Chapter 8

1139 Words
"Ang ganda pala talaga rito sa U.S.A, saan kaya maganda unang mamasyal?" nasa airport palang kami ay todo tanong na si Raven kung saan ba daw kami unang mamamasyal. "Hindi tayo pumunta rito para mamasyal Raven, mag-aaral tayo!" maawtoridad na sabi ko rito. "Wow, hindi ba pwedemg mag-enjoy?" Raven raised an eyebrow. "Mama mo enjoy!" pang-aasar ko rito. "I hate you!" "I hate you, too!" "Argh..." "Ano ba yan Raven? Ang ingay mo," suway sa kanya ni Tita Lorraine. Tinawanan ko lang siya dahil sa naging reaksyon niya. Parang kahapon lang nasa pinas lang ako ngayon nasa ibang bansa na. Pagkarating namin sa bahay ay agad naming inayos ang mga gamit na dala namin. Magkasama kami ni Raven sa kwarto. Alangan namang ako lang mag-isa ang humiga sa dalawang kama? Tuwang-tuwa si Raven ng makita niya ang kwarto namin. Todo picture pa nga siya eh. Inayos ko ang iilan kong damit sa wardrobe bago pumasok sa banyo para maligo. Nilinis ko na rin ang kama ko. Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong pinatuyo ang buhok ko at humiga sa kama ko para matulog. Wala na akong nakikitang Raveb at alam ko na kung nasaan siya ngayon. Mukhang hindi napagod si Raven sa byahe at kung saan-saan na nakakarating para lang magselfie. Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na narinig ko. Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto at nakita ko si Raven na nahihirapang tumayo. Bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang iba pa naming mga kasama. Agad naman siyang tinulungan ng dalawa kong kuya. Ano naman pumasok sa utak ni Raven at pumatong pa ito sa upuan? "Ano namang nangyare sa'yong bata ka?" inis na tanong ni Tita Lorraine kay Raven. "Nalaglag ako sa upuan, nadislocate ata paa ko!" maarteng sabi ni Raven. "Ano namang ginagawa mo sa upuan at nadislocate ka aber?" "Naghahanap ng signal!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay piningot siya ni Tita Lorraine sa tenga. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil inaantok pa talaga ako. Hindi ko akalaing kahit maingay sa kwartong ito ay nagawa ko pa ring matulog Tanghali na ako nagising dahil na rin suguro sa pagod. When I woke up, wala na si Raven sa kama niya. Agad akong naligo at bumaba sa salas. Bakit kay napakadilim rito? Kinapa ko ang switch ng ilaw para lumiwanag naman rito. Pagbukas ko ng ilaw ay siya ring pagsabog ng confetti sa akin. Nilingon ko ang pinanggalingan nun at laking gulat ko ng masaksihan silang lahat. "Happy birthday, Monique!" "Happy birthday!" Its my birthday! Sa dami kong pwedeng kalimutan ay yung birthday ko pa. Lumapit ako sa kanila para ihipan ang candle sa cake na hawak-hawak ni Raven at ng mga barkada ko. "Happy birthday, Monique!" sabay-sabay nilang banggit. "Thank you guys!" Nagpunta kami sa kitchen para kainin ang mga handa ko. Hindi ko nga rin alan kung paano silang kabilis nakalipad papunta rito. Kwinento nila sa akin na pagkalapag ng eroplano namin dito sa US ay tsaka palang sila umalis. Nagrenta ng videoke si Raven dahil gusto n'ya daw kumata nang kumanta. Nahirapan pa nga daw s'ya magrenta dahil hindi niya daw maintindihan yung sinasabi nung may-ari. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at nagkantahan na. Paikot-ikot lang sa amin ang mic at nagpapataasan ng score. Lagi nga naming inaasar si Raven dahil siya ang may pinakamababang score palagi. Nagpunta kami sa salas ng tawagin kami nina Mommy at Tita Lorraine. Pinaupo nila ako sa isang steel chair. Unang lumapit sa akin si Mommy na may dalang maliit na box. Sumunod naman si Daddy at ang dalawa kong kuya. Nang matapos na nilang ibigay sa akin ang kani-kanilang mga regalo ay umakyat na ako sa kwarto para itago ang mga regalo. Balak ko sana na bukas nang buksan ang mga regalo kaso panira si Raven. "Monique, ang dami mong gifts!" sabi ni Raven. "Buksan na na'tin?" "Mas excited ka pa sa akin 'eh!" pag-bibiro ko rito. "Syempre, ang dami-dami nito 'oh!" tinuro niya pa ang mga regalo nila sa akin. "Mamaya na'ting gabi buksan!" Pagkatapos naming ayusin ang mga regalo ay bumaba na rin kami. Hindi pa rin natatapos ang kasiyahan sa baba. Nandito rin kasi ang mga kamag-anak namin sa side ni Daddy. Halos kasi lahat ng kaibigan ata kapatid ni Daddy ay nagtratrabaho rito sa US. Nagpunta kaming mga teenagers sa garden para hindi namin maistorbo ang ilang bisita. Nasa may kubo kaming lahat. Dinala ko na rin ang gitara ko para mag-sing-along kami sa kubo. Nag-dala na rin sila ng mga pagkain para hindi raw kami magutom. Kahit kakatapos lang namin kumain. "When I spin this bottle, kung sino ang matapat s'ya ang magdudugtong nang kanta. Game?" suhestiyon ni Raven. "Game, ako unang kakanta." sabi ko. "Game!" ♪Hi, Boy you just caught my eye♬ ♪Thought I should give it a try♬ ♪And get your name and your number♬ ♪Go grab some lunch and eat some cucumbers♬ Tumigil ang bote sa tapat ni Jade kaya siya na ang sunod na kakanta. ♪Why...Did I say that I don't know why♬ ♪But you're smilin' and it's something' I like on your face♬ ♪Yeah, it suits you♬ ♪Girl we connect like we have bluetooth♬ Hindi na namin naituloy ang aming pag-kanga dahil bumuhos ang napakalakas na ulan. Bumalik kami sa loob ng bahay at napag-isipan na lang na mag movie marathon. Hindi pa nga kami magkaintindihan kung ano ang papanoodin namin. "The Conjuring na nga lang kasi," inis na banggit ni Raven. "Gusto mo lang na mayakap ako kaya yan ang gusto mong panoorin 'no?" pang-aasar ni Sean rito. "Piste..." "Oo na, ipasok mo na yung tape." Sa huli ay nagwagi pa rin si Raven. Mukhang mas takot pa ang boys kesa sa aming dalawa ni Raven. Wala pa kami sa kalahating oras na nanonood ay puro irit na sila. "Baka nga ikaw pa ang gustong yumakap sa 'kin Sean," mapang-asar na sabi ni Raven. Hindi namin namalayan na ginabi na kami sa panonood. Tinulogan kami ng mga mokong kaya iniwan na namin sila sa guest room. Akala ko ay nakalimutan na ni Raven ang mga regalo ko pero, hindi pala. "Tara, buksan na na'tin yung mga gifts mo!" Agad akong hinila ni Raven patungo sa kwarto namin. Kinuha niya isa-isa ang mga regalo at inilapag sa sahig. Sa dami ng mga regalo ay sa isang bagay lang ako nakatingin. "Kanino galing 'to?" tanong ko kay Raven. "Hindi ko 'rin alam!" "Paano napunta yan dito?" "Nakita ko kasi yan sa locker ko bago tayo lumipad papunta dito, nakapangalan sa'yo kaya dinala ko." Tinanggal ko ang balot 'nun para makita ko ang laman. Ang hula ko ay isa itong bracelet o 'di kaya ay kwintas. Pagbukas ko ng kahon ay isang kulay gold na kwintas ang sumalubong sa akin. "Anong ibig sabihin ng V?" takang tanong ni Raven. Letter V kasi ang pendant ng kwibtas na wala naman sa pangalan ko. Si Raveb na ang nagpresinta na isuot sa akin ang kwintas. Pincturan niya pa nga ako para daw paltan ko na ang profile picture ko sa sss. Nasa kalagitnaan kami ng pagbubukas ng mga regalo ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nagmessage. "Happy Birthday!" Did you like it?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD