CHAPTER 3

2166 Words
APHRODITE Naalimpungatan ako dahil sa ingay kaya iminulat ko ang mga mata ko at napatingin kung saan nanggagaling ang ingay. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at binalingan si Hechanova na nakasandal ngayon ang ulo sa balikat ko. Mahinang tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Hoy, Hechanova, gising! May nagbubukas na ng pintuan." Mahinang sabi ko sakanya. "Hmm." Tanging sagot niya lang. Kumunot ang noo niya bago unti-unting iminulat ang mga mata niya at nagkatitigan kaming dalawa. Napatitig ako sa kulay gray-green niyang mga mata na nakuha niya sa daddy niya. "Oh God! Aphrodite!" "Kiehl!" Sabay kaming napalingon ni Hechanova sa pintuan. Nandoon sina mama at papa pati narin ang mommy at daddy ni Hechanova. Agad namang lumapit si mama sa kinaroroonan ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Biglang napasinghap si mama. "Goodness! Nilalagnat ka, Aphrodite! Martin! Take Aphrodite! Nilalagnat siya!" Naghihisterikal na sigaw ni mama. I gently touch her hand and give her a small smile. Assuring her that I am fine. "I'm fine, ma. My body temperature just go up. It's nothing serious." Mahinang sabi ko. My mama look at me with her teary eyes at niyakap ako. I hug her back. In my peripheral vision. I saw Hechanova stand up and gather his things. "We're so sorry, sweety. If only I know this would happen— No, I shouldn't have agreed about this in the first place. My bad." Bakas sa tuno ni mama ang pagsisisi. Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" Takang tanong ko. Humiwalay si mama sa pagkakayakap sa akin at nagtinginan sila ni tita Kiela. Si tita Kiela ang mommy ni Hechanova. "We actually planned to lock both of you in here." Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni mama at hindi makapaniwalang tinignan siya. "You... what? Why'd you do that?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I cannot believe this! I look at my Papa's direction with questioning eyes. "I'm sorry, sweety. We only want Kiehl and you to be friends. Yesterday we saw you working together at mukha naman kayong magkasundo na dalawa, and so I and Keila think of this idea. We're so childish to think this would work." Naiiyak na sabi ni mama. "And here I thought you're worried about me. Looks like I'm the only one who's worrying here." "No! Sweety, that's not true. I was truly worried overnight, but Kiehl's with you. He's a good boy. I just didn't expect this to happen." Paliwanag ni mama. "You're so mean." Napalabi ako. Bakit ba gustong gusto nila na magkasunod kami ni Hechanova? Dati pa nila pinipilit na maging magkaibigan na kaming dalawa. May minsan pa na pinatawag ako sa restaurant para samahan kuno sa bonding time sila mama at tita Keila, pero andun din si Hechanova. O di naman kaya ay uutusan kaming dalawa bumili ng marami para sumama ang isa at hindi na makatanggi. "Sshh. It's okay. Don't cry, sweety. I'm so sorry." Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ko napansing tumulo na pala ang mga luha ko. It's always been like this kapag nilalagnat ako, I became emotional. "You should take Aphrodite home, Elianna. This is really my fault. Ako ang nakaisip nang lahat ng to." Sabi ni tita Kiela na siyang ikinailing ni mama. "Don't say that, Keila. Tayo dalawa ang pumayag na gawin ito. Sinabi ko na, hindi naman natin alam na ganito pala ang mangyayari." Sabi ni mama at tipid na nginitian si tita Keila. Ngumiti naman si tita Kiela pabalik pero kita sa mga mata nito pag-aalala. Binalingan ni mama si papa na nasa tabi ni tito Khiv. Si tito Khiv ang daddy ni Hechanova. Tumango si papa na para bang alam na agad ang ibig sabihin ni mama. Aktong lalapit na sana sa namin ni mama si papa nang biglang magsalita si Hechanova. "I'll take her." Anito na siyang ikinagulat ko. Tumango naman si papa at nauna na silang lumabas ni tito Khiv. Tumayo na rin si mama at lumapit kay tita Keila. "A-ah, mauuna narin kami ni Keila. Sumunod na kayo." Ani mama at nagmamadali silang lumabas ni tita Keila. Napakunot ang noo ko sakanilang dalawa na parang mga teenager parin na nagtutulakan palabas ng pinto. Muntikan akong mapatili nang bigla akong kinarga ni Hechanova ng pa bridal style. Automatic kong ipinululot kamay ko sa leeg niya sa takot na baka mahulog ako. "Ano ba! Magsabi ka naman. Hindi yung bigla ka nalang nanggugulat!" Saway ko sakanya. "Let's go." Sagot lang ni Hechanova at naglakad na palabas. Nakasunod lang kaming dalawa ni Hechanova kina mama at tita Kiela. Sina papa at tito Khiv naman nauuna sa amin at parang may pinag-uusapan. Maybe something to do about business again. Lihim na tinignan ko si Hechanova na nakatoun ang atensyon sa harapan. "I know I'm handsome. Don't be too obvious." Biglang salita nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Ang kapal ha! Gusto ko sanang sumagot pero baka akalain niya naman na napaka offensive ko kaya kinagat ko nalang ang ibabang labi ko at ibinaling ang pansin sa kwelyo ng polo niya. "Kapal." It's not like I'm staring at him! Anyways, whatever! "Tss." Hechanova. Nang nasa hallway na kami at kita ko ang mga school mates naming maagang dumating sa school na napapatingin sa direksyon naming dalawa ni Hechanova. They all have the same expression plastered on their faces "confusion". Napapikit ako ng mariin. It's not like I want this to happen. Quit staring! Paniguradong magiging isyu 'to. Knowing students in this school. Mahilig sila sa chismis. And for sure makakarating agad to sakanya. Oh, goodness. I don't want to meet or see her. "Can you please put me down? I can walk." I can't take it anymore. This is so embarrassing! May mga nagsisimula na kasing magbulungan. I bet someone already has taken a photo of me and Hechanova. Goodness! "I didn't know that you know how to be shy. Hindi halata." Nag-angat ako ng tingin Hechanova. Ngumisi ang loko kaya inis kong kinurot siya sa braso. "Aww!" Mahinang daing nito at sinamaan din ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin pabalik. Aba! Anong akala niya ha. Hindi ako magpapatalo 'no! "Tsk. So annoying. Just don't mind them. Hindi ka na nasanay dito sa school." That's a fact. It's not like ito ang unang beses na nangyari 'yong ganito. May ilang beses na rin na na-issue kami ni Hechanova. Kahit sa iba students dito sa school. Actually, everyday naman basta may bagong pwedeng i-chismis. Nakikiusyuso ang gustong makiusyuso. Mga Marites talaga. NAKARATING na kami sa parking lot. Pinagbuksan kami ni papa pinto sa back seat ng sasakyan namin. Hechanova then deposited me this at lumabas din agad. Sinilip ako ni papa sa loob kaya nginitian ko siya. Napailing naman si papa at sinarado na ang pinto ng kotse at binalingan si Hechanova. The windows are heavily tinted kaya hindi nila ako makikita sa loob, pero ako nakikita ko sila mula sa loob ng kotse ni papa "Salamat, Kiehl." Pagpapasalamat ni papa kay Hechanova at tinapik ito sa balikat. Nakabukas ng konti ang pinto ng kotse kaya kahit papaano ay naririnig ko ang usapan nila. Tumango lang naman si Hechanova bilang sagot at tumingin sa direksyon ko na para bang nakikita niya ako sa loob. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang kahit hindi naman niya ako nakita. Narinig kong nagpaalam na si Hechanova kay papa. Maya pa ay pumasok na sina mama at papa sa kotse. "Fasten your seatbelts sweethearts." Paalala ni papa sa amin ni mama. Nang makapag seatbelt na kami ni mama ay saka pa pinasibad ni papa ang kotse paalis ng school. Napatingin ako sa blazer na nasa balikat ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang blazer ni Hechanova. Agad na napatingin sa likuran pero natigilan ako at umayos nalang ng upo. "What's wrong, sweety?" Napaangat ako ng tingin sa unahan at umiling kay mama na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Nothing, Ma. I'm just tired, I guess." Sagot ko at tipid na ngumiti kay mama. Binalingan ko ulit sa blazer ni Hechanova. Lahat kami sa school may blazer sa uniform. May name plate rin na nakalagay sa may kaliwang bahagi ng blazer. Napakunot ang noo ko. So weird. His scent is quit familiar. FAST FORWARD "How's she, Doc. Choi?" Agad na tanonge ni mama matapos akong i-check ng family doctor namin. Napalabi ako. Kanina pa si mama hindi mapakali. I bet nalilito na rin si Doc. Choi sa kung sino ba ang uunahin niya. Ako ba na pasyente niya, o si mama na maraming tinatanong. Hayst. "Your daughter needs enough rest, Mrs. Scottish. She's stressed out that caused her fever. I'll be giving you medications that can help her body temperature go down. She'll get better soon after." Doc. Choi Agad na tumango si mama. "Yes, please do. Thank you." Ani mama. Tumango lang si Doc. Choi at si papa na ang kinausap. Lumabas silang dalawa. Si mama naman nanatili sa kwarto ko at kumuha ng tubig para ipainom sa akin. "Aphrodite?" "Ah? Huh? Po, Ma?" Nakita kong bumakas sa mukha ni mama ang pag-aalala. Napa mentally face palm nalang ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala nagsasalita si mama. "May iba ka pa bang nararamdaman? May masakit ba sa'yo? Kanina pa ako nagtatanong kung anong gusto mong kainin for lunch pero parang lutang ka ata, sweety?" Nag-aalalang tanong ni mama. Inilapit ni mama ang noo niya sa noo ko para i-check ang body temperature ko. I smiled. Although mali 'yong ginawa nila ni tita Keila, I know my mama knows the best for me. Hindi niya ako hahayaang mapahamak. "Kung tungkol ito sa ginawa namin pasensy—" "Ma, ok lang po. Hindi naman po yun tungkol doon. May iniisip lang po ako kaya please, 'wag niyo na po isipin 'yong nangyari. I'm okay." Pagputol ko sa salita ni mama. Hinawakan ko ang mga kamay ni mama na nakawak parin sa mga pisngi ko at pinisil ito. I smiled para mawala na ang pag-aalala ni mama. I want to assure her that I'm okay. I don't want her to worry much about what happened. Wala na 'yon sa akin. Lagi naman na nilang gawain ni tita Keila ang gawin ang lahat ng paraan para lang magkasundo kami ni Hechanova. I only think today's idea was so mean, because I thought they didn't know where are our whereabouts. "Kung ganun, dahil ba kay Kiehl? Siya ba ang dahilan?" Napatigil ako dahil sa naging tanong ni mama. Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko kay mama. Because it's true. Si Kiehl nga ang dahilan. I don't know why, pero lagi kong naiisip yung nangyari. Tumawa si mama ng mahina at hinalikan ako sa noo. "Naku naman ang baby ko, nagdadalaga na. May crush ka kay Kiehl ano?" Natatawang tanong ni mama. Nanlaki ang mga ko. "Ma! Kadiri po. Kahit siya pa ang nag-iisang lalaki na maiiwan sa buong mundo, hindi ako magkakagusto sakanya!" Nakasimangot na sabi ko kay mama. Tumango tango naman si mama pero kita naman sa mga ngiti niya na hindi siya naniniwala. Feeling ko tuloy mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Aish. "O, siya, sige. If my baby says so. Anyways, biglaan mo lang din naman 'yon mararamdaman. Hindi mo masasabi kung bakit o kung ano ang dahilan, basta biglaan nalang. Pero minsan kailangang iwasan dahil iyon ang nararapat." "I will always by your side, sweety. You can always talk to me about your worries, okay?" Ani mama hinalikan ako sa noo. "O, siya. Magpahinga ka na. Call me if you need anything, okay? I will comeback later with your lunch para makainom ka na ng gamot mo." Mama Napatango nalang ako bilang sagot kay at humiga na ulit ng maayos. Inayos din ni mama ang kumot ko at lumabas na ng room ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at biglang rumagasa sa isip ko ang mga sinabi ni mama. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni mama kanina. Gusto ko pa sanang itanong kung anong ibig niyang sabihin, but I choose not to. I've got this feeling na hindi ko maintindihan. Maya-maya ay iminulat ko ang mga mata ko at napahawak sa dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko na sobrang lakas ng t***k simula pa kanina. Bakit ganito? Para akong kinakabahan, na hindi mapakali, na ewan. Ngayon ko lang 'to naramdaman kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. It's confusing. Napatitig ako sa kisame at napabuntong hininga nalang. Napailing iling ako at tinapik-tapik ang magkabilang pisngi ko. 'Tama na ang kakaisip nang kung ano-ano, Aphrodite. Matulog ka nalang.' Kausap ko sa sarili ko. Baka dala lang siguro ito ng lagnat ko kaya ganito. Anyways, I don't want to stress myself kakaisip. Matutulog nalang ako para makapagpahinga at makapasok na bukas. It's only my second day of school for rainbows sake! Pero heto nilagnat na ako. Plano ko pa naman sana no absentses ako this school year. Aish!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD