THIRD PERSON
2 months have passed. Sa dalawang buwan na nagdaan ay maraming nangyari sa buhay nila.
Dahil hindi na mapaghiwalay ang magkaibigang Aphrodite, Athena, at Eris ay napagpasyahan nalamang ng kambal na sina Eris at Eros na manatili sa Pilipinas at ipagpatuloy ang pag-aaral sa kaparehong paaralan kung saan nag-aaral sina Aphrodite at Athena, ang J. Strunthon National School.
Hindi na matandaan nina Aphrodite, Athena, at Eris kung paano at kung kailan nagsimulang makihalubilo sina Cyan, Kiehl at Eros sakanila. Except Kiehl na sobrang tahimik kapag kasama nila. Nagsasalita lang kapag sasagot ng mga tanong sakanya. Madalas ring hindi nila kasama dahil may girlfriend nga ang tao. Basta isang araw ay hindi na nila namalayang lagi na silang nagkakasama tuwing lunch time sa campus. Not literally na same table sila kumakain, magkasabay lang sila lagi. Nasa kanyang table sina Kiehl na katabi lang sa table nina Aphrodite. Minsan nakikisali sina Kiehl sa usapan nila, minsan sila Aphrodite naman ang nakikisali sakanila.
Hindi naman ito ginawang big deal nina Aphrodite, ayon pa nga kay Athena 'The more, the merrier'. Ang kaso nga lang ay mukhang nagagaya narin yata sakanilang dalawa ni Hechanova ang apat. Sa tuwing nagsasama-sama na sila hindi mawawala na may magsisigawan, magbabangayan, at mag-aasaran. Habang naging madalang nalang ang asaran at pagbabangayan nina Aphrodite at Kiehl. Mukhang naging effective ang 'peace offering' ni Hechanova dahil hindi na siya gaanong sinusungitan ni Aphrodite. Laking pasasalamat naman ni Mr. Principal ang tungkol dito dahil sa wakas ay wala siyang naririnig na problema sa dalawa sa nagdaang dalawang buwan.
Sina Athena at Eros parang aso't pusa. Walang gustong magpatalo sakanilang dalawa. Dumagdag pa sina Cyan at Eris na ganun rin kaya palaging nasa center of attraction tuloy sila. Buti nga lang at hindi sila napapatawag sa principal's office. Paano ba naman malalaman ni Mr. Principal ang tungkol dito eh sa tuwing may nagbabalak magsumbong, bina-blackmail kaagad nina Eros at Cyan.
Kung nagiging maayos na ang pagtrato nina Aphrodite at Kiehl sa isa't-isa, taliwas naman ito sa takbo ng relasyon nina Kiehl at Artemis na may nakakitang palihim na nagsasagutan ang dalawa sa loob ng campus. Sa tuwing may nagtatanong sa dalawa tungkol dito ay lagi nilang sinasagot ang salitang 'Privacy'
Ang haka-haka ng iba, baka raw may iba na si Kiehl. Ito Lang ang alam nilang posibleng dahilan dahil ni minsan hindi pa nakikitang nagkakasagutan ang dalawa. May nakarinig din umano sa dalawa na may binaggit na 'Deal' at 'You can't like her' kaya mas lalong umugong ang chismis sa buong campus na baka nga may third party. Gayunpaman, tikom ang bibig nina Kiehl at Artemis tungkol dito. Parati paring nakikita ang dalawang magkasama at walang senyales na maghihiwalay.
APHRODITE
Nakasimangot kong dinala ang dalawang kamay sa magkabilang tenga ko at napairap. Shocks! Ang ingay naman! Wala ba talaga silang balak na tumahimik? Ayaw ko pang ma banned sa pagpasok dito dahil sakanila. Goodness!
Napabuga ako ng hangin at marahas na nilingon sa apat na maiingay sa likuran ko. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng school ngayon. Simula pa kaninang pagkalabas ng room hanggang sa ngayung kakain na kami di parin sila tumitigil.
Napagpasyahan kong pumuwesto nalang kami sa malaking table na nasa gilid ng glass wall para masigurong hindi kami center of attraction dahil sa sobrang ingay, pero wala, eh. Kahit nasa gilid na kami halos lahat ng nandito sa loob ng cafeteria nakatingin sa amin. Susko naman!
Nang makaupo na ang lahat ininum ko kaagad ang Mugo-mugo na binili at walang ganang tinignan sila.
"Unggoy!"
"Baboy!"
"Kingkong!"
"Kangkong!"
"Shukoy!"
"Shakoy!"
"Tikbalang!"
"Tsanak!"
"Bakla!"
"Tomboy!"
"Enough!" Inis na sigaw ko at tinignan sila ng masama. Pareho naman silang huminto at niyuko pagkain na para bang walang nangyari ngunit hindi parin nakaligtas sa akin ang pilihim na masamang tingin na binabato nila sa isa't-isa. Napailing nalang ako.
Lahat kami ay napatingin sa mga speaker na nakakabit sa bawat sulok ng cafeteria ng biglang may boses na nagsalita doon.
"Attention to all students of J. Strunthon. Kindly proceed to the gymnasium for an important anouncement. Thank you and good afternoon." Sa boses palang alam ko ng si Mr. Principal ang nagsalita.
Nag-umpisang umingay dito sa loob ng cafeteria. Excited ang karamihan sa announcement na sinabi ni Mr. Principal. Marami ring umangal dahil hindi pa tapos ang lunch break at may iba pang hindi pa nakakakain pero no choice dahil si Mr. Principal ang nagpatawag.
Thankfully, habang papunta ng gym tahimik lang ang apat. Parehong may sariling topic na pinag-uusapan.
Nang makapasok sa loob ng gymnasium ay agad kaming naghanap ng mauupuan. Nakatayo sa may entablado si Mr. Principal na may hawam na microphone at nakamasid sa amin. Mukhang hinihintay na maupo ang lahat bago siya magsalita.
Nasa likuran naman ni Mr. Principal nakaupo ang campus officers. Isa na dun si Hechanova na campus president, katabi nito si Artemis na campus vice-president.
Nang makaupo na ang lahat at tumahimik na dito sa loob ng gymnasium saka pa nagsalita na si Mr. Principal.
"Good afternoon J. Strunthon students. You might be wondering why I have called you here today. I am here to announce that on Saturday night, next week, we will be having a masquerade party to celebrate the 10th anniversary of our school." Maligayang anunsyo ni Mr. Principal.
Nagsimulang umingay at maghiyawan ang lahat dito sa loob ng gymnasium maliban nalang sa amin nina Cyan, Eros, ni Mr. Principal at pati narin ang campus officers na paniguradong alam na ang tungkol dito. Napangiwi ako dahil sa ingay nina Athena at Eris na nasa magkabilang gilid ko. Oh God. Paniguradong hindi 'to palalampasin ng dalawa.
"Quite everyone." Pagpapatahimik ni Mr. Principal. Agad din namang tumahimik ang lahat at nagsimula na ulit magsalita si Mr. Principal.
"This is not mandatory. It's up to you whether you will attend or not but I'm telling you should not miss this since this is the first school anniversary party that will be held here at school wherein only students and teachers of your school can attend.
For those who will attend the party, do wear your best formal attire for we will be having our party's King and Queen. Furthermore, please be guided with the color theme. The color theme will be Gray and Emerald. The party will start at exactly 6 in the afternoon. Please be here 30 minutes before the party starts.
Teachers have an important meeting from 1 to 3 pm so you have long free time, but make sure to attend your classes after the meeting. Strictly no cutting classes." Pahayag ni Mr. Principal at striktong nagpaalala sa huli na may classes parin after the meeting. Bumaba narin ng stage si Mr. Principal matapos kausapin ang officers tapos ay nag exit sa backdoor ng gymnasium.
Nagsimula na ring magsilabasan ang lahat at ganun narin kami.
Pagkalabas na pagkalabas palang namin sa gymnasium ay agad na nagtilian sina Eris at Athena.
"O.M.G! O.M.G! I can't wait!" Exited na sigaw ni Eris at tumalon-talon pa. Tumikhim naman si Cyan kaya napatingin kami sakanya.
"If you want doon na kayo magpagawa nang long gown na susuotin niyo sa boutique ng tita ko. She's the best gown designer in town." Ani Cyan.
"Hmp! If I know papataasan mo lang sa tita mo ang price." Umismid si Eris at nag crossarms pa. Tinaasan naman siya ng kilay ni Cyan.
"Excuse me. Hindi ka kasama sa mga discount." Nakangising tugon ni Cyan.
"Whatever! I don't need any discount. I have money." Pagsusungit ni Eris.
"Whatever! I don't need any discount. I have money." Panggagaya naman ni Cyan kay Eris. Agad namang namula sa inis si Eris at walang pasabing pinaghahampas si Cyan ng tote bag nito. Tatawa naman si Cyan habang pilit na sinasangga ang panghahampas ni Eris sakanya.
Natigilan ako. Bigla kong naalala si Hechanova. I hate to admit this but hinahanap ng sistema ko 'yong mga pang-aasar at pang-iniis ni Hechanova. Shuta siya. How dare he! I mean, halos araw-araw hindi umaabsent ang lalaking 'yon sa pagsira ng araw ko. Sinong hindi masasanay doon? Araw-araw hinahanda ko ang sarili ko kung ano na namang panibagong 'knows' ng lalaking 'yon. Anyways, these past few days umuuwi na ako galing school na hindi masama ang loob. Thank God! Buti naisipan niya pang mag bakasyon muna sa paninira ng araw ko.
Kunot noong napalingon ako sa kaliwang bahagi ko ng maramdamang may nakamasid sa'kin. There, I meet his gaze. I almost gasped in shock. Nakaharap ito sa gawi ko at nasa harapan nito si Artemis na nakatalikod naman sa gawi ko na mukhang may sinasabi kay Hechanova. Gumalaw ang mga bibig ni Hechanova pero nasakin parin nakatutok ang mga mata ko. Nang mapansin kong lilingon na sa gawi ko si Artemis ay agad akong nag-iwas ng tingin at sumiksik kay Athena.
"Right, Aphrodite?"
Agad kong nilingon sila Athen na parehong nakatingin sa akin, "huh? Oh yeah! Sure." Agad akong sumang-ayon kahit hindi alam kung ano ang tinutukoy nila. I'm tried not to be obvious and give them a small smile. Thankfully, wala naman silang nasabi sa sagot ko.
HAPON na at nagyaya sina Artemis at Athena na mag mall. Magkasundong-magkasundo ang dalawa kapag tungkol sa pagsha-shopping ang pag-uusapan. Ayon sa dalawa, habang Monday palang daw mamimili na sila ng mga gagamitin sa party. 'Mas maaga, mas maraming pagpipilian.' Ani pa ni Artemis.
Nasa hallway na kami ngayon palabas na ng school. Kinapa ko ang bulsa ng skirt ko just to confirm na nailagay ko dito sa phone ko. Pero napakunot ang noo ko ng wala akong makapa. Agad kong chi-neck ko sa bag ko baka dito ko nalagay pero wala rin dito. Asan na yun?
"Aphrodite? May problema ba?" Napalingon ako kay Cyan na nasa tabi ko. Sumama rin pala sa amin sina Eros at Cyan. Nagpumilit ang dalawang sumama. Noong una ayaw pa ni Eris pero nang sinabi ni Athena na pwedeng sila ang magdala ng mga bibilhin ay pumayag din agad si Eris. Kawawang Eros at Cyan.
"My phone's not here. I think I left it at the room. Babalikan ko nalang." Sagot ko at sinusubukan paring hanapin sa loob bag ko. I was hoping na nandito lang, hindi ko lang napansin agad. Minsan pa naman 'yong akala mong wala, nandiyan lang pala hindi mo lang agad napansin. Chos!
"Do you want me to accompany you back to the room?" Tanong ni Cyan pero ngumiti lang ako at umiling.
"No need. Pakisabi nalang diyan sa tatlo na binalikan ko lang ang phone ko sa classroom." Sabi ko at nginuso sina Eros, Eris at Athena na nauunang maglakad sa amin.
Tumango naman si Cyan bilang sagot kaya tumakbo na ako pabalik sa room. Nasa first floor lang naman ang room kaya hindi ako matatagalan.
Pagkarating ko sa room ay kaagad kong pinuntahan ang desk ko. Napahinga ako ng maluwag ng makita ang phone ko sa itaas ng desk ko. Clumsy me. Buti walang kumuha. Agad kong kinuha ang phone ko lumabas na. Ayaw pa naman ni Athena iyong naghihintay siya.
Napatili ako ng may kamay na humila sa akin papasok sa isang madilim na room. I horror, I tried to shout pero kaagad na tinakpan ng estranghero ang bibig ko. Nagpumiglas ako at pilit na kumalawa mula sa hawak niya ng matigilan ako ng marinig ko itong magsalita.
"Shh! It's me." Nang kumalma na ako saka niya naman inalis ang kamay na nakatakip sa bibig ko. Ramdam na randam ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko. Napalunok ako.
"He-hechanova?" Tawag ko sakanya. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang bibig nito sa tenga ko.
"What did you do to me? Are you perhaps a witch?" Mahinang bulong nito.
"W-what do you m-mean?" Nauutal na tanong ko pero hindi siya nagsalita.
Napahinga ako ng maluwag ng lumayo si Hechanova ng kaunti sa akin. Kahit madilim ay naaanig ko parin naman siya dahil sa sinag na nanggagaling mula sa maliit na siwang sa makapal na kurtina ng bintana.
Mula sa mukha ni Hechanova, bumaba ang tingin ko sa maliit na box na kinuha mula bulsa niya. Binuksan niya ang box at inilabas mula sa loob ang isang kwentas na kulay silver. The small pendant is shaped into a small bird wings. May maliit na stone sa gitna ng wings na kulay purple which is my favorite color.
"Wear this at the Masquerade Party. I want to see you wearing this." Anito at walang pasabing isinuot sa akin ang kwentas. Nang masuot na niya sa akin ang kwentas ay nagtatakang tinignan ko siya.
"Para saan ito, Hechanova?" Nakakunot noong tanong ko sakanya. Nagkibit balikat naman siya at tipid akong nginitian.
"It's a secret. Promise me, Scottish. No. Scratch that. You WILL wear that necklace at the party." Seryosong at may pinalidad ang tunog ng boses nito. Kahit nagtataka ay tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Geez. Anong klaseng pakulo niya na naman ba ito.
"Good. Go ahead. They're probably waiting for you, especially Athena." Ani Hechanova at tinanguan ako. I pressed my lips in and nodded back at him. Hinawakan ko ang siradura at pinihit ito. Nilingon ko ulit si Hechanova. Naka pamulsa lang ito habang nakatingin sa akin. Iniwas ko lang ang paningin ko sakanya at tuluyan ng lumabas nang room na iyon.
Malaim ang isip ko hang naglalakad papunta nang parking lot habang hawak-hawak ang pendant ng kwentas na ibinigay ni Hechanova sa akin.
"O, andiyan na pala si Aphrodite eh!" Napaangat ako ng tingin at nakita sina Eris. Nasa parking lot na pala ko ng hindi ko namamalayan.
"Nakita mo ba ang phone mo?" Agad na tanong ni Cyan. Tumango naman ako at ipinakita sakanila ang cellphone ko.
"Oh my! Is that necklace yours? I did not notice you wearing that kanina. Did you bought it?" Agad na lumapit sa akin si Athena at inusisa ang kwentas na suot ko. Napahawak ulit ako sa kwentas na binitawan ko kanina.
"It's a gift." Mahinang sambit ko. Laking pasasalamat ko ng hibdi nag-usisa pa Athena. Tanging 'uh-huh' lang ang sinabi nito maliban nalang kay Artemis na tahimik lang na nakamasid sa reaksyon ko. Wala sa sariling napalunok ako. Ilang sandali pa ay ngumiti si Eris at inaya na kami.
I flinched nang lumingon si Eris sa akin na nauunang maglakad with Eron in her side. Makahulugan ako nitong nginisian na para bang may nalalaman. Nag-iwas nalamang ako ng tingin.