ATHENA
"Sweety?" Nilingon ko si mommy na kakapasok lang ng bahay. Galing pa siya sa garden niya which is her daily routine. She's a 'plantita'.
Nasa sala ako ngayon at kasalukuyang nanonood ng anime. Kanina lang ako nakauwi mula sa mall.
"Bakit po mommy?" Tanong ko.
Ngumiti si mommy bago gumilid at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Kiehl. Iritadong napairap ako.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa. Mag-usap kayong dalawa, okay? Ayusin niyo na kung ano mang problema niyong dalawa." Sabi ni mommy at mahinang tinapik pa sa balikat ni Kiehl pagtapos umalis na.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko sakanya at binaling ulit ang atensyon sa pinapanood.
Parang kanina lang sinigawan niya ako sa cafeteria tapos ngayon papunta-punta pa siya dito. Ang kapal talaga ng mukha. Hmp!
Naramdaman ko ang pag upo ni Kiehl sa tabi ko. Napaismid ako at hindi siya nilingon.
"I didn't mean to shout at you." Rinig kong sabi nito. Napairap ako.
"You didn't mean to shout at me, but you did. You even didn't let Aphrodite finish her words! You're so mean. You're too concerned and focused with Artemis. Hindi mo alam kung anong ginawa ng mga kaibigan niya sa amin ni Aphrodite " Mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya. Narinig ko ang pagbuntong hindi niya. In my peripheral vision I saw him pinch his nose. What now? I thought he's sorry? Bakit problemado siya ngayon?
"Look, Athena. I am truly sorry. I was very worried. Artemis is afraid of blood. Nagpapanic attack siya kapag nakakakita nang dugo. You wouldn't expect me to just stare at her while she's in that condition, right?"
"And about, Aphrodite, let's not talk about her."
Agad akong napalingon kay Kiehl at sinamaan siya ng tingin.
"What? Why not? You should be sorry with Aphrodite too! I bet she was offended when you cutt her off while still talking! She was just trying to explain but you won't hear her out! If only you hear us out kanina hindi ka sana nandito!" Galit na sigaw ko. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko at ibinato ang throw pillow na hawak ko. Hindi niya naman iniwasan iyon.
Now he's sorry? Kainis!
Bumuntong hiningi si Kiehl na para bang sobrang laki ng problema.
"I'm sorry, okay? It's just that... can we not talk about Aphrodite right now? C'mon cous, forgive me just this once." Anito na parang ang laki ng problemang dinadala.
Inis na umupo ako sa pang-isahang upuan. Nag cross arms lang ako at itinoon lang ang tingin sa tv.
"Athena." Tawag ni Kielh sa pangalan ko. Alam kong naiinis narin siya pero hindi ako nagpatalo. Nagpanggap akong hindi siya narinig. Manigas siya diyan.
Narinig kong napabuga siya ng hangin kaya lihim ako napangisi. Kaming dalawa lang ni Kiehl ang close na magpinsan sa mother side tapos si tito Khiv only child pa.
Simula mga bata ay lagi kaming magkasama. Halos hindi na nga raw mapaghiwalay sabi nga nila mama. Paano ba naman, ako lang kasi ang nakakatiis sa pabago-bagong ugali ni Kiehl aming magpinsan.
Kasundo ko parin naman ang ibang pinsan ko pero hindi gaya ng closeness namin ni Kiehl. I know almost all of his secrets kaya I'm confident na hindi niya ako matitiis.
"Fine. I give up. Anong pwede kong gawin para mapatawad mo na ako? I'll do anything." Muntik na akong mapapalakpak sa tuwa ng marinig kung gaano ka desperado si Kiehl na magpabati na kami. Pero dahil magaling ako sa ganito, I manage to maintain my posture.
Tumikhim ako at nakataas ang kilay na nilingon siya. Syempre magtataray ako para hindi na siya maka hindi na gusto kong ipagawa niya. I'll leave him no choice but to just agree with me since he badly wants my forgiveness.
Unti-unting pumaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi na kanina ko pa pinipigilan at agad siyang nilingon.
"Talaga? You'll do anything? You can't back out na!" I said grinning. Kita ko namang napalunok siya at mukhang napipilitan pang tumango.
"Ah... y-yeah, of course! I meant it when I said I'll do anything." Muntik na akong mapapalakpak ng malakas ng makita ang di mapalagay niyang ayos. I bet nagsisisi na siyang sinabi niya pa iyon sa akin.
I grinned, "eh, bakit mukhang hindi ka malapagay diyan? Are you planning to make excuses para hindi mo magawa what I want you to do?" Pinaningkitan ko ng mata si Kiehl. Gosh! I can't believe magaling pala ako sa ganito. Well, if I want to make sure Kiehl won't back out, kailangan kong galingan umarte. Because if Kiehl sees I'm using his situation to with him he would surely back out.
"What? No! Ano ba kasi yan?" Nakakunot noong Tanong nito.
That's it!
Hindi ko na napigilan ang sarili at napahalaklak ng malakas. Oh god. He's so bad at lying!
"Athena." May pagbabantang tawag nito sa pangalan. I immediately stopped laughing. Tumiktim ako at kalmadong tinignan siya.
"Promise me first na gagawin mo ang ipapagawa ko." Ako.
Napabuga naman si Kiehl ng hangin at itinaas ang kanang kamay.
"I promise." Ani Kiehl at inirapan ako.
Agad naman ako napapalakpak at dinamba siya ng niyakap niya. I heard him chuckled and hugged me back then ruffled my hair.
"Pasalamat ka hindi kita kayang matiis kahit topakin ka."
Napangisi ako. I can get and do whatever I want. If he doesn't want to talk about Aphrodite then I'll make him talk to her personally!
I know hindi dapat ako nakikialam, but I want to and no one can stop me. Anyways, if this still doesn't work then I'll just give up.
Gusto ko lang kumpirmahin ang hinala ko. Kiehl might not notice this, but I do. There are times I saw him looking at Aphrodite with sparkles in his eyes! I know what I saw. Ganun tumingin si mom kay dad.
I don't want to ruin her relationship with Artemis, okay. Pero I can't just ignore my suspicions! He does really really care for Artemis. I know that. He's super sweet with her and he treat her with respect but! He doesn't look at Artemis the way he look at Aphrodite. That's why I want some confirmation.
SOMEONE
Napatigil ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin sa kung sino mang bigla nalang pumasok sa room na tinatambayan ko.
"Damn it. Tell me again why did I agree to be part of this plan." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Because you don't have a choice! Do you?" Pagtataray ko sakanya. Napailing lang siya at kumaha ng beer in can sa mini fridge.
Napairap ako. As if he have a choice.
"What's the plan? How can we make them admit it?" Tanong niya. Napairap ako. Nakakainis talaga. Kung kailan busy ako dito sa'ka naman siya magpapakita.
"Make them jealous! As simple as that. Jealousy can make you admit your feelings you know. They wouldn't get jealous if they don't have feelings for each other, right?" Sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabasa nang 'Eleanor and Park'. An English novel written by Rainbow Rowell.
"Yeah, right." He said and huffs.
"How about the other girl?" Tanong niya ulit.
"Leave her to me." Sagot ko. Hindi na nag-abalang mag-angat ng tingin uli sakanya. Kailangan ko magfocus sa pagbabasa for me to be able to understand the story.
Sandali pa siyang nanatili dito. Inubos ang beer in can pagkatapos ay nagpaalam na na aalis. Napailing ako. Pinagbawalan na siyang uminom pero ang tigas talaga ng ulo. He's so confident to drink in front of me because he believes I won't tell anyone.
Tinigilan ko ang pagbabasa at napasandal sa single sofa na inuupuan.
"Dinamay pa kasi kami sa plano ng babaeng 'yon." Napailing ako.
APHRODITE
Break time na at papunta ako ngayon sa garden. Napag-usapan kasi namin ni Athena na magkita doon. Hindi kami pareho ng section ni Athena kaya tuwing break time at lunch lang kami nagkikita.
Pagkarating ko sa garden imbes na si Athena ang makita ko ay isang lalaki na nakaupo sa isang bench na nakatalikod sa gawi ko at nakaharap sa nag-iisang fountain dito sa campus. Dahan-dahan akong lumapit dito at mahina siyang tinapik sa balikat.
"Uhm hi? Itatanong ko lang sana kung may nakita kang babae dito?" Tanong ko dito at ngumiti. Lumingon naman ito sa akin. Agad na nawala ang ngiti ko at tila napasong lumayo sakanya.
"Hechanova." Gulat na tawag ko sakanya.
Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo at hinarap ako.
Napakunot ang noo ko. Nasaan si Athena? Anong ginagawa niya dito? Kanina nagmamadali siyang umalis nang room. Nauna pa nga siyang sumibat kesa sa mga kaklase naming laging binabantayan ang oras.
"Scottish."
Mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niyang medium size Pikachu stuff toy.
Napatingin din ako sa bench kung saan may Crinkles na nakasilid sa isang plastic box at isang Cheese cake na nakasilid sa isang box galing sa isang sikat na pastry shop.
'Oh my gosh!' I mentally slapped my forehead. Loka-lokang, Athena! Bakit hindi man lang nagsabi si Athena na iba na pala ang meeting place namin? Mukhang may date pa ata sina Hechanova at Artemis.
Nakaramdam ako ng pagkahiya. I was doing my best para iwasan siya pero heto ako ngayon nasa harapan niya. Gosh, Athena! Malalagot talaga sa'kin ang babaeng 'yon.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Hechanova. "Uhm... I'm sorry mukhang nakaistorbo ako. But.. uh... by any chance, have you seen Athena?" Sabi ko at lumingon-lingon sa paligid. Pilit na iniiwasang magkasalubong ang aming mga mata.
"Scottish." Tawag ulit ni Hechanova sa apelyido ko kaya napalingon ako sakanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Walang Athena. Ako ang nagpapunta sayo dito. Ginamit ko lang ang phone ni Athena to send you a message." Ani Hechanova. Napakunot ang noo ko.
"Bakit?" Takang tanong ko. Itinaas niya naman ang hawak na Pikachu stuff toy at lumingon sa mga pagkaing nasa bench tapos ay hinarap ulit ako.
"Well, uh... peace offering?" Patanong na sagot nito.
Lihim akong napatawa makita ang tila hindi siguradong mukha nito.
He's cute.
Agad akong natigilan nang mapagtanto ang nasabi isipan. Napailing ako. Goodness. No! Kadiri naman!
"Why? Hindi mo ba nagustuhan to? Sabi ni–"
"No. Actually, I appreciate it. Thank you." Agad na sagot ko at tipid siyang nginitian. Kahit nakakainis si Hechanova, I know how to appreciate efforts naman.
Nakita kong napahawak siya sa batok niya at iniabot sa akin ang Pikachu na stuff toy. Tinanggap ko naman ito at niyakap.
'Ang lambot.' Nasabi ko sa isipan.
I look at Hechanova. He looks uncomfortable and shy? It's obviously because lagi kaming nag-aaway and this is the very first time na may pa-peace offering siyang nalalaman.
Nang mapagtanto ang nangyayari, lihim akong napabuntong hininga ako. I bet Athena's behind this. I know better. As if naman maiisipang gawin to ni Hechanova. Anyway, at least he made an effort.
"So.. uh... shall we take a sit?" Ani Hechanova.
"Sure." Sabi ko at naglakad papunta sa bench at naupo sa pinakakilid sa kanang bahagi ng bench habang si Hechanova naman naupo sa kaliwang bahagi ng bench. Yung Crinkles at Cheese ang nasa pagitan naming dalawa. Bigla tuloy akong nagutom. These are my favorites.
Ilang sandali pa ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pumikit nalang ako at nilanghap ang dinamdam ang hanging dumadampi sa balat ko at ang paghampas nito sa buhok ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. The fresh air feels good. The sound to the trees swaying. The green and colorful flowers and plants in the garden feels nice. Nakaka relax.
Iminulat ko ulit ang mga mata ko at nakangiting binalingan si Hechanova. Agad ring nawala ang mga ngiti ko ng makita ko itong nakatitig sa akin. I pressed my lips at agad na umiwas ng tingin sakanya.
"So... Uh, I..." Napalingon ako sa gawi ni Hechanova ng hindi niya tinapos ang sasabihin nito.
"You what?" Mahinang tanong ko at lakas loob na sinalubong ang mga mata nito.
Bumuka ang mga bibig ni Hechanova pero walang lumabas na tinig mula dito. Napabuntong hingi ito at iiling-iling na pinagsaklop ang mga sa kamay tapos ay tumingin sa unahan.
"Nevermind. I forgot what I suppose to say. Just don't mind it." Sabi nito. Dahan-dahan naman akong tumango.
"I see. Uhm mauuna na ako sayo, Hechanova. I need to go. Malapit ng matapos ang break time." Sabi ko at tumayo na yakap-yakap ang Pikachu stuff toy na ibinigay niya.
"Wait! Here. This is also for you." May kinuhang kulay purple na paper bag si Hechanova sa ilalim ng bench. Agad niya ipinasok sa loob ang Crinkles at Cheese cake pagkatapos ay iniabot sa akin.
Tinanggap ko naman ito. "salamat dito, ah? I really appreciate this. Mauna na ako." I genuinely said.
I notice na parang may gusto pa siyang sabihin pero tikom ang bibig nito kaya tumalikod at nagsimulang maglakad paalis.
"I'm sorry." Napahinto ako sa paglalakad at nakangiting nilingon siya. I thought hindi niya na sasabihin ang mga salitang iyan. I mean, wouldn't it be nice if marinig ko mismo sa bibig niya ang salitang iyon if he's here for 'peace offering'?
"Forgiven." Tipid na sagot ko at tuluyan nang naglakad paalis doon.
Habang naglalakad ay biglang ako napahawak sa dibdib ko banda kung nasaan ang puso ko at napapikit. Nagsisimula na naman itong tumibok ng mabilis at malakas. Maybe because of the quiz later? I didn't get the highest score last quiz so I am nervous I might missed up again.
"Tama. Iyon nga ang dahilan and nothing else. Nakapag study naman kagabi kaya worry no more!" Kausap ko sa sarili ko. Pilit na winawaglit sa isipan ang nararamdaman.