It's been a week na rin ng huli kong makita at maka-usap si Chester. Siguro ay dahil malapit nang mag-simula ang First periodical test? I don't know! Heto ako ngayon nasa library nag-aaral sa papalapit na exam.
"Raven?"
"Monique, nakapag-aral ka na?"
"Kakatapos lang, ikaw ba?"
"Ako pa ba?"
Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpunta na sa sunod naming klase. Wala naman masyadong lesson ngayon kundi puro review lang. Malapit na rin ang intrams kaya todo practice na rin ang mga kalahok na sasali.
Nasa kalagitnaan ako ng pagre-review ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
"Hello?"
[God, where are you Monique?]
"Mom? H-How did you get my number?"
[Just answer my question, Monique!]
"Nagrereview po ako."
[I know that you are mad at me, please umuwi ka n–] I hang-up the call.
Arghh...nawala tuloy ang utak ko sa nirereview ko. Pumunta ako sa kusina para kumain. Cup noodles lang ang kinain ko dahil hindi naman ako masyadong gutom.
Still reviewing hanggang dumating ang araw ng exam. Halos ata ng nireview ko ay nakalimutan ko na. Buti na lang at pag nababasa ko na ang question ay bumabalik sa utak ko ang mga nireview ko.
Break time na kaya lahat ng students ay nasa canteen maliban sa akin. Nandito na naman ako sa library nag-aaral. Idagdag mo pa yung narinig kong balita. Nakakastress!
Kaya pala hindi ko na nakikita si Chester ay lumipad na pala ito sa ibang bansa. Hindi ko alam kung saang bansa basta bansa yun na yun. Napatingin naman ako sa bracelrt na ibinigay niya sa 'kin.
Maghihintay ako ng ten years para lang makasama at mapakasalan ka Chester. Yun ay kung ako pa rin ang mahal mo.
"Pass your papers forwad," Miss Tanya said.
Tired day ang tawag ko sa ganitong araw. Basta gusto ko lang, wala kayong pake. Hindi na 'rin kami nakakapag-usap ni Raven dahil parehas kaming busy.
♪Oh ka'y sarap sa ilalim ng kalawakan,♬
♪Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan♬
I'm cooking my favorite dish, which is adobo. Nakaka-lungkot lang kasi wala akong kasamang kumain. Namiss ko tuloy si...ahh, nevermind!
Last day na ng exam bukas kaya makaka-pag-pahinga na ang utak ko sa weekends.
"Hello?"
[Kumain ka na ba, anak?]
"Yes, Mom!" I smile over the phone.
[Kaylan ka bibisita dito sa bahay?]
"Next weekend, maybe?"
[Just call me pag bibisita ka, ipagluluto kita ng paborito 'mong adobo.]
"Ok Mom, i'll call you later i'm studying po eh!"
[Ok, i love you!]
"I love you, too!" She hang-up the call.
Agang-aga umuulan na naman. Rainy season na talaga. Binuksan ko ang tv para manood ng netflix. Habang humihigop ng mainit na kape, bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.
"Hello, Sean?"
[Pupunta kami d'yan ngayon!]
"Lahat kayo?"
[Oo, bakit?] I hang-up the call.
Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maligo. Hindi sana ako maliligo dahil malamig kaso may paparating na bwiseta. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang mga bwiseta. Mabuti at may dala silang mga pagkain.
"Ano namang trip niyo at nagsipuntahan kayo rito?"
Dinala ko ang mga dala nilang pagkain sa kusina at bumalik na ulit sa sala kung nasaan sila naroroon.
"Oh, anong nang-yare sa inyo?" Natatawang sabi ko sa kanila. "Ba't ang lulungkot niyo?"
"We got 70 in Math!"
"May naisip tuloy akong kanta para sa inyo, hahaha."
"Ano na naman yan?"
"I close my eyes and i can see, your grades in math is 70..."
Hindi ko na natapos ang kanta ko dahil pinagbabato na nila ako ng unan. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa reaksyon nila sa kanta ko.
"Bakiy ikaw? Anong grades mo sa math?" ani ni Daniel.
"98, bakit angal ka?" mayabang na sabi ko. "Hahaha."
Sila naman ang pinag-babato ko ng unan. Pagkatapos ko silang batuhin ng unan ay nag-tungo na ako sa kusina para ipagluto ang mga bwiseta. Sinigang ang niluto ko kasi maulan.
"Kain na!" tawag ko sa kanila na busy sa tv.
"Ikaw nagluto?" tanong ni Carlos.
"Hindi, yung kaibigan kong multo," sabi ko.
Hindi ba obvious na ako ang nagluto? Nagulat na lang aki ng bigla silang yumakap sa akin na parang mga tuko. Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to?
"Ano namang nangyare sa inyo?" inis na sigaw ko sa kanila.
Pilit akong kumakalag sa pagkaka-yakap sa akin ng mga tuko kaso, wala akong laban sa mga tuko. Masyado silang makapit.
"N-Nasaan yung multo?" natatakot na sabi ni Sean.
"Nag-bibiro lang ako, ano ba?"
Sa wakas, nakahinga na ako ng maayos. Sinamaan ko sila ng tingin at nanguna na sa kanilang kumain. Tahimik lang kaming kumakain, nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita.
Ako na ang naghugas ng plato at hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa sala. Lalabas na sana ako sa kusina ng narinig ko silang nag-uusap.
"Paani na'tin sasabihin kay Monique?"
"Sigurado akong malulungkot yun pag umalis tayo!"
"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat. Meron ba akong dapat malaman? Bakit sila aalis?
"Bakit hindi niyo ako sinasagot?"
"Lilipat na kami ng school," sabi ni Jade.
"Kelan?"
"Next month, pagkatapos ng intrams!"
Hindi pa 'rin mag-sink-in sa utak ko ang sinabi nila kanina. Nandito ako ngayon sa balkonahe nagpapahangin. Parang kahapon lang masaya kami tapos bigla na lang kaming mabubuwag.
Ganun talaga, hindi lahat nagtatagal. Nandyan pa naman si Raven. Yun ay kung hindi niya rin ako iiwan. Umuulan na naman. Pumasok na ulit ako sa loob dahil pumapatak na naman ang butil ng tubig galing sa langit.
Kanina ko pa hawak-hawak ang gitara ko pero wala akong ni isang kantang pinapatugtog. Gusto kong tumugtog pero may pumipigil sa akin. Hindi ako maka-pag-sulat ng kanta dahil sa mga nangyayare.
Ibinalik ko na lang muli ang gitara sa dapat paglagyan nito at humiga na sa kama ko. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla na lamang tumunog ang aking cellphone. Siguro ay isa lamang to sa barkada.
Ilang minuto kong pinakatitigan ang screen ng cellphone ko. Mensahe galing sa kahinahinalang numero. May iba ba akong pinagbigyan ng numero ko?
"I..."