa buhay mo! Ikaw na nga itong chini-check, Magstay ka rito hanggang mamayang gabi. May multo pa naman daw dito na gumagala dito. Hmph!" Asar na sabi ko. Aalis na sana ako ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. "Don't. Stay." Takot na sabi nito. Gusto kong matawa dahil sa reaction niya. Parang bata. "Stay mo mukha mo! Kanina lang inis na inis ka sa'kin. May mood swings ka rin?" Ako. "Just stay! Ang dami pang sinasabi. Ang ingay mo." Hechanova "Wow! Wow ha. Napaka demanding naman. Bitawan mo nga ako." Inis na sabi ko at hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Bakit ka ba kasi naglalaro diyan e may lilinisin ka pa?" Ako. "I got bored. And cleaning is so tiring. This isn't my thing." Sagot nito. 'Kung sana hindi mo ako ginulo kanina, hindi sana tayo nandito ngayon.' Gusto kong sabihin sakanya yan pero tumahimik nalang ako. Ayokong magsimula na naman kaming magbangayan. Knowing him. Hindi yan magpapatalo. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa boys cr at napangiwi. Sobrang basa ng sahig at may mga sabon pa. Lumapit ako sa mga cubicle at inisa-isang tinignan. Good thing malinis naman. Ang sahig nalang pala ang problema. Nilingon ko si Hechanova na nasunod lang ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tumayo ka riyan. Tulungan na kita para makauwi ka na rin." Walang ganang sabi ko sakanya. Ngumisi naman siya nang nakakaloko. "Concerned?" Asar nito. "Ew. No. Kadiri ka." Nandidiring sabi ko. Humalakhak naman siya ng malakas at tumayo na rin. "Ok sabi mo, e." Anito at nagtaas baba ng kilay. Inismiran ko naman siya. "Kumuha ka ng isang baldeng tubig tapos dalhin mo rito." Utos ko sakanya. Sumaludo naman siya at sinunod ang sinabi ko. At nagsimula na kaming maglinis nang tahimik. It's unbelievable, pero nagawa naming magsama na hindi nagbabangayan na dalawa. And I think I like it. This is what I like you know, peace of mind. Paglilinis lang naman pala makakapagpatahimik kay Hechanova. Dapat lagi nalang itong naglilinis. Gosh. MATAPOS ang ilang minuto ay nilingon ko si Hechanova. Aba naman! Hindi ako makapaniwalang nakatingin sakanya. Akala ko pa naman bumait na, yun pala busy na naman sa paglalaro sa cellphone nito kaya ang tahimik. Huminto ako sa pagma-mop at hinarap siya. "Seryoso ka ba? Hindi ka man lang ba nakokonsensya diyan? Wala ka bang balak itigil muna yang ginagawa mo at tulungan ako rito? Ang usapan natin tutulungan lang kita, hindi ko sinabing aakuin ko ang paglilinis!" Inis na sabi ko sakanya. Ang loko naman umaktong parang walang narinig sa mga sinabi ko. Kumuha pa ito ng isang lollipop mula sa bulsa at kinain ito. Napahawak nalang ako sa sentido ko. Kahit kailan talaga walang magawang matino ang loko. Akala ko pa naman talaga! Wala na talagang pag-asa 'tong lalaking 'to. "Argh! Ewan ko sayo! Maglinis kang mag-isa! Ikaw na nga itong tinutulungan, ganiyan ka pa. Shiomai ka!" Iinis na sigaw ko at lumabas ng boys cr. Bahala siya sa buhay niya. Aalis na sana ako ng sumigaw ang baliw sa loob. Napairap nalang ako. "Subukan mo lang umalis. Isusumbong talaga kita kay Mr. Principal!" Napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Breath in. Breath out. It's okay. Iisipin ko nalang isa siyang batang spoiled brat. Pagmulat ko ng mga mata ko, pinilit kong ngumiti at pumasok sa loob ng nakangiti parin at pabagsak na isinarado ang pintuan. "Eh kung tulungan mo kaya ako dito imbes na maglaro ka lang diyan at kumain ng lollipop? Ha! At ikaw pa talaga ang may ganang magsumbong! Ano ka dictionary? Ang kapal ha!" Bulyaw ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. "Maawa ka naman sa pinto, Scottish. Konti nalang masisira mo na, e. Makakabayad pa tayo nito." Anito at umiling iling. "Maawa ka rin sa sarili mo, Hechanova. Konti nalang magkakadiabetes ka na, e." Balik kong sabi sakanya. Nakita ko naman na parang napikon siya kaya ngumisi ako at pinagpatuloy nalang sa paglilinis. Bahala siya sa buhay niya. FAST FORWARD Pagod at pawisan akong napaupo sa sahig. Nakakapagod, grabe! Napaangat ako ng tingin ng biglang may panyo na tumapat sa mukha ko. Mula sa panyo ay nagtaas ako ng tingin kay Hechanova. "Oh, kawawa ka naman." Tama ba talaga yung narinig ko? O nabibingi na ako? Parang nahimigan ko ata na naaawa ang yung boses niya? Ay, hindi. Sobrang mali talaga. Imposible! Kailangan ko na atang linisan ang tenga ko. Sa mukha palang ni Hechanova kita ko na nang-aasar lang siya. Inilayo ko lang ang kamay ni Hechanova at dahan dahang tumayo. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makaramdam ng pagsakit nang katawan ko. Ikaw ba naman ang maghila ng isang medyo malaking balde at magmop buong araw. Kung bakit ba kasi mayaman ang may-ari nitong school. Ang laki tuloy ng cr dito sa school. Tapos girls at boys cr pa nilinis ko. "Umuwi na tayo, malapit na gumabi." Sabi ko sakanya. Hindi naman siya umimik kaya nagkibit balikat nalang ako. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa sink at naglakad papunta sa pinto. Pinihit ko pabukas ang pintuan para makalabas na pero napakunot ang noo ko. Bakit hindi ko mabuksan? Pinihit ko ulit pero ayaw talaga. Napa "huh" ako. Na-lock ba 'to? Nilingon ko si Hechanova na nagtatanong ang tingin sa akin. "Lock ang pinto." Sabi ko sakanya. Umarko pataas ang kilay niya. "What? Ang sabihin mo hindi mo lang talaga kayang buksan yang pinto. Patpatin ka kasi." Pang-aasar niya. Umiling ako. Wala akong balak na patulan pa siya sa pang-aasar niya sa akin ngayon. Ang sa akin ngayon, natatakot ako na baka hindi kami makalabas dito. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Hechanova. Lock ang pinto." Mariin na sabi ko sakanya. Bored na tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa akin. "Move." Aniya. Gumilid naman ako at siya naman ang nagcheck sa pinto. Pinihit niya ang siradura ng pinto pero hindi niya rin nabuksan. Inulit niya ang pagpihit pero hindi parin talaga mabuksan. Nagsimula na akong kabahan at pagpawisan ng malamig. Gulat nalang napatalon ako nang bigla niyang suntukin ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ba yun masakit? "It's locked, I can't open it. Let's just wait until someone come's here and open this freaking door. Baka na lock dahil sa lakas ba naman ng pagkakasirado mo ng pintuan kanina." Walang ganang sabi nito at bumalik sa kinauupuan niya kaninang pagpasok ko. Bigla kong naalala ang ginawa ko kanina at napabuntong hininga. T'was probably the reason why. Napalabi ako at naupo sa may gilid malapit sa first cubicle at kinuha ang cellphone ko para i-text si Athena. — To Athena : Athena, na-lock kaming dalawa ni Hechanova dito sa boys cr. Please tell Mr. Principal or the Janitors about this. I'm scared. — Sin-end ko na agad ang text ko kay Athena at pumikit. Pagod na talaga ako. Gusto ko nang matulog. Tumunog ang cellphone ko kaya nagtaka ako. Si Athena? Ang bilis naman. Tinignan ko ang message ko sakanya at napatampal sa noo ko. Kung minamalas ka nga naman oo. Wala na akong load?! Ngayon pa talaga?! Aish. "Hoy, Hechanova!" Tawag ko kay Hechanova na busy sa kakalikot sa cellphone niya. "Hmm?" Tanging sagot niya habang nakatutok parin sa cellphone niya. "May load ka ba?" Tanong ko. "Wala." Tipid na sagot niya. Napaarko pataas ang kilay ko. "Wala? Eh, sino yang kanina mo pang ka-text?" Kunot noong tanong ko sakanya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at ipinakita ang cellphone niya. "See that? I'm not texting. I'm playing." Aniya at bumalik ulit sa pagkalikot sa cellphone nito. Napaawang ang labi ko. Seriously? Parang bata talaga! Naglalaro parin hanggang ngayon ng Pou. Parang hindi naman halata na naglalaro pa siya ng mga ganunn. Tss. Tumahimik nalang ako at nagmuni-muni. Ang tagal naman. Wa pa bang guard na magche-check dito? LUMIPAS ang ilang oras at nakikita ko na mula sa itaas na bintana ang kulay yellow na sinag, tanda na malapit nang mag-gabi. Napabuntong hininga nalang ako, gutom na ako. Last na kain ko nung snack break pa kaya nagugutom na talaga ako. Dapat pala bumili ako ng maraming snack kanina. Aish! Hindi ko naman aakalain na mala-lock kami dito e. Napatingin ako sa oras sa lockscreen ng cellphone ko. 4:36 pm na. I yawned. Isinandal ko ng maayos ang katawan ko sa pader at ipinikit ang mga mata ko. Dahil na rin siguro sa pagod at antok, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. NAALIMPUNGATAN ako ng makaramdamn ako ng mahinang tapik sa pisngi ko kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bakit parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko? Parang sinusunog ang katawan ko dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko. "Hey, eat this. You're sick." Ani Hechanova at ipinakita ang sandwich na hawak niya. Nakaramdam ako ng gutom nang makitang chocolate sandwich ito. Kaso lang wala akong ganang kumain. Umiling nalang ako bilang sagot at ipinikit ulit ang mga mata ko. "Tsk. Don't be so hardheaded you idiot. Kainin mo na to. You look so weak." Rinig kong sabi nito. Iminulat ko ulit ang mga mata ko at tinignan ang sandwich na hawak niya. Napanguso nalang ako at inabot ang sandwich mula sakanya at sinimulang kainin ito. Umupo naman siya sa tabi ko at nakita kong naglaro ulit ng Pou. "Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sakanya. "Tapos na ako." Tipid na sagot niya kaya napatango nalang ako at tahimik na kumain. Nang maubos ko na ang sandwich ay tumingin ako sakanya. Tumigil naman siya sa paglalaro at ibinigay sa akin ang mineral water na kinuha niya pa mula sa bag na nasa tabi niya. Boy Scout lang? Hindi nalang ako umimik at tinanggap ang bottled water at ininom ito bago nagsalita. "Salamat. Wala parin bang pumupunta dito?" Tanong ko sakanya. Tumigil naman siya sa paglalaro at bored na tinignan ako. "Obvious ba?" Hindi nalang ako sumagot. I want to smack him hard in the head pero kasalanan ko naman ba't nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. My mama and papa are worried for sure. Hayst. Yumuko ako at nilaro nalang ang mga darili ko sa kamay. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng lamig kaya napayakap ako sa sarili ko. Nagulat nalang ako nang biglang inilagay ni Hechanova ang blazer ng uniform niya sa katawan ko kaya naka polo nalang siya ngayon. Ang mas ikinagulat ko ay ang paglapit nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napasiksik sa gilid. "A-anong—?" "Stop assuming. I won't do anything to you and just for your information, I'm not that kind of person. I'll just hug you to help you ease your cold." Ani Hechanova. Hindi na ako nakapalag pa nang tuluyan na niya akong niyakap. "Why are you doing this?" Mahinang tanong ko. Ingat ko ang tingin ko sakanya at sumalubong sa akin ang kulay green-gray niyang mga mata. I've never been this close to Hechanova. And I've always know that his eye color is unique and beautiful. But seeing his eyes this close, I'm completely in awe. Nakaramdam ako ng biglang bilis ng t***k nang puso ko kaya agad akong napaiwas ako ng tingin sakanya. Oh, c'mon. What's with the "thump thump" sound just now? It's giving me chills. "Im just helping." Rinig kong sagot niya. Hindi ko mapigilang mapatingin ulit sa mga mata niya. Bahagya akong nagulat. His eyes. It was as if he was trying to telling me something, but unfortunately, I can't figure what its all about. Huminga ako ng malalim at tumawa ng mahina. This is unusual. Umiwas ulit ako ng tingin sakanya. "Help, huh? So sudden. Parang kanina lang halos ako na ang maglinis dito. Are you feeling guilty now? It is not so you, Khione." Hindi ko alam kung bakit, pero kusa nalang lumabas sa bibig ko ang first name niya. Khione... I don't call him my his name, only his surname. But somehow... it felt normal to call him his first name although this is the first time. This feeling tho... it doesn't feel foreign. "Quit talking and go back to sleep." It was as if his words were a lullaby na bigla akong nakaramdam ako ng antok. Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng mga talukap ko sa mata at napapikit na ako. "I'm sorry." Kahit sobrang inaantok na ako, nakuha ko paring ikunot ang mga noo ko. What did he say? I'm too sleepy to comprehend what he just said. I wanna ask him, pero masyado na akong inaantok para itanong pa 'yon. Before darkness enveloped me, I just discovered a new feeling, and it felt warm. It makes me feel light and comfortable. As much as I hated to admit it, but I somehow feel safe around Hechanova.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD