Heto ako ngayon, nasa office ni Sir Archie nag-lilinis. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nalate. Ok lang sana kung marami kaming late para may katulong akong maglinis sa boring na office na ito.
Kinuha ko ang cellphone ko para magpatugtog. Baka sakaling ganahan pa akong maglinis dito. Naghanap lang ako ng magandang sounds at sinabayan ang pagkanta.
♪Fly me to the moon,♬
♪And let me play among those stars♬
"Napakaganda pala ng iyong tinig!"
Napatigil naman ako sa aking ginagawa at hinarap kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ito ang unang araw na nakita kong ngumiti sa akin si Sir Archie.
"Kasali ka ba sa contest?" nakangiting tanong sa akin ni Sir Archie.
"Opo," masiglang sagot ko.
"Mabuti, wag ka ng magpalate sa susunod para hindi ka na makapaglinis sa susunod," natatawang sabi nito.
Tinanguan ko na lang si Sir Archie at umalis na sa boring niyang office. Naboboring rin kaya si Sir doon? Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakagwapo pala ni Sir Archie pag nakangiti ang kaso nga lang, lalaki rin ang hanap.
"Talaga? Nakita mong ngumiti si Sir Archie?" hindi makapaniwala si Raven sa kwinento ko sa kanya.
"Legit sis, ang gwapo niyang ngumiti!" sabi ko. "Ang kaso nga lang..."
"Ang kaso lang ano?"
"Bading," pabulong na sabi ko para walang ibang makarinig.
"Pero, balita ko may jowa daw yun!"
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hindi ako sure, narinig ko lang somewhere!"
Nagusap lang kami saglit tungkol kay Sir Archie at pumasok na sa sunod naming klase. Hindi kami magkaklase ni Raven kaya minsan na lang kami magusap.
Pagdating ko sa classroom ay isang paperplane ang tumama sa akin. Tumigil yun mismo sa harapan ko. Tumingin ako sa kanila para hanapin kung sino ang bumato nun sa akin.
"Sinong bumato?" tanong ko sa kanilang lahat.
Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin akong nakuha kahit isang sagot. Nakakatakot ba ang itsura ko para hindi nila ako sagutin?
"Sino sa–"
"Ako bakit?" It's Paulo. "Ano naman kung binato kita?"
"Ano namang dahilan at binato mo ako?" matapang na tanong ko rito.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumait sa 'kin. Pag lumalapit siya sa akin ay siya ring pagatras ko. Wala na akong ibang madaanan kaya nacorner niya ako sa railings na nakaharang rito.
"One answer, one kiss!"
Nagising naman ako dahik sa panaginip kong iyon. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Wala kaming pasok ng isang linggo dahil sa bagyo. Kaya pala ulan ng ulan nung mga nakaraang araw kasi may bago pala na parating.
Alas singko na pala ng umaga. Balak ko sanang mag grocery ngayonkaso mukhang malakas ang hangin. Lumipas ang maghapon at wala akong ginawa kundi kumain at matulog lang.
Magmomovie marathon kasi ako kaya dinamihan ko na ang tulog ko. Kagaya nung nakaraan, fries at chicken lang ang niluto ko pero mas dinamihan ko na ito. Habang nagluluto ay nagiisip na rin ako ng pwede kong panoorin.
Backstreet rookie o Love in Trouble? Parehas namang nandun si Ji Chang Wook kaya iisa-isahin ko na lang. Backstreet Rookie muna. Bukas na ang Love in Trouble. May schedule HAHAHAHA.
Gaya ng nakasanayan, in-off ko ang cellphone ko para walang makaabala sa panonood ko. Lumipas ang ilang oras ay natapos ko na rin ang pinapanood ko.
Tanghali na ng magising ako dahil sa panonood ng korean drama. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung malakas pa ba ang hangin. Hindi naman masyadong malakas ang hangin kaya pwede akong maggrocery.
Naligo ako saglit at nagpunta sa pinakamalapit na supermarket. Nahihirapan pa nga akong lumusot dahil traffic. Lumipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa supermarket.
Pang isang buwan na ang binili ko para hindi ako labas ng labas. Nasa section ako ng mga prutas ng maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Humarap ako patalikod pero wala namang tao sa likod ko.
Siguro ay sa panonood ko ito ng mga law drama. Hindi naman ako mag-aabogado pero yun ang lagi kung pinapanood. Pag zombie apocalyspe naman ay hindi agad ako makatulog. Pakiramdam ko ay may kakagat sa akin na zombie kahit anong oras.
Pagkatapos kong mamili ay umalis na rin ako kaagad. Baka maipit na naman ako sa traffic. Habang nasa byahe ay biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko kaagad yun ag agad sinagot ang tawag.
"Hello?"
[S-Si M-Mommy!]
Agad akong nagpunta sa emergency room kung saan naroroon ngayon si Mommy. Naka-upo sa labas si Daddy at ang dalawa kong kapatid. Nilapitan ko silang lahat at agad niyakap.
"A-Anong nangyare?" hindi ko na mapigilang umiyak.
"H-Hindi na kaya ng puso ng Mommy mo, Anak!" tuluyan ng bumigay ang mata ko dahil sa sinabi ni Daddy.
Naupo na lang ako sa sahig dahil sa pagiyak. Hindi ko alam na may sakit pala si Mommy sa puso. Paano nangyare yun? Kaeylan nangyare yun? Lumipas ang ilang oras ay lumabas na ang doctor na nag-opera kay Mommy.
Lahat kami ay tumayo at lumapit sa doctor. Tinanggal nito ang surgical mask na humaharang sa labi nito.
"The patient..." bigla na lang ngumiti ang doctor sa amin. "...survived!"
Ako na ang nagbantay kay Mommy ng ilipat siya sa kwartong ito. Bumibisita lang dito sina daddy at kuya para tingnan ang kalagayan ni mommy. May mga duty kasi sila kaya ako na ang nag-alaga kay Mommy.
Dalawang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin minumulat ni Mommy ang kanyang mga mata. Kinuha ko ang gitara na kinuha ko pa kanina sa condo. Pinatong ko yun sa aking hita ang pinatugtog ang paboritong musika ni Mommy.
♪The other night, dear,♬
♪As I lay sleeping♬
♪I dreamt I held you♬
♪In my arms♬
♪When I awoke, dear,♬
♪I was mistaken♬
♪So I hung my head,♬
♪And I cried♬
♪You are my sunshine,♬
♪My only sunshine♬
♪You make me happy♬
♪When skies are grey♬
♪You never know, dear,♬
♪How much I love you♬
♪Please don't take♬
♪My sunshine away♬
"Hope that you will accept my singing career, Mom!" sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"Tanggap ko na, Anak!" pinunasan ko ang pisnge ko ng marinig kong magsalita si Mommy.
Hinaplos niya ang pisnge ko at sumilay ang kaniyang napakagandang ngiti.
"Napakaganda pala ng boses mo!" Mom greeted me. "Dapat pala ay una palang ay sinuportahan na kita!"
"Mom, magdodoctor pa rin ako gaya ng gusto niyo!" I smiled at her.
"Pwede bang kantahin mo ulit ang paborito kong kanta?" She asked.
"Sure, Mom!"
I sing again the favorite song of my mom. The doors open then my Family came. Lumapit sila sa amin ni Mommy at sumabay sa pag-kanta ko.
Ngayon ay sa bahay na ako umuuwi para bantayan si Mommy. Nag-resign na rin siya sa trabaho dahil hindi niya na talaga kaya. Mabilis na rin siyang mapagod kaya lagi siyang naka-higa o kaya'y naka-upo.
Sinusuportahan na rin nila ako sa pagkanta ko. Sa tuwing inaantok si Mommy ay pinapakanta niya sa akin ang paborito niyang kanta.
Ang kantang yun ang laging kinakanta sa akin ni Mommy nung bata pa ako. Yan din ang theme song nila ni Daddy. Namalayan ko na lang na nakatulog na rin ako sa tabi ni Mommy. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng gitara.
Si Mommy kumakanta! Minulat ko ang mata ko para kumpirmahin kung siya nga ba iyun o nagmamalikmata lamang ang tenga ko, charing!
Mom is have a good voice. Bumangon ako at sinabayan siyang kumanta. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung hindi ba nag-sasawa si Mommy sa kantang yan. Mom givr me a sweet smile!
"Mangarap ka lang, anak!"