CHAPTER 4

1864 Words
APHRODITE "Geez. Inaantok pa ako." Nakasimangot na sabi ko habang papikit-pikit na mukhang zombie na naglalakad dito sa hallway. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Well, nakatulog naman ako pero maya-maya niyan magigising ulit ako tapos aabot pa ng ilang minuto bago ako matulog ulit. Kaya ang kinalabasan ito, mukha akong sabog. Jusko naman kasi yung nakakainis na Hechanova na yu– "Aray!" Daing ko at napahawak sa ulo ko. "Oppss. Sorry miss. Are you ok?" Nag-angat ako ng tingin at napakunot ang noo ko. Is he new? Ngayon ko lang siya nakita dito sa campus. Mukhang transferee yata siya dito. "It's okay. Okay lang ako." Sagot ko rito na nakahawak sa ulo kong nasaktan. "Let me see." Anito at hinawakan din ang ulo kong natamaan. Nagulat ako sa ginawa niya at napatitig sa mukha niyang malapit sa akin. Hindi ko napansin kanina, pero ngayong natitigan ko ang mukha niya, guwapo pala. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang matamaan ka ng bola. Uhm wala ka namang bukol sa ulo, but come on, I'll take you to the clinic just make sure na ok ka lang talaga." Anito at inalalayan akong maglakad. Napaarko pataas ang kilay ko. "Can you walk?" Tanong nito. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa naging tanong nito. "Obviously, I can. Natamaan lang ako ng bola, hindi napilayan." Kita kong natulala siya sa akin kaya nagtaka ako. 'Hala siya.' Akmang ikakaway ko na sana ang kamay ko sa harapan niya para kunin sana ang atensyon niya nang bigla itong tumawa ng malakas. Napalingon sa gawi namin ang mga studyanteng nasa malapit lang sa amin dahil sa lakas ng tawa nito. Nakawak pa ang kamay sa tiyan at nagpupunas ng luha sa mata. 'Mukha ba akong clown? Tawang-tawa yan?' Pagtataray ko sa isipan ko. Kinunutan ko siya ng noo. Unti unti namang humina ang mga tawa pagkatapos ay tumikhim. "Right. I'm sorry for asking that stupid question. Shall we go?" Natatawang sabi nito at napailing. "Nah, it's okay." Sabi ko at kiming nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik. Kinuha niya ang bola na nasa gilid ko lang tapos ay nagsimula na kaming maglakad papuntang clinic. Napatingin ako sa gawi niya. Kasalukuyan niyang pinapaikot at bola sa hintuturo niya. Marunong din pala siya niyan? Si Hechanova palang ang nakikita kong nagpapaikot ng bola sa hintuturo niya– Agad akong napailing nang mapagtanto ang iniisip. No, no, no. Not Hechanova, again. "Saan mo natutunan yan?" Tanong ko habang nakatingin sa school shoes ko, pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya kaya nag-angat ako ng tingin dito. "Hey." Tawag pansin ko sakanya. Napahinto naman siya sa ginagawa niyang patuloy na pagpapaikot ng bola sa hintuturo niya at nilingon ako. "Uh? Yeah?" "I was asking you. But it looks like hindi mo narinig ang sinabi ko." Ako. "Oh. I actually heard you. Nakatingin ka kasi sa baba so I thought hindi ako yung tinatanong mo." Aniya. Lihim akong napangiwi. Oo nga naman. Hindi ko mapigilang mapalabi dahil sa hiya and I heard him chuckled. "You were asking me kung paano ako natuto nito?" Tanong niya at pinaikot ulit yung bola sa hintuturo niya sandali. Tumango naman ako bilang sagot. "My best friend thought me." Aniya at ngumiti. Tumango naman ako at ngumiti pabalik. "I see. Anyway, are you new here? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa campus." Ako. "Yes. Actually no'ng Monday lang ako dito, pero hindi pa ako nakakapasok sa isa sa mga class ko. Nagto-tour pa kasi ako sa boung campus. Ngayon palang ako papasok." Sagot niya. Napaarko pataas ang kilay ko. Wednesday na ngayon, so it means two days siyang nagtour dito sa campus? "Tour for two days? Tagal naman yata nun?" Tanong ko. "Yup! Sa first day hindi natapos ang tour sa campus. I applied to the basketball team so kahapon lang natuloy." Nakangiting sagot niya. Napansin kong palangiti ang isang ito. "Did you pass?" Tanong ko. "Of course!" Proud na sagot niya. "Congrats!" Bati ko. Ngumisi naman ito, "thanks." "What's your name by the way?" Ako. "I'm Cyan, Cyan Haelton at your service." Sagot niya at kumindat. Natawa naman ako at napailing. "Nice name. I'm– " "You're Aphrodite Scottish." Nakangiting sabat nito. Tinignan ko siya ng nakakunot noo. "Kilala mo ako?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Of course I do. Well, who wouldn't? Everyone here in the campus knows you. Ikaw lang naman daw ang parating nakakaaway ni Kiel. And by the way, I saw you and Kiel pagkapasok ko palang ng campus no'ng Monday. It's first day of school and you guys are shouting at each other." He said and chuckled. Napangiwi naman ako at napatango. Goodness. Nakakahiya. Nakita niya pala kami ni Kiel nagsisigawan noong Monday. "We're here." Napatingin ako sa kung saan siya tumigil. Nakarating na pala kami dito sa clinic. Pinagbuksan ako ni Cyan ng pinto at ngumiti. "After you." Anito at kinindatan ako na siyang ikinatawa ko. Maloko rin pala ang isang ito. Nakangiti akong pumasok sa loob pero agad ding nawala ng makita ko si Hechanova na naka upo sa clinic bed habang inaasikaso ng nurse ang kamao niya. Napakunot ang noo ko. Anyare sakanya? Sabay na napatingin si Hechanova at ang nurse sa gawi ko ng maisarado na ni Cyan ang pinto. Naglakad si Cyan papunta kay Hechanova at nag bro hug ang dalawa. Kinunutan ko naman ng noo si Hechanova ng mapansing sa'kin nakatuon ang masamang titig nito. Sa inis, umakto ako tutusukin ang mata niya. Napaawang ang ang labi ko ng umirap ito sa akin. Abah! Bakla yarn? "Dude, what happened?" Tanong ni Cyan. Hechanova just shrugged his shoulders. Nasakin parin ang nakatuon ang mga mata niya na ngayon ay blanko na. "May sakit ba ang isa sainyo?" Salita ng nurse. "Ah! Yes po, Mrs. Mendez. I almost forgot. Natamaan ko po ng bola sa ulo itong kasama ko. Please check if she's okay." Cyan. Tumango ang nurse at nakangiting igiya iginaya ako sa katabing bed ni Hechanova. "Anong nararamdaman mo, iha? Do you feel dizzy? Do you feel pain in your head?" Tanong ng nurse sa akin na mukhang nasa mid 30's na. So she is called Mrs. Mendez. This is the first time na nagpunta ako dito sa clinic so I didn't know her name. Napanguso ako. Ngayong naitanong ni Mrs. Mendez, biglang naramdaman ko ulit ang pagsakit ng ulo ko. "Masakit po dito sa part na natamaan ng bola pero hindi naman po ako nahihilo." Sagot ko. Tumango si Mrs. Mendez at inutusan si Cyan na kumuha ng ice cubes sa ref dito sa loob ng clinic. Inilagay ni Mrs. Mendez ang ice cubes sa isang medium-sized towel bago ibinigay sa akin. "Ito, iha. Ilagay mo diyan sa ulo mo para hindi ka magkabukol." Ani Mrs. Mendez. "Salamat po." Nakangiting sabi ko at sinunod ang sinabi ni Mrs. Mendez "Cyan, wala ka bang pasok?" Tanong ni Mrs. Mendez kay Cyan. "Meron po, Mrs. Mendez." Sagot naman ni Cyan at nilaro ang bola sa kamay niya. "Oh, ba't nandito ka pa? Naku, first day mo pa naman ngayon. Pumasok ka na. Ako na ang bahala dito. I-excuse mo nalang din itong sina Kiehl at Ms.?" Binalingan ako ni Mrs. Mendez. "Aphrodite po." Magalang na sabi ko. Nginitian ako ni Mrs. Mendez at tumango bago ibinalik ulit ang tingin kay Cyan. "At si Aphrodite. Siguro naman alam mo na kung saan ang classroom nilang dalawa?" Mrs. Mendez. "Yup! Magka-klase lang naman yang dalawang. Mauna na po ako." Sagot ni Cyan. "O, siya, sige na lumabas ka na at baka ma-late ka pa." Natatawang sabi ni Mrs. Mendez at mahinang tinutulak si Cyan palabas ng clinic. "See you again Aphrodite." Pahabol pa ni Cyan. Natatawang kumaway ako sakanya bago pa siya makalabas nang tuluyan. "O, Kiehl, saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Hechanova. Diretso lang siyang naglakad palabas ng hindi man lang sinasagot ang tanong ni Mrs. Mendez sakanya. Nakita kong napailing nalang si Mrs. Mendez. "Kahit kailan talaga 'yong batang 'yon." Iiling-iling na sabi ni Mrs. Mendez. "Kilala mo po silang dalawa Mrs. Mendez?" Tanong ko. Binalingan ako ni Mrs. Mendez at tumango. "Oo, iha. Iyong si Hechanova suki ko na dito sa clinic habang si Cyan naman nakilala ko lang no'ng Monday ng magpunta ang dalawa dito sa clinic matapos ang trial sa basketball team. Ang sabi magkaibigan silang dalawa." Kwento ni Mrs. Mendez. Napatango naman ako at hindi na nagsalita pa kahit na gusto ko sanang itanong kung bakit naging suki niya si Hechanova dito sa clinic. Akala ko kanina magkakilala lang sina Hechanova at Cyan. Magkaibigan pala dalawa. "O, siya, doon lang ako sa desk ko, iha. Tawagin mo nalang ako kapag natunaw na lahat ang ice cubes. Kung masakit parin ang ulo po, ipagpahinga mo muna bago ka pumasok sa next subject mo." Ani Mrs. Mendez. "Sige po." Sagot ko. Nginitian pa ako ni Mrs. Mendez bago pumunta sa desk niya. Inilabas ang phone ko. Mas mabuting mag f*******: nalang muna ako para hindi ako ma bored. 305 new friend requests, 109 notifications, 20 messages. Nagpunta ako sa messenger at tinignan ang messages. Nangunguna sa messages si Athena. Napakunot ang noo ko ng makitang online pa ito. Kanina pa nagstart ang class ah. Tinignan ang 4 messages niya at binasa ito. — Athena Stevenson Best! Where na you? Here na me. Mag-ol ka sana dito best. Wala kasi akong load kaya dito nalang kita minessage hehe. Hoy babaeta! Nasaan ka na ba? Magsisimula na ang klase oh. Nagpunta dito si Cyan. Ni-excuse kayong dalawa ni Kiehl dahil nasa clinic daw kayong dalawa. Ano na, best? Hindi na ba kinaya hanggang sigawan lang? WAHAHAHA. — Napaarko pataas ang kilay ko. Kilala niya si Cyan? Oh. Why am I even asking that? Malamang oo. Magkaibigan sina Hechanova at Cyan tapos magpinsan sina Hechanova at Athena, so malamang kilala ni Athena si Cyan. Nagkibit balikat nalang ako at napabuntong hininga. Mapa personal, o thru messages man talagang madaldal itong si Athena. Napailing nalang ako at nagtype nang reply sakanya. — Aphrodite Mist Scottish Talk to you later. Athena Stevenson Goodness! Buti naman at nag ol ka! O, siya, magkwento ka mamayang lunch time best ah? Lahat lahat, okay?! Sige bye na may sinasabi pa si Sir. Lovelots! Mwah! Aphrodite Mist Scottish Ok, bye. — Matapos ang ilang minutong pag scroll sa news feed and panood ng reels, nag log out na ako sa f*******: pagkatapos ay tinanggal na ang towel sa ulo ko. Nararandaman ko na kasi na parang nagtutubig na ito. "Mrs. Mendez? Tunaw na po." Tawag pansin ko kay Mrs. Mendez at pinakita ang towel na may tumutulong tubig. "Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong ni Mrs. Mendez. "Hindi na po." Sagot ko. "O, siya ilagay mo nalang siya sa table sa gilid mo pagkatapos ay pwede ka ng pumasok sa next subject mo." Ani Mrs. Mendez. Sinunod ko naman ang sinabi ni Mrs. Mendez at nagpaalam sakanya na lalabas na. Tumango naman si Mrs. Mendez at nginitian ako. Pagkalabas ko ay bumuga muna ako ng hangin bago naglakad papunta sa susunod na klase ko. Ihahanda ko na ang sarili ko dahil paniguradong mataas ang pag-uusapan namin ni Athena. Knowing her, marami itong itatanong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD