Ilang linggo na lang ay nalalapit na ang paligsahan. Nandito na naman kami sa condo ni Sean. Napagusapan na rin namin na ito na ang huli naming pageensayo. Saulo na naman namin ang mga dapat naming gawin.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mensahe sa akin ng kahina-hinalang numeri. Sino naman kaya ang tao sa likod ng numero na iyon? Ay, sumasakit na ang ulo ko kakaisip.
"Bakit tulala ka?" Napatingin naman ako sa nagsalita. "Mukhang malalim ata ang iniisip mo."
"Wala, pagod lang siguro!" pag-sisinungaling ko.
"Galit ka ba kase lilipat na kami ng school?"
"Hindi, natutuwa nga ako kase wala ng mangugulo sa akin."
"Eh, bakit ang ilap mo sa amin?" Lumingon ako sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Sinasanay ko lang yung sarili ko na hindi ko kasama ang mga tropa ko."
Balak ko sanang yakapin si Sean ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Ito na naman yung kahinahinalang numero. Anong tingin niya sa aking mang-huhula? Pesteng yawa...
"Sino yan?" tanong ni Sean.
"Not important, una na ako sa inyo!"
Buong araw ko atang pinagisipan ang dalawang letra na 'I' at 'L'. IL? Ano namang ibig sabihin 'nun? Nandito ako sa locker para kunin ang iba kong gamit. Aalis na sana ako sa lugar na 'yun ng biglang may humila sa akin sa isang silid.
Madilim ang paligid kaya hindi ko makita kung sino 'to. Wala pang masyadong estudyante kaya hindi ako makahingi ng tulong. Hinawakan niya ang baba ko at dumanpi ang labi niya sa labi ko.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarinig ako nang pag-bukas at pag-sara ng pinto. Sinubukan ko siyang habulin pero wala ni isang tao ang nandito kung sino man siya hayop siya, he stole my first kiss.
Buong mag-hapon ay tulala ako. Ikaw ba namang nakawan ng unang halik. Ni-reserve ko pa naman yung first kiss ko kay Chester tapos nanakawin niya lang? Sino naman kaya ang nag-nanais ng matamis kong labi?
"Sorry, Miss!"
Dahil sa lutang ako, nakabangga ako ng gwapo. Pero mas gwapo pa rin si Chester, loyal kaya ako. Kinuha ko ang mga libro na nalaglag at tinulungan niya naman ako.
"S-Salamat!" nauutal na sabi ko.
"You're welcome!" pag-kasabi niya 'nun ay umalis na rin ito kaagad.
Hindi mawala sa paligid ang mga matang mapanghusga. Sino ba naman ang hindi pag-uusapan pag nilapitan ka ng isang Kurt Bautista. Actually, Chester and Kurt are best friend. Meron pa nga silang g**g.
Gang na hindi nakikipag-away. Binubuo sila ng pitong miyembro. Sila Chester, Kurt, Loco, Rongie, Zymon, Paulo, at Darrel. Lahat sila ay tinitilian at pinapabgarao ng mga kababaihan.
Pero, isa lang ang bumihag sa puso ko. At yun ay si Chester. Basta siya lang ang bumihag sa puso ko. Everytime na suot ko ang bracelet na ibinigay niya sa akin, lalo ko tuloy siyang namimiss.
"Guys, libre niyo ako," sabi ko sa anim na kasama ko.
Kanina pa kasi kami paikot-ikot sa mall na ito at hindi pa kami kumakain.
"Saan mo ba gustong kumain?" tanong sa akin ni Jonard.
"Mang Inasal, para maraming kanin!"
At yun na nga, dinala nila ako sa mang inasal. Pagkatapos namin kumain, nagsiuwian na rin kami. Balak ko pa sanang maggrocery kaso naalala ko wala palang kayo, charing! Next weekends na lang ako maggrogrocery.
Ang lungkot pala pag walang kasama sa condi. Feeling ko ang lungkot ng buong paligid. I sigh because of loneliness.. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Sumilip ako sa bintana at umuulan na naman.
♪Buhos na ulan aking mundo'y♬
♪Lunuring tuluyan♬
Hindi ko na naituloy ang pag-kanta ng may kumatok. Wala naman akong inaasahang bisita kaya nagiisip ako kung sino ang maaaring bumisita sa akin. Binuksan ko ang pinto pero hangin lang ang tumambad sa akin.
Lalabas sana ako ng pinto ng may masagi akong kahon. Kinuha ko yun at sa akin ito nakapangalan. Wala namang ibang nakasulat kundi Mr. KB. Sino naman kaya ito?
Sinilip ko ulit ang labas baka makita ko kung sino ang nag-iwan nito pero wala ni isang tao akong naglalakad rito. Isinara ko na lang angvpinto dahil wala naman akong mapapala rito.
Ipinatong ko ang kahon sa maliit kong coffee table. Iniisip ko kung bubuksan o itatapon ko na lang ba ang kahon na ito. Baka bomba ang laman nito mamatay pa ako ng maaga. Kumuha ako ng cutter sa kusina para pang-bukas sa kahon na ito.
Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at tumambad sa akin ang tatlong rosas. Sa tatlong rosas na iyun ay isa lamanv ang may nakasulat. Kung ang una naman ay 'I' at 'L' ito naman ay 'O'.
Inilagay ko ang mga rosas sa flower vase. Sino naman kaya ang mag-bibigay sa akin nito? Kinuha ko ang cellphone ko at agad hinanap ang kahina-hinalang numero.
Ilang beses ko itong tinawagan at ilang beses niya rin akong binabaan. Magtytype na sana ako ng message pero naunahan na niya ako.
'What do you want?"
Ako pa talaga ang may kaylangan sa kanya? Wag nga siyang assuming.
"Hoy, sino ka ba?" sabi ko habang nagtytype.
Ilang segundo lang ang lumipas at nagreply na rin siya sa wakas.
'I'm busy!'
Dahil sa inis ay hindi ko na siya nireplyan isa lang naman kasi ang gusto ko. Ang malaman kung sino siya. Napatingin naman ako sa flower vase kung saan ko nilagag ang tatlong rosas. Dali-dali kong kinuha ang cellphonr ko at agad siyang nireplyan.
"Para saan yung tatlong rosas?"
Mukhang busy nga ang isang 'to. Iniwan ko na lang ang cellphone ko sa coffee table para kumuha ng snacks sa kusina. Hindi pa man ako nakakatayo ay tumunog na ang cellphone ko.
'That's for you to find out!'
Ginagago ba ako ng lalaking 'to? Nagsasayang lang ako ng oras sa isang 'to. Tumungo ako sa kwarto para mag-basa ng libro. Nagbabasa ako ng libro pero wala akong maintindihan.
Naalimpungatan ako dahil malapit na akong mahulog sa upuan. Nakatulog na pala ako sa pag-babasa. Alas-sais pa lang ng gabi, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto.
Naisipan kong mag-movie-marathon mag-isa. Nagluto ako ng french fries at fried chicken para hindi ako magutom habang nanonood. Mukhang maganda kasing panoodin yung Strong Girl Bong Soon kaya tatapusin ko yun ngayong gabi.
In-off ko ang cellphone ko para hindi ako maabala sa panonood ko. Nasa unang episode pa lang ako ay para na akong timang sa pagtili. Mukhang mababaliw ako sa k-drama na ito.
Alas dose na ako natapos sa panonood. Nagkulang pa nga sa akin ang fries at fried chicken na niluto ko. Niligpit ko lang ang mga pinag-kainan ko at pumasok na sa kwarto para matulog.
"Shems, late na ako!"
Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Nakalimutan kong may pasok nga pala ako ngayon. Lesson learned: wag manonood ng k-drama pag may pasok kinabukasan!
Kung kelan nagmamadali ako tsaka naman tumirik ang sasakyan ko. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at sampung minuto na lang ay late na talaga ako.
Buti na lang at malapit ako sa vulcanizing shop. Sa wakas ay naayos na rin ang kotse ko. Wala na akong pakealam kung mahuli ako ng pulis dahil sa bilis ng pagmamaneho ko. Ang mahalaga ay makarating ako sa school sa tamang oras.
Wala ng estudyante ang nakakalat sa buong campus. Marahil ay nagsisimula na ang kani-kanilang klase. Second floor pa ang room ko kaya kelangan ko pang gumamit ng hagdan.
Hindi pa ako nakakarating ng lubusan sa room ay todo na ang hingal ko. Malapit ka na Monique! You can do this!
"S-Sorry Sir, i'm late!"
"Why?"
"Nasiraan pa ako!"
"Graded recitation, remember?"